NAGISING SI MADISON sa hindi niya malamang dahilan. She opened her eyes at kadiliman ang bumungad sa kaniya. Nakahiga siya sa kama ngayon at wala siyang alam kung nasaan siya. Umupo na siya at saktong bumukas ang ilaw. At ngayon ay nakikita na niya ang nasa paligid niya. Nagulat siya sa nakita niya. Sa tabi niya, may isang babaeng nakahiga at mahimbing na natutulog. Nasaan ba talaga siya? Kalaunan ay iginala niya pa ang paningin niya at mula sa pinto, may nakita siyang dalawang lalaki roon. Nasa loob siya ng isang kuwarto kasama ang babae. "S-Sino kayo? Anong ginagawa ko rito?" natatakot niyang tanong saka tumayo sa kinauupuan. "Maghubad ka na!" utos ng lalaking may mahabang balbas. "No, hindi ako maghuhubad?" At niyakap niya ang kaniyang sarili. "Nasaan ba ako, huh? Bakit ako nandito?