Masaya kami ni celestine habang nagbabakasyon kami sa isla, walang humpay ang pagkuha niya ng litrato na magkasama kami. Dahil ang gusto niya ay ilagay daw ang mga litrato namin sa bawat sulok ng bahay namin para daw palagi niya ko maaalala. Nasa salas kami at siya naman ay punong abala sa paglalagay ng mga pictures sa photo album habang ako naman ay nakatutok sa aking laptop at ginagawa ang report ng aking mga pasyente. Napansin ko naman na tumayo siya at nagtungo sa kusina, binuksan niya ang ref at pagkuway ang mga drawer na para bang may hinahanap. Sumunod naman siyang nagtungo sa aming kwarto at bumalik na rin sa salas. "0h, andyan ka na pala doc wallace. Kanina ka pa ba? Taka ko naman siyang tinitigan at nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa. "Saan nga ba tong lugar na to? Tuko