Fifty-six "Miss na miss ko na ang mga bata, ikaw rin anak!" ngiting-ngiti na sabi ni Mommy. Ka-video call ko ito habang bumabyahe ito pauwi. Nasa office na ako. Ilan sa mga kasama ko sa organization ang escort ni Mommy para ihatid s'ya sa The Alpha's Town. Nasabihan na rin ang mga guards doon, tungkol sa pagdating ni Mommy. Kaya tiyak na papapasukin agad ito roon. Si Abe ay nasa office n'ya, marami pa rin itong dapat asikasuhin lalo na't nasunog ang planta nito. Ang mga bata ay nasa Yaya nila. Sobrang higpit nang bilin ko na kahit ang paglabas ay bawal, kaya naman ang ginawa ni Abe ay namili ng kung ano-anong pwedeng paglibangan ng mga ito. May pinapa-set up na rin itong playground ng mga bata. "I miss you too, Mom." Gaya nang ipinangako ni Lady A, ligtas si Mommy na nakuha sa grupo ng