CHAPTER 6

1193 Words
“Grabe kayong magpinsan kayo ah! Hindi ba kayo busy at ginagawa niyong tambayan tong opisina ko!? Bungad sa'kin ni jake ng makapasok na ko sa kanyang opisina at umupo sa kanyang sofa at naroon din si marco na prenteng nakaupo din. “Kakatapos ko lang magrounds mamaya pa naman ang surgery ko” mahinang wika ko kay jake. “E bakit parang malungkot ka? Walang potpot na naganap? “Meron! Kaso hindi ako natapos, nakasimangot akong tumingin kay jake na ngayo'y katabi si marco. “O eh bakit? Wala na bang lumalabas dyan sa kamote mo? Natatawa niyang turan. “Gago ako ang umayaw! “wooooah! Talaga ba wal? Pumalakpak pa siya ng mahina. “Baka in-love na? Si marco na seryosong nakatingin sa'kin “Kanino naman? Baling ni jake kay marco. Nagkibit balikat lang ito at muli akong tinitigan. “What? Tanong ko kay marco na ngayo’y nakangisi sa'kin. “who is she? “sino? “Yung dahilan kung bat hindi ka natapos ” “What the f**k marco! Inis kong saad sa kanya at tumawa pa ang dalawa. “I know you wallace” “anong alam mo? “Kapag in-love ka” Tumingin si marco ng deretso sa'kin at natigilan naman ako, tumawa ko ng pagak. “Isang beses lang ako na-inlove, alam mo na kagad kung inlove ako”. “Its because I’m your cousin, at kabisado na kita kapag may nagugustuhan kang babae. “Wala pa kong nagugustuhan, may nagugustuhan ako pero sa kama yon! Hanggang dun lang yon. “Naku wal, wag mo naman masyadong gamitin yang kamote mo baka mapudpod! Natatawang wika ni jake at binato ko naman siya ng throw pillow niya na katabi ko lang. “Makaalis na nga wala kayong kwenta kausap! Akmang tatayo na ko ng biglang magsalita si jake “punta na lang tayo sa bar ni roco mamaya” “Ayoko wala ko sa mood” mabilis kong sagot kay jake. “Sige na wal, sagot ko! “Call! “ikaw marco? “next time na lang ako may lakad ako bukas eh, sabay tayo niya sa kanyang kinauupuan at lumabas na ng opisina ni jake. “Yaan mo na yun jake busy na siya sa lovelife niya eh” sige aalis na din ako kita na lang tayo mamaya” tumango lang si jake at sumunod na rin akong lumabas ng opisina niya. * “hi pa! Bati ko sa aking ama na naabutan kong nanunuod sa sala at tumabi naman ako sa kanya “hi my princess” halik nito sa aking noo. “wala pa sila kuya? “Wala pa anak, ang kuya clarence mo may tinatapos pa raw na trabaho tapos ang kuya daren mo naman pupunta daw ng bar muna kasama ng mga kaibigan niya birthday daw kasi ng isang barkada niya. “Ah ganun po ba? “Kumusta pala ang pagpunta niyo sa bestfriend ng mama mo? “okay naman po, mabait naman si tita shayne” “Nakilala mo na ba yung anak niyang lalaki? Natigilan akong saglit at binalingan si papa na nag-aantay ng isasagot ko. “ah y-yes pa nakilala ko po” “what do you think of him? “p-po!? Gulat kong tanong kay papa. Anong ibig niyang sabihin? Tumikhim muna ko bago muling nagsalita. “He's handsome, actually crush ko nga siya eh kaso mukhang playboy” “Why do you say that? “nafefeel ko lang” tumawa naman ng mahina si dad. “Is that so? Tumango lang ako sa kanya. “Siyanga pala papa uminom ka na ba ng gamot? Pag-iiba ko ng usapan. “yes my princess tapos na po” nakangiting sabi ni papa at hinaplos ang aking buhok. “wag kang magpapagod okay? Pwede ka namang huwag ng magtrabaho eh, tutal may trabaho na naman sila kuya at isa pa pwede naman akong magworking student” “Princess ayoko naman ng ganon, hanggat kaya ko magtatrabaho ako para sa inyo, ayoko naman na dito lang ako sa bahay tapos ako ang manghihingi sa inyo” “pero pa… “okay lang ako my princess wag mo ko intindihin” “Are you sure? “Yes my princess, you don’t have to worry okay? “Okay pa, ngumiti naman ako sa kanya pagkasabi non. * * Kasama ko na naman si jake ngayon dito sa bar ni roco, mukhang hindi pa sila nagkakaayos ng girlfriend niya dahil panay yaya niya sa'kin mag bar. Tulad ng dati may mga lumalapit pero wala akong gana ngayon. Ewan ko ba parang nawalan ako ng gana makipaglandian ngayon. “wal anong nangyayari sayo bakit parang wala ka ata sa mood ngayon? Something wrong? Tanong sakin ni jake, sumimsim muna ko ng alak bago ako sumagot. “Wala naman, wala lang akong gana” “E bakit nga? Anong problema? “Ewan ko din kung bakit” “gago ka din eh! Napairap na lang ako sa kanya, maya maya ay may lumapit sa aming babae at naupo sa tabi ko. “Hi! Bati niya sa'kin, ngumiti lang ako ng pilit. “Sige wal puntahan ko lang si roco, and have sa safe trip to heaven! Bulong ni jake sa'kin ng makatayo na siya. Panay himas naman yung babae sa hita ko na hinahayaan ko lang maya maya ay dumako naman ang kamay niya sa may bandang singit ko kaya nahawakan ko kagad ang kanyang kamay na siyang kinagulat niya. Pumikit muna ko ng mariin at muling nagmulat ng mata at bigla kong hinawakan ang batok nung babae at hinalikan ito. Hindi na ko nagtaka ng gumanti naman ito ng halik. Ilang minuto din ay itinigil ko na ang paghalik sa kanya, napadako naman ang tingin ko sa aking harapan sa hindi kalayuan sa pwesto ko at laking gulat ko ng makilala ito. Mataman din siyang nakatitig sa'kin at pinagmamasdan ako. Kita ko pa ang pag-iling niya at tumingin sa ibang direksyon. Napatayo na lang akong bigla at nilisan ang pwesto ko narinig ko pa ang pagtawag nung babaeng kahalikan ko pero hindi ko na ito nilingon pa. Nakasakay na ko sa aking kotse pero hindi ko pa ito pinapaandar, sumandal muna ko at hinilot ang aking batok. Tiyak sasabihin ni daren kay celestine na nakita niya kong may kahalikan sa bar. Teka, bakit ko ba inaalala yun? Ano naman kung sabihin niya kay celestine, e.hindi ko naman siya girlfriend. Para tuloy akong boyfriend na nagtaksil sa kasintahan. Tama lang na makita niya yon para makaiwas na din ako kay celestine. “hindi ko siya gusto naaattract lang ako sa kanya okay! Sabi ko sa aking sarili. Totoo naman, una ko siyang makita sa bar ni roco naattract naman talaga ako sa kanya. Tapos nakita ko pa siya ulit sa school kung saan may medical mission kami, iba ang naramdaman ko kaysa sa mga nakikilala kong babae at naiikama ko. At nagkataon pang anak siya ng bestfriend ni mama. Napabuntong hininga na lang ako sa aking mga naiisip at napayuko sa manibela. Kailangan tanggalin ko kung ano man tong pesteng nararamdaman kong ito. Tama ayun nga ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD