"AYOS LANG BA sa iyo na interview-hin nila?" tanong ni Madison habang hawak ang kamay ni Grayson. Kakalabas lang nila ng elevator ng may makita silang mga paparazzi sa labas ng hospital. Hindi na siya magtataka kung sino ang hinihintay ng mga ito. Si Grayson iyon. Nabalita na si Grayson sa TV nitong nakaraan kaya naman ngayon ay may mga paparazzi. "It is fine for me," sagot ni Grayson sa kaniya habang nakangiti. Hindi niya mapigilan ang mamangha. Guwapo pala si Grayson kapag nakangiti. Though marami na niyang beses na nakitang nakangiti ito, pero iba ngayon. Bumagay ang bagong tubo nitong balbas. Oh God, why Grayson is so handsome? She's amazed! Tumango lang siya at hindi na umimik pa. Nakasunod lang sila sa mommy ni Grayson ng mga sandaling iyon habang may dalawang guwardya ang nasa m