Fifty "Mga bobo!" galit na galit na hiyaw ni Zopronio sa kanyang mga tauhan na nagbalita nang naging sitwasyon sa Hideout nila. "Lahat po sila'y inabutan nang patay. Hindi pa alam kung ano ang nangyari." "Pwes, alamin n'yo!" sumambulat ang mga gamit na hinawi nito sa tindi nang galit nito. "Kumalma ka, Zopronio! Hindi makatutulong ang init nang ulo mo sa sitwasyon!" saway ko rito. Huminga naman ito nang malalim, na waring kinakalma ang sarili. Sinenyasan ko ang tauhan na lumabas na. Mas lalong uminit ang ulo nito nang malamang lahat, literal na lahat ng bank account ay naka-freeze. Hindi rin namin mahagilap si Zoey na kung saan s'ya lang ang maaaring makapaglabas ng malaking amount sa account na pinaglagakan namin ng pera na nakuha namin mula sa mga illegal activities ng Ambrose Gang