NANG MAKARATING SILA sa harap ng bahay ni Grayson, kaagad siyang bumaba ng kotse ni Garett at kaagad na tinungo ni Madison ang gate. Pero laking gulat niya nang may makitang guard sa tabi noon. Alam niyang may guard dito pero iba ngayon. Nagkataon lang ba ang pagpunta niya at pagbalik nito? Sarado ang gate, naka-lock sa loob. What does it mean? "Kuya, papasok po ako. Gusto ko lang pong makita ang anak ko!" pukaw niya sa guard. "Pasensya na, ma'am pero bawal na po kayong pumasok dito. Hindi ko po maaaring labagin ang sinabi sa akin ni Sir. Grayson. Kaya pasensya ka na, umalis ka na lang, hija." Sinasabi na nga ba. Hindi talaga siya hahayaan nitong makalapit sa bata dahil sa nagawa niya. Tao lang siya, nagkakamali rin. Pero hindi niya kakayaning hindi makita ang anak niya. Kahit ilang seg