Thirty-six Kaharap namin ngayon si Allena Strateb-Mcfline, ang ina ni Abe. Makikita sa asta nito kung gaano kalaki ang pagkakaiba nang pakikitungo nito sa akin at sa kapatid ko. Close na close ang mga ito, hindi ko alam kung nananadya or gano'n talaga sila. Pero nagkibitbalikat na lang ako. "Kapag naghiwalay na kayo ni Quinn, gusto ko ako ang mag-o-organize ng wedding n'yo ni Zoey." Ngiting-ngiti na sabi nito, sabay ngisi sa akin. Ngumisi rin naman ako rito. "I can help you with that." Kinindatan ko pa ang ginang upang iparating dito na hindi effective ang pang-iinis nito sa akin. Napasimangot naman ito at lantaran talagang inirapan ako. Matanda na ito pero basura pa rin talaga ang ugali, siguro noong bata ito, ang gatas nito ay tubig kanal. Bulok na bulok ang pagkatao. Sinulyapan k