Kinabukasan lumuwas kami ni celestine papunta sa isla montealegre sa quezon. Pinaupahan naman sa'kin ni roco ang kanyang private island at kami lang ni celestine ang natatanging naroroon. Tanghali nang makarating kami sa isla at sumakay naman kami ng bangka upang makarating naman sa private island ng mga montealegre. Isang oras ang binyahe namin upang makarating sa isla. Sabay kaming namangha ni celestine pagkababa namin ng bangka, isang malawak at napakagandang isla ang pagmamay-ari ni roco. Matagal na kaming magkaibigan ni roco pero ni minsan ay hindi pa ko nakapunta sa private island nito. Tanging sa bayan ng mga montealegre lang kami nagpupunta kapag nagbabakasyon kaming magkakaibigan sa kanila. "Grabe ang ganda dito! Manghang saad ni celestine habang inililibot ang paningin niya sa