"DADDY, CAN MOMMY Ria be my forever mommy?" Natigilan si Grayson sa pagtitipa sa kaniyang laptop nang marinig iyon mula sa bibig ni Gray. Tiniklop niya ang laptop niya at tiningnan ang anak na nakaupo sa harap niya. "Come here, Gray! Let's talk about that here," nakangiti niyang aya sa anak. Tumango si Gray at pumunta sa kaniya. Nang makarating ito sa harap niya, kinalong niya ito. The truth is, he doesn't know what to say about what Gray asked to him. Ayaw niya sa desisyon nito na maging mommy at tawagin nitong ganoon si Ria dahil unang-una, hindi niya pinakikitunguhan nang mabuti si Ria, pangalawa, walang relasyon na namamagitan sa kanila, at ang pangatlo ay hindi sila magkakasundo. Kakauwi nga lang nila kanina mula sa Montevilla Island at alam niyang masaya si Ria dahil magdamag siya