Forty-seven "Alam kong susubok pa ang babaeng 'yan na baguhin ang isip ni Abe, bantayan mong mabuti. Isasama lang natin 'yan sa trip na ito upang hindi tayo mahirapan sa annulment nila ni Abe." "Y-es, Pa!" takot na sabi ko sa matanda. Tumango naman ito, at sumenyas na lumayo na ako. Napansin kasi nitong palapit si Allena Strateb na kinakasama nito. Pero hindi maipagsigawan dahil dating asawa ni Tres Mcfline. Lumapit ako kay Mommy na panay ang sulyap kay Papa. Mukhang gusto nitong lumapit sa matanda, ngunit takot na baka sabunutan ni Allena. "Mom!" "Siguruhin mong makukuha mo ang lahat ng yaman ni Abe, para maisupalpal natin sa babaeng 'yan na sa atin ang Papa mo." "Mom, akala ko ba mahal mo ang Daddy ni Quinn?" "Hija, makakasama ko pa ba ang taong nasa hukay na? Maibibili ba ako ng