Sixty-one Kabadong-kabado ako, ang tumayo rito sa harap ng altar, hintaying pumasok ang babaeng mahal ko ay nagdudulot ng bulta-bultahing kaba. What if, na-realize pala nitong ayaw na n'ya akong pakasalan? What if, naisip ni Quinn na mas marami pang deserving at mas better kaysa sa akin? What… "Para ka nang matatae d'yan, umayos ka nga!" sabi ni Luis na inakbayan ako. Siniko ko ito, hindi ito ang oras para tumanggap ako ng mga biro. Kinakabahan talaga ako. Araw ng kasal namin ni Quinn, kung pwede lang madaliin ang oras ginawa ko na sana. Pero inabot din ng anim na buwan bago naisakatuparan ang lahat. Lahat nang ginastos namin sa kasal na ito ay mula sa mga kaibigan namin. Gustong-gusto kong i-shoulder lahat para sa special na araw na ito, pero ang mga kaibigan ko ay hindi talaga pumaya