TAHIMIK NA NAKAUPO si Madison sa sariling kama habang sapo-sapo ang mga labing hinalikan kanina ni Garett. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito sa kaniya. Garett kissed her. Bakit sa lahat ng puwedeng gawin nito, bakit ang halikan pa? Gusto niyang balikan si Garett at sampalin ito. Hindi sapat ang pagbulyaw niya rito— hinding-hindi iyon sapat. Dahil sa inis, tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at tinungo ang banyo na nasa kuwarto rin niya. She entered inside and went in the sink. She then opened the faucet and washed her face. Parang diring-diri niyang kinundkod ang mga labi niya gamit ang kaniyang kamay. Bakit ba kasi siya nito hinalikan? Iyon ang hindi niya matanggap. Matapos noon, nagpatuyo na siya ng mukha gamit ang towel. Nang matapos, lumabas na siya ng kuwarto. Sakto namang bumuka