NANG DUMATING ANG gabi, napagdesisyunan muna ni Madison na magpahinga kahit sandali. Nang makapunta sa kaniyang kuwarto, kaagad siyang humiga sa kama at nakipagtitigan sa kisame. The truth is, she doesn't feel sleepy pero gusto lang niyang mahiga hanggang sa antukin na siya at makatulog. Kumusta na kaya si Gray? Bigla niyang naalala ang anak niya. Wala pang isang araw silang hindi magkasama, pero miss na miss na niya ito. Isang linggo lang naman ang itatagal niya rito sa kanilang bahay bago makabalik sa bahay ni Grayson. Alam niyang miss na miss na siya ng anak niya pero wala siyang magagawa roon. Kung puwede nga lang dalhin niya rito si Gray, nagawa na niya. Nakakahiyang magsabi kay Grayson dahil alam na niya kaagad ang sasabihin nito. Hindi ito papayag at baka pagsalitaan pa siya nito n