MATAPOS PUMUNTA SA police station, inaya na ni Madison si Manong Igme na umuwi sa bahay ni Grayson para ipaalam dito na nawawala ang anak nito— anak nila. Wala siyang ideya kung dumating na ba si Gayson dahil maaga pa ngayon... alam niyang mamayang gabi pa ang uwi nito. At kung wala pa ito, pupuntahan na niya ang opisina nito para siya mismo ang magsabi na nawawala si Gray. Siya ang nakawala rito kaya kailangang siya rin ang magsabi. Kung pagalitan man siya ni Grayson, maluwag niyang tatanggapin iyon dahil sa katangahang ginawa niya. Siya mismo ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Ang tanga niya! "Hija, natatakot ako. Mawawalan yata ako ng trabaho dahil sa ginawa mong ito," anang Manong Igme habang abala sa pagmamaneho. "Hindi po, hindi po kayo mawawalan ng trabaho dahil hindi ko