"PAANO MO NASABI na niloko ka ni Madison?" tanong ni Grayson kay Garett. They are in the kitchen and drinking alcohol. Walang nagawa si Grayson kundi sabayan ang kalokohan ng kaibigan niya. Magkaharap silang dalawa at kanina pang nag-e-emote ang kaibigan niya sa kaniya. Pero ang gusto niyang malaman ay bakit niloko ito ni Madison? May label ba ang dalawa? "She chose that man over me! I'm about to confess pero dumating ang gagong lalaking iyon! Sinira niya ang pag-uusap namin ni Madison. Dude, ayaw kong gumawa ng iskandalo at alam mo iyan pero kanina, pinipigilan ko lang ang sarili ko na gumawa ng gulo lalo na't patay ang papa ni Madison. Ayaw kong makita niya akong masama kaya umalis na lang ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, Grayson. Hindi ko matanggap ang ginawa niyang pakik