Fifty-seven "Q-uinn!" luhaang niyakap ako ni Zoey. Sinabi ko nang huwag itong aalis sa Isla. Pero anong ginagawa nito rito? "Anong ginagawa mo rito? Sinabi ko na sa 'yong manatili ka sa Isla! 'Di ba?" hindi itinago ang cold na pakikitungo rito. Dadagdagan pa nito ang trabaho ko. Tiyak na nanaisin ng magulang nito na makuha si Zoey. Kapag nakuha nila ito, tiyak na magagamit nila ang perang nasa pangalan nito upang magpalakas ng pwersa. "Kung inaalala mo na baka kunin ako nila Mommy at Zopronio Eybone, malabo na iyong mangyari. Inilagay ko na sa pangalan mo ang perang hinahabol nila sa bank account na nakapangalan sa akin. Ikaw na ang bahala kung saan mo iyon ilalagay." Sabi nito. Marahas ang naging buntonghininga ko. "Alam ba nila? Sabihin mo sa kanina na nasa pangalan ko na." Ani ko