Chapter 92 Jeisen Jee POV --- Tumigil ako sa paglalakad ng matanaw kong paparating si Chief Ding The Rock sa direksyon namin. Nagmamadali ito. Napalinga ako sa paligid. Si Gareth nauna na sa mahal niyang lambo. Ang dalawang manananggol at si Eanela nasa sasakyan na rin nila. Hmmm. Mukhang may hinahabol si Chief ah. Tumingkayad ako para makita kung sino ang mga 'yon. Mga magnanakaw. Alright. Tanghaling tapat on duty sila? Sa mga ganitong pagkakataon. Hindi pwedeng gumamit ng baril ang mga pulis lalo na't maraming tao. Safety first. "Jeisen Jee Escintosh! Aish! Let's go!" "Stay there," utos ko sa kanya ng papalabas ito sa mahal niyang lambo. "Stay! Stay! Qeumerda! Ginawa mo naman akong aso, Jeisen. Halika na! Tsk!" Sumenyas ako sa kanya na 'wag bababa. Nakasimangot itong bumalik

