Forty-two Bitbit ang lunch box, confident na confident akong itinulak ang pinto ng office ni Abe. Kilala ako ng mga tauhan nito, kaya naman hindi ako hinarang pa. May ngisi sa labi, at cool na cool lang. Pero sa totoo lang, sunod-sunod ang pagtahip ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa gagawin ko ngayon. Ngunit hindi ito ang oras para umatras. "Q-uinn?" gulat na gulat na sabi ni Abe. Humakbang ako palapit dito, at nginitian na ito. "Lunch?" alam ko namang nalilito ito. Tiyak na sunod-sunod ang tanong na pumasok sa isipan nito ngayon sa biglaang pagsulpot ko. "H-indi ka na sana nag-abala." Sabi nito, salungat sa kilos nito na mabilis pang tumayo at tinungo ang pwesto ng couch. Inilapag ko ang lunch box at nagsimulang ilabas iyon sa lagayan. Alam kong sa akin ito nakatitig, ngunit kunwari'