Chapter 93 Jeisen Jee POV Umabot na ata ng isang buong truck ang dala namin para sa Farm Town. At discounted lahat ng item na nabili namin. Tinapik ko ang balikat ni Gareth at nag-okey sign. Pero sinimangutan niya ko. Naluging koryano ka ba, Gareth? Haha! "Tsk. I don't really know why I am always following you. Aish. Jeisen Jee!" "Psh. You actually have free will," sabi ko. "And, you don't need to follow me." Kumunot agad ang nuo nito. Alam ko na ang reaction niyang 'yan. "Tss. Yeah. I have that free will to follow you. Pasalamat ka pa nga na ganito ako sa 'yo. Sa 'yo lang ako ganito, Jeisen ah." Napaiwas ako ng tingin. Nakakarami na 'tong si Gareth. At ang daming tao pala ngayon sa gym. Parang may fiesta lang dahil sa rami ng pagkaing nakahain sa pahabang mesa. Ang iba ay nak

