CHAPTER 8

1117 Words
Masaya kaming nagkukwentuhan ni kian habang palabas kami sa isang fast food chain ng mahagip ng aking mata si doctor wallace sa hindi kalayuan sa amin. May kasama itong babae ngunit hindi ito ang kasama niya noong huli niya itong nakita sa bookstore. Totoo nga pala ang sinasabi ni kuya daren na babaero pala talaga si doctor wallace. Hindi ko na lang siya pinansin at nilagpasan na lang namin siya ni kian kunwa'y hindi ko siya nakita. Pero ang hindi ko inaasahan ay nabangga ako ng kasama niyang babae at natapon sa kanya ang hawak niyang inumin. "Oh s**t! Ano ba!? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!? Sigaw sa'kin nong babae kaya napatingin na din sa amin ang ibang tao, maging si doctor wallace na nagulat din at napatingin sa amin ni kian. "S-sorry hindi ko po sinasadya" hinging paumanhin ko habang nakayuko ako. "Tatanga tanga ka kasi! Kita mo ginawa mo nadumihan ako! "Hoy wag mong sisigawan ang kaibigan ko hindi siya bingi! Sigaw na din ni kian at pinigilan ko naman ito sa kanyang braso. "P-pasensya na po hindi ko talaga sinasadya. "Anong hindi sinasadya!? "My god ellen tumigil ka na! Saway ni doctor wallace sa kanya. "Hindi ellen ang pangalan ko, its ella not ellen! Pagtatama nong kasama ni doctor wallace, bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita at hinarap ako. "Pasensya ka na celestine ah? "Anong pasensya look at me!? Ang dumi ko na! "Magpalit ka na lang! Hindi naman problema yon, may inis na turan ni doctor wallace sa kasama niya. "S-sige po pasensya na talaga, aalis na kami. Tatalikod na sana kami ng biglang hablutin nong babae ang aking buhok at pinaharap ako sa kanya, at ang ikinagulat ko ay bigla na lamang ako nitong sinampal na ikinagulat din ni doctor wallace at kian. Para akong nabingi sa lakas ng pagkakasampal niya sa aking pisngi. "f**k ellen! Anong ginawa mo!? Sabay hablot ni doc wallace sa kamay ng kasama niya. "Bagay lang sa kanya yan tatanga tanga kasi siya"duro pa nito sa akin. "Umalis ka na! Kita ko ang pagkagulat ng kasama niyang babae. "Pero wallace" "I said leave! Sigaw naman niya don sa babae. Kaya wala itong nagawa kundi ang umalis. Nilapitan naman ako ni doctor wallace at hinawakan ang pisngi kong namumula dahil sa pagkakasampal. "s**t! Mahinang mura niya pagkakita sa aking pisngi. "Come on! Sabay hawak niya sa aking kamay, na ikinagulat ko. Sumunod naman sa amin si kian. Pumunta kami sa parking lot na hawak pa din nito ang kamay ko. Napabitaw lang siya ng may kunin siya sa loob ng kanyang kotse. Hinawi niya ang buhok ko na nakatakip sa aking pisngi at dahan dahan niyang nilagyan ng ointment. Habang nilalagyan niya ng gamot ang pisngi ko ay hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang mukha. Meron siyang maganda mata na kulay tsokolate, may makinis na mukha matangos ang ilong at higit sa lahat mapula at maliit na labi. "Staring is rude" bigla niyang sabi sa'kin pagkatapos niyang lagyan ng gamot ang pisngi kong nasampal kaninan’y . Lumayo naman siya ng bahagya. "Ha? H-hindi ah! Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya, samantalang si kian ay panay naman ang ngisi sa'ming dalawa ni doc wallace na kanina pa kami pinapanuod. "Really? Nakangisi niya akong tinitigan, kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Salamat po pala doc wallace" Saad ko nang hindi pa rin siya tinitignan. " I'm sorry for what ellen did" dun na lang ako napatingin sa kanya at seryoso din niya akong tinitigan. "Ella daw ang pangalan niya hindi ellen" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya natawa naman siya pagkasabi ko nun. "Talaga? Hindi ko naman kasi tinatandaan yung mga nakakadate ko, sabay kamot nito sa kanyang ulo, napamaang namin kami pareho ni kian. "Grabe ibang klase ka pala, ano yun ka one night stand lang? Sabat ni kian at siniko ko naman ito. "Parang ganon na nga" "Paranas naman po doc" sinaway ko naman si kian dahil sa lumalabas sa bibig niya. "Yong bibig mo naman! Natawa lang sa'min si doc wallace. "Sige po mauna na kami salamat po ulit" "Sumabay na kayo sa'kin hatid ko na kayo" "Ay hindi na po okay lang kami" mariin kong pagtanggi kay doc wallace "Tara na sumabay na tayo wala na din akong pamasahe eh naubos na dahil ako ang nanlibre sayo at ang lakas mong kumain" bulong ni kian sa'kin na sinamaan ko naman ng tingin. Nakita ko pang ngumiti si doc wallace habang pinagmamasdan kami. "Sige po sasabay na kami ni cel"di ba cel? Pinamulagatan naman ako nito ng mata. "Okay lets go" binuksan naman nito ang passenger seat kaya wala na din akong nagawa kundi ang sumakay, sa likod naman si kian. Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan pauwi. Una naming hinatid si kian. Dalawa na lang kami naiwan kaya naman sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko para akong hindi makahinga. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan. "Are you okay? Napalingon naman ako sa kanya ng magsalita siya. "Y-yes i'm okay" "Kanina ka pa kasi tahimik, baka kako hindi ka komportable sa'kin" "H-hindi naman, hindi kasi ako sanay" "Hindi sanay saan? "Na may naghahatid sa'kin" muli niya kong sinulyapan at binalik ang tingin sa daan. "You mean walang nanliligaw sayo? E ang ganda ganda mo? "Ha!? A-ano meron naman kaso__ "Kaso hindi mo gusto? Putol niya sa aking sasabihin. "Ganon na nga" nakayuko kong wika sa kanya. "E d hindi ka pa rin nagkakaboyfriend? "Hindi pa, mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya. "Choosey ka siguro? "Hindi naman, hindi ko lang sila talaga gusto. Kasi sa una lang sila magaling manuyo pag naging kayo na wala na, parang wala na siyang paki sayo tapos mambababae pag hindi binigay ang gusto, ang dami kayang babaero ngayon! Napaubo naman siya sa aking sinabi. s**t natamaan ata siya sa pagkasabi kong babaero, napapikit naman ako at napakagat labi sa hiya. "Bakit nangyari na ba sayo yun? "Hindi pa, pero marami akong kakilala na ganun ang nangyari sa kanila" "Nagkamali lang talaga sila ng lalaking minahal" magsasalita pa sana ko ng makita kong malapit na kami sa aming bahay kaya pinahinto ko na yung sasakyan kay doc wallace sa tapat ng bahay namin. "Salamat po doc wallace sa paghatid"bababa na sana ko ng bigla niya kong tawagin. "Ah celestine" "Bakit po doc wallace? Matagal siya bago nakasagot. "Pasensya ka na talaga sa nangyari kanina ah? “Okay lang, mamaya hindi na naman to mahapdi” pilit akong ngumiti sa kanya. "Sige po doctor wallace"pagkasabi kong yun ay bumaba na ko at hinintay na lang siya makaalis bago ako pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD