Thirty-Seven Huminto ang sasakyan kinalululanan namin ni Tori. Nasa tapat iyon ng isang two-story house na pag-aari ni Tita Zafrea. May naipundar pa rin naman ito bilang kabit ni Daddy. Walang bakod iyon, tulad ng mga bahay na katabi. Simula nang mamatay at maibiling si Dad, hindi na nagtagpo ang landas namin nito. Maaga akong umalis ng bahay, tulog pa si Abe at si Zoey na nakita ko kagabi na iika-ikang pumanhik sa silid nito. "Haharapin mo ba?" tanong ni Tori sa akin. Tumango-tango ako saka binuksan ang bintana upang tanawin ang bahay ng ginang. "Nagsalita na ang mga kasambahay, at itinuro nila si Zafrea. Bakit kailangan mo pang makausap ito?" "Gusto kong malaman, kung bakit umabot s'ya sa puntong gano'n, bakit kailangan n'ya pang gawin iyon sa akin ama." "Tiyak na ide-deny n'ya