"UBUSIN MO ANG baon mo, ah," paalala ni Madison kay Gray habang nasa loob sila ng sasakyan. "I will, mommy. I'm so happy po kasi kayo po ulit ang maghahatid sa akin sa school. These past few days, malungkot po ako kasi wala po kayo. Mommy, can I ask?" Nawiwirduhan siyang tumango. "Oo naman, you can ask me anything," nangingiti niyang sabi saka bahagyang inayos ang buhok ng anak. "Mommy, bakit hindi mo po ako sinama sa bahay niyo? Gusto ko pa naman pong makita si lola at lolo. But, sadly, lolo was gone. Hindi ko man lang po siya nakita," may kalungkutang wika nito— maski ang mukha nito'y malungkot din. Nalunok niya yata ang kaniyang dila ng mga sandaling iyon. Hindi siya makaimik dahil sa sinabi ni Gray. Hindi niya maaaring isama ito dahil baka mahalata sila ni Grayson. Sinabi nito sa k