ONE MONTH LATER... "Gray, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Madison sa anak niyang abala sa paglalaro ng basketball sa garden. Tumigil ito at bumaling sa kaniya. "Mommy, it's Saturday po," sagot nito. Napatanga siya ng mga sandaling iyon. Really? Sabado pala ngayon. Wala siyang kaalam-alam na weekend na pala kaya tinanong niya ang anak niya. Bakit ba ganito siya? Ilang araw na siyang ganito. Balisa siya at minsan nga'y ang bilis uminit ng ulo niya sa hindi niya malamang dahilan. Napailing siya at nilapitan si Gray. "Sorry, baby. Hindi ko alam na Sabado pala ngayon. By the way, where's your daddy? I woke up without him." "Mommy, umalis na po siya." "Ganoon ba? Sige, maglaro ka lang dito, ha? Kakain lang ako at medyo nagugutom ako, e. Hindi ka puwedeng mapagod nang husto, tumigil k