Chapter Sixty-two "Tayo'y manalangin." Ani ko sa mga kaibigan ko, nagbungisngisan ang mga ito. Kung sila normal delivery ang mga anak nila, si Quinn naman ay CS. Kung bakit ba naman kasi binasa-basa ko pa 'yong mga article tungkol sa mga experiences ng mga babaeng na-cs. Kung bakit ba naman kasi alam namang duwag sa ganoong mga bagay ay pinush pa rin. Pinagbawalan na ako ni Quinn pero hindi ko ito pinakinggan. Ang rason ko rito ay dahil kailangan kong maunawaan at maliwanagan sa magiging sitwasyon nito. Masakit daw 'yong tutusukin sa likod. Tang*na, ang paborito lang naman nitong tusukan sa likod ay kapag sexy time namin. Kawawa naman 'yong asawa ko sa loob. "Gumanti na kayo kay Abe. Minsan n'yo lang ding makita ang isang ito na ganyan." Heto na naman kami ng mga kaibigan ko,