CHAPTER 19

1235 Words
"Hi doc wallace! Bati sa'kin ni nurse gina ng matapat na ko sa nurse station. Nagtaka naman ako dahil kakaiba ang mga tingin nila sa'kin habang tinitignan ang x-ray ng isa sa pasyente ko. "May gusto ba kayong sabihin? Nakangiti kong hinarap si nurse gina, nurse yvette at nurse linda na may kakaibang ngiti na hindi ko mawari. "Doctor wallace in-love talaga kayo” Deretsong saad ni nurse gina sa'kin. "Why? "Anung why doc? Wag niyo ng itanggi kasi halata ka namin" "H-halata ang alin? "Na isa ka na rin sa namaligno ng pag-ibig hindi na nag-iisa si doctor marco" sabay naman nagtawanan ang tatlong nurse sa sinabi ni nurse gina. "Hindi yan namaligno! Naengkanto kamo! Sabay kaming napalingon at nakita naming si jake na papalapit sa'kin. Alam ko na ang mangyayari nito, sabi ko sa aking isipan. "Bakit nandito ka? Ang layo ng building mo dito ah" "E ikaw nga nakakarating sa opisina ko para lang magkwento ng kapotpotan mo! Tapos tatanungin mo ko bakit ako nandito? Napatingin naman sa'min ang tatlong nurse dahil sa kadaldalan ni jake. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig ng isang 'to kahit na may taong nakakarinig. buti na lang kaibigan ko to at sanay na ko, dahil kung hindi bibigwasan ko talaga ng matindi to. "Hindi na ko nakikipagpotpotan! "Woooah! Wal is that you? Nainlove ka lang napabayaan mo na yang kamote mo? "Tang-ina ka talaga jake! Dito pa talaga!? Mahina pero may diin kong sabi sa kanya, pero tinawanan lang ako ng siraulo kong kaibigan. "Sabi ko na nga ba inlove na tong si doc wallace eh, kinikilig namang turan ni nurse gina at nurse yvette. "Hindi pa ba umaamin tong doctor niyo? "Naku doc jake ayaw pa umamin na isa na rin siya sa namaligno" sabay tawa naman nilang lahat. "Kung si marco namaligno, eto namang si wallace kakaiba! Naengkanto ng pag-ibig! Kasi unang kita pa lang niya dun may kakaiba na daw siyang naramdaman, kaya naengkanto na tong doctor niyo! "Gusto mong maengkanto ka din!? Inis ko siyang tinignan na wala pa ding tigil kakatawa pati na rin ang kaharap naming nurse. Napatigil lang si jake ng may nahagip siya sa aking likuran. "Wow! She's a goddess! Kita ko sa mata ni jake ang pagkamangha, ganun din ang tatlong nurse na naroon, nanlaki pa ang mata nilang lahat. Hindi ko muna ito tinignan at busy pa ko basahin ang hawak kong xray result ng pasyente ko. "Grabe ang ganda niya! Artistahin! Wika ni nurse yvette na hindi pa rin inaalis ang tingin sa babaeng hinahangaan nila. "Kung hindi ko lang talaga mahal ang girlfriend ko baka naging katulad na ko ni wallace" sinamaan ko naman ng tingin si jake at nag peace sign pa siya. "Oh s**t papalapit dito wal" sa sinabing yon ni jake ay doon na ko napaharap at nagulat kung sino ang kanina pa nilang tinutukoy. Ngumiti ito ng makita niya ko at lumapit sa'kin na ikinagulat nilang lahat. "Hi"! "Oh! Nakatulala pa rin ako sa kanya. "Baby, are you okay? "Baby!? Sabay sabay nilang bigkas na talaga namang ikinagulat nila. Tumikhim muna ko at hinawakan ang bewang ni celestine saka sila hinarap at pinakilala siya. "She's celestine, my girlfriend! "Wow! Totoo nga talaga wal! "Siya yung kinukwento ko sayo"baling ko kay jake na ngayon ay titig na titig kay celestine. "Stop staring at her, kundi tutusukin ko yang mata mo! Banta ko kay jake na ikinailing niya,. "Napaka possesive mo naman! Hiwalayan mo na yan celestine ah" "Ha? "Dont mind him siraulo yan eh" bulong ko naman sa kanya. "By the way i'm jake, wallace friend" lahad naman ng kamay niya kay celestine, at tinapik ko lang ito at sinamaan ng tingin na ikknatawa niya. "Hindi ko siya aagawin okay! "Grabe doctor wallace hindi mo naman sinabi na napaka ganda pala niyang nakapag paengkanto sayo" puri naman ni nurse linda. Pansin ko naman ang pamumula ni celestine sa mga sinabi nila. "B-bakit engkanto? Takang tanong ni celestine. "E kasi ganito yan___ "Sige mauna na kami, putol ko sa sasabihin ni jake, dahil kilala ko tong siraulo kong kaibigan baka kung ano ang masabi pa niya kay celestine. "Wag mo naman masyadong bakuran si celestine" "Hindi ko siya binabakuran, kilala kita jake lalo na yang bibig mo! Tumawa lang ito at binalingan si celestine. "Nice meeting you celestine, masaya ko kasi finally nahanap na ni wal ang babaeng muling magpapasaya sa kanya. Swerte mo sa kanya dahil nakareserba na yung mahiwagang kamote niya" nakangisi niyang wika na ikinalaki ng mata ko. "f**k you jake" mahinang mura ko sa kanya "Sige celestine una na ko ah, papatayin na ko ni wallace sa titig niya eh" tinapik niya muna ko sa balikat saka tumalikod na narinig ko pa itong mahinang tumawa. "Anong sinasabi nung kaibigan mo na mahiwagang kamote? Napaubo naman ako sa tanong ni celestine, kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa opisina ko, napahinto ako at hinarap siya. "Curious ka sa sinabi ni jake? Tumango siya habang nakatitig lang sa'kin na ikinangiti ko naman. Napaka inosente talaga niya na siya namang nagustuhan ko sa kanya. "dont worry baby makikita mo din yun kapag ready ka na" sabay kindat ko naman sa kanya, at hinawakan ang kamay niya para igiya na sa aking opisina. "Upo ka muna baby, ayusin ko lang yung gamit ko" sinimulan ko ng ayusin ang nasa mesa ko bago kami umalis ni celestine. Habang busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay hindi ko namalayan na niyakap na niya ako mula sa aking likuran na ikinahinto ko sa aking ginagawa. Pumihit naman ako paharap at tinitigan ang kanyang magandang mukha at hinaplos ang kanyang pisngi. "Something wrong? Mahina kong saad sa kanya, umiling lang siya at ngumiti sa'kin, saka ako nito muling niyakap. "You sure? "Hmmmn.. Tipid niya lang sagot "Then why so sweet? You're not like that. "It's because I love you, mahina niyang wika pero malinaw sa pandinig ko ang kanyang sinabi at kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at mataman siyang tinitigan. "A-ano ulit? Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi, gusto ko ulit ito marinig mula sa kanya. "I said I love you doctor wallace, I mean baby" dahil sa sinabi niyang yon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinapit ko siya kagad sa bewang at hinalikan, sa unang pagkakataon ay tumugon siya sa mga halik ko. Iniupo ko siya sa aking lamesa at pinagpatuloy ang paghalik ko sa kanya. Hindi naman siya tumutol ng magsimula ng gumapang ang kamay ko sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Bumaba ang mga halik ko sa kanyang leeg at marahang sumipsip doon na siyang ikinaungol niya. "B-baby b-baka may biglang pumasok"? Napatigil naman ako at tinignan siya. "Dont worry baby, alam ko ng mangyayari to kaya nilock ko na kagad yung pinto pagkapasok natin" nakangisi ko namang sabi sa kanya. Bago pa siya muling makapagsalita ay muli ko siyang hinalikan ng mapusok, kinagat kagat ko pa ang ibabang labi niya at napahawak naman siya sa aking batok. Kapwa kami hinihingal ng maghiwalay ang aming mga labi. "I love you so f*****g much celestine! Imbes na sumagot ay niyakap niya ko ng mahigpit at isinubsob ko naman ang mukha ko sa kanyang leeg. Ngayon alam ko na sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para kay celestine, mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal na ibibigay niya sa'kin. At hinding hindi ko siya hahayaang masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD