"Doc may bisita po kayo, don ko na po siya pinaghintay sa opisina niyo" sabi sa'kin ng isang nurse na nakaduty ngayon. "Sino daw? "Arrianne daw po ang pangalan" bigla namang nanlaki ang mata ko sa narinig kung sino ang nasa aking opisina ngayon. Ang babaeng sumira sa relasyon namin noon ay bigla namang bumalik, pero bakit? Ano pa ang kailangan niya? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Dali dali naman akong nagtungo sa aking opisina at pagkabukas ko ng aking opisina ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Nagulat pa ako sa klase ng suot niya na akala mo'y hindi ospital ang pupuntahan. Nakasuot ito ng black dress na lagpas tuhod at halos lumuwa na ang dibdib nito. Napairap na lang ako ng makita siya. Umupo naman ako sa harap niya at nakangiting nakatitig sa'kin. "Anong kailangan mo? B