CHAPTER 7

1205 Words
“Good morning! Masayang bati ko kina mama papa at sa aking mga kuya na ngayon ay nag-aalmusal na. Umupo naman ako sa gitna katabi nila kuya. “Good morning our princess! Sabay sabay nilang bati sa'kin. “Siyang pala daren anong oras ka na naman ba umuwi kagabi? Wika ni mama na masama ang tingin kay kuya daren. “I think 1 am na ma” “Diyos ko daren, mamamatay kami ni papa mo sa pag-aalala sayong bata ka eh! Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag namin. Hanggang sa makatulugan na namin ang paghihintay sayo! Galit na sabi ni mama kay kuya. “Sorry ma, Hindi ko kasi napansin medyo maingay kasi sa bar eh, tapos nalowbat pa yung cellphone ko. “Dapat tumawag ka man lang samin ng papa mo para hindi kami nag-aalala” “Sorry po ma” hinging paumanhin ni kuya daren. “Siyanga pala cel nakita ko si doctor wallace kagabi sa bar may kahalikang babae” playboy din pala yon, naiiling na sabi ni kuya. “sigurado ka bang si doc wallace yung nakita mo ha daren? Tanong ni mama kay kuya daren na hindi makapaniwala sa sinabi ni kuya. “oo mama siya yon, hindi ako pwedeng magkamali dahil nagkatinginan pa nga kami” hindi naman kami makapagsalita dahil sa sinabi ni kuya, totoo nga talagang babaero si doctor wallace. “Tapos irereto niyo pa tong si cel don? Mas gugustuhin ko pang si chris na banlag na lang makatuluyan niya kesa sa babaerong yon! Inis na turan naman ni kuya clarence. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang usapan. “Lasing lang siguro yon si wallace” “Ma ang ayos ayos pa niya non noh! Tapos yung nakita ko biglang umalis. “Sige po mauna na ko may exam pa kasi ako eh” putol ko sa kanilang usapan at tumayo na ako sa aking pwesto. “Sige princess mag-iingat ka ha? “Yes pa! Sabay halik ko sa kanyang pisngi at kay mama. Nasa kanto na ko at nag-aabang ng masasakyan ng biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa aking sentido at pumikit saglit at huminga ng malalim. Unti unti akong dumilat at nagtaka. Saan nga ba ko pupunta? Hindi ko matandaan kung san nga ba ko patungo. Napapitlag naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa aking bag. Tinitigan ko muna ito at binasa kung sino ang tumatawag. “b-beshy”? Nakakunot kong wika sa aking sarili. “S-sinong beshy? Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa aking cellphone na panay pa rin ang tunog. Nang tumigil na ito sa pagtunog ay nagpalinga linga naman ako. Bakit hindi ko maalala kung saan ako pupunta? Mahigpit kong hinawakan ang aking cellphone, sana tumawag ulit yung kaninang tumatawag sa’kin. Pero ilang minuto na ko naghihintay ngunit hindi pa rin ito tumatawag. Kaya naglakad na lang ko kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Napapaiyak na ko dahil hindi ko alam kung nasan na ako hanggang sa napadpad ako sa tapat ng isang lumang simbahan. Naupo ako sa upuan sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ang mga dumaraan. Paano ako makakauwi kung hindi ko alam kung saan ang daan pauwi. Napabuntong hininga ako at napasandal sa upuang bakal. Maya maya pa ay muling tumunog ang aking cellphone at kinuha ko ulit sa aking bag. Yung beshy ulit ang tumatawag kaya sinagot ko na ito. “h-hello”? “Besssshyyy!!! Buti naman sinagot mo na! Asan ka na ba? May sakit ka ba at hindi ka pumasok? Sunod-sunod niyang tanong sakin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil wala akong matandaan. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung saan ang bahay ko. “n-nandito ako sa m-may simbahan” nauutal kong sabi sa kausap ko sa cellphone. “saang simbahan at anong ginagawa mo dyan? “h-hindi ko din alam eh” “What!? Nakapunta ka dyan pero hindi mo alam kung anong ginagawa mo dyan? “p-pwede bang puntahan mo ko dito? Nahihiya kong wika “Teka nga lang cel may problema ba? “basta puntahan mo ko dito sa may lumang simbahan. “okay sige beshy, alam ko kung saan yan! Wag kang aalis antayin mo ko dyan. “Okay salamat” binaba ko na kagad ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Anong nangyayari sa'kin bakit wala akong maalala? Pero alam ko naman ang pangalan ko, the rest wala na kong matandaan. Napakagat labi naman ako sa mga naiisip ko. Nasa gitna ako ng aking pag-iisip ay may biglang tumawag sa'kin kaya naman napalingon ako sa gawing kanan ko. Kita ko ang baklang papunta sa kinaroroonan ko at tinitigan ko itong maigi. At doon ko lang napagtanto kung sino ito. “Beshy ano bang ginagawa mo dito!? Bakit hindi ka pumasok? Alam mo namang may exam tayo di ba? Bungad niya sa'kin ng makaupo na siya sa aking tabi. Doon ko lang naalala na may exam pala ako. Pero bakit kanina wala akong maalala? Ano bang nangyayari sa'kin? "O ano na beshy? Hindi na gumana yang utak mo? Tanong ni kian sa'kin ng hindi kagad ako makasagot. "P-pasensya na, sumakit kasi ang ulo ko kanina saka medyo nahilo ako eh, kaya umupo muna ko dito" pagdadahilan ko na lang sa kanya, para hindi na lang siya mag-alala pa. "Sigurado ka? Tumango lang ako sa kanya. "O siya halika na at kakausapin pa natin si mam almira kung pwede kang kumuha ng special exam tutal scholar ka naman eh tyak bibigyan ka non. "Oo nga pala kailangan ko makakuha ng exam ngayon. Nagmamadali kaming umalis para pumunta na sa school. Hindi naman ako nabigo ay pinakuha naman ako ng special exam. "Mabuti naman beshy at pinakuha ka ni mam almira ng special exam" "Oo nga eh, mabuti na lang talaga" sagot ko habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa locker, at nasa likod ko naman si kian at pinapanood lang ako. "Ano ba yan beshy bakit ang daming sticky note dyan sa locker mo? Napansin naman niya ang mga nakadikit na sticky note sa bawat sulok ng locker ko. Kumuha siya ng isa at binasa ito. "My mama's birthday august 22. "Bakit nakalagay pa dyan? Alam na alam mo na naman ang mga birthday sa pamilya mo" "Syempre para hindi ko makalimutan" "Sus ikaw pa!? Ako pa nga ang mas makakalimutin kaysa sayo. Kumuha pa ulit siya ng isa pang sticky note at binasa ulit yun. Nagtaka naman siya sa nakasulat don. "Clarence dave ordonez 30 yrs old "Daren vincent ordonez 27 yrs old "Celestine anne ordonez 20 yrs old "Mama celicia ordonez 52 yrs old "Papa timothy ordonez 55 yrs old "Beshy may ganito talaga!? Ano to project mo? Sabay dikit nito kung saan niya kinuha. "Kasama ba yan sa reviewer mo at kailangan mo pang imemorize mga pangalan at edad nila? "Wala lang gusto ko lang nababasa yung mga pangalan nila" ayon lang yon! Sinarado ko naman ang locker ko at hinarap siya. "Tara kain na tayo nagugutom na ko eh" yaya ko naman sa kanya sabay himas sa aking tyan. "Tara na nga! Pati ako nagugutom sayo eh! Sabay kawit niya sa aking braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD