Forty-six "Bakit isinama n'yo pa ang babaeng 'yan?" disgustong tanong ng matanda nang pumasok kami sa mansion ng mga Mcfline. As usual, armado ang mga guards na palitang romoronda sa palibot ng mansion. Ayon kay Tori, may isang pasilyo raw ng mansion ang hindi sakop ng cctv. Yes, na-hack na nito ang cctv ng mansion ng matanda. Pinapanood ang mga kilos nila nang hindi namalayan ng mga ito. Madalas daw magtungo ang matanda roon, at si Allena Strateb. Kasama ang dalawang maids na palaging may bitbit na tray na puno ng pagkain. Iyon lang ang target kong pasukin ngayon. Hindi ko man makuha ang matanda, at least malalaman ko naman kung nasaan ito. Magdi-dinner lang kami rito, dahil iyon ang request ng matanda. Well, sabit lang talaga ako rito. Pero ipinilit ni Abe na sumama ako. Nakasimangot na