Forty-nine "Bakit hinayaan mong mangyari ito?" galit na galit na sigaw ni Zopronio Eybone sa akin. "Bakit mo sa akin isinisisi? Anak ko ba 'yong nagplano na makasal si Abe kay Quinn? At ano, isisi n'yo sa akin, samantalang kayo ang naglihim ng malala sa akin. Ikaw, Zafrea? Kaya pala kapit na kapit ka sa asawa ko ay dahil s'ya ang tatay ng anak mo---" "Asawa, kasal ba kayo? Pareho lang naman tayong hindi pinakasalan ni Zopronio, saka pwede ba huwag na tayong magsisihan, saan natin ngayon hahanapin ang tunay na Senior Theodese Mcfline? Kapag bumawi ang matandang iyon, hindi ko alam kung saan pa tayo pupuluting lahat." Dumating kami rito na wala na ang matanda. Walang bakas ng force entrance, ngunit wala kahit isang tao na s'yang naiwan noong umalis kami. "Tawagan mo si Attorney, kailang