"IS SHE OKAY?" "Yes, she needs to rest for a while. Hindi naging maganda ang pagsuntok sa kaniyang tiyan kaya nahimatay siya. You don't need to worry because she's okay now." Dahan-dahang binuksan ni Madison ang mga mata nang marinig iyon. 'Pagmulat pa lamang niya, bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame. Kalaunan ay iginala niya ang mga mata at mula sa gilid niya, nakatayo roon ang isang lalaki— si Clyde. Sa paanan naman niya ay may nakatayo roon— base sa suot nito, napag-alaman niyang doktor ito. Kung ganoon, nasa hospital siya. "Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko rito?" natatakot niyang tanong saka umupo sa kaniyang kinahihigaan at kasabay naman noon ay ang pagkirot ng kaniyang tiyan. "Aray!" daing niya at sinapo ang tiyan. "Oh God, are you okay, Madison? How's your feeling?"