CHAPTER 21

1285 Words
Bago nagsalita ang doctor ay tumingin muna ito sa'kin ng taimtim at ibinigay ang resulta ng aking mga laboratory. Ipinaliwanag naman niya ito kaagad sa'kin na para bang nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya o hindi. "Miss ordonez, im sorry to say this but… putol muna niya sa kanyang sasabihin, "What is it doctor? Ano pong sakit ko? Kinakabahang tanong ko sa doctor "You have a severe alzheimers miss ordonez" parang biglang tumigil ang paghinga ko dahil sa aking narinig, kaya muli ko itong pinaulit sa doctor baka kako nagkakamali lang ako ng dinig. "A-ano po? Ano p-pong s-sakit ko? Garalgal kong tanong, at titig na titig ako sa doctor. "You have a severe alzheimers" at doon na nagsimulang magbagsakan ang aking mga luha, si kian naman ay napatutop ng kanyang bibig sa gulat at dahan dahan akong sinulyapan, humigpit naman ang pagkakakapit niya sa aking kamay at ramdam ko ang panginginig din nito. "Doc baka naman po nagkakamali kayo? Ulitin uli natin yung laboratory ni celestine doc! Sige na po doc" pinigilan ko naman si kian at muli ako nitong tinignan na naluluha na din. "Beshy, umiling lang ako sa kanya para hindi na siya magpumilit pa. "Ang kailangan mo lang gawin miss ordonez ay inumin mo ang mga nireseta kong gamot sayo" "D-doc, ano pong b-bang mangyayari sa'kin? "Sa ngayon miss ordonez unti unti mong makakalimutan ang mga nakagawian mo na, ultimo pamilya mo mga kaibigan mo, at isa pa…. "A-ano po yun doc? Saglit muna siyang tumahimik at saka muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Lahat ng mga ginagawa mo, tulad ng pagligo, pagkain, pagsusuot ng damit or even pagpunta sa banyo ay hindi mo na magagawa" mag-iiba din ang ugali mo tulad ng pagiging magagalitin mo, at dahil severe na ang sakit mo, maaaring 3-9 months na lang ang itagal mo maswerte ka pa kung umabot ka ng 1 taon". Sa mga sinabing yon mg doctor parang sinusuntok ang aking dibdib, sobrang sakit marinig ang bawat salitang sinasabi sa'kin ng doctor. Paano nga kung isang araw ay hindi na ko makaalala? Paano na ang pamilya ko? At paano na rin si doc wallace na ngayon ay mahal na mahal ko na? Pati ba naman ang nararamdaman ko sa kanya ay makakalimutan ko rin? Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na naiwasan ang mapahagulgol, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang sakit ko alam kong masasaktan sila. Nakalabas na kami ni kian sa opisina ng doctor ay nanlalambot pa rin ako na anumang oras ay babagsak ako, kaya naman pinaupo muna ako ni kian sa gilid. "Beshy anong plano mo? Sasabihin mo na ba sa pamilya mo at lalong lalo na kay doctor wallace? Saad niya sakin at ako nama'y nakayuko lang. "Ililihim ko muna sa kanila ang sakit ko, ayoko munang malaman nila" "Pero beshy naman, hanggang kailan mo itatago? Kapag malala ka na? Kapag hindi mo na kami nakikilala? Nag-angat naman ako ng tingin at nakita kong umiiyak na siya. Alam kong nasasaktan din siya para sa'kin. "Please kiana ilihim muna natin to, sasabihin ko din naman pero hindi pa ngayon, hindi pa ko handa" nagpakawala na lang siya ng malakas na buntong hininga saka ako muling niyakap. Tatayo na sana kami sa pagkakaupo ng biglang tumawag si kuya clarence sa aking telepono. "Cel si papa! Nabalutan naman ng kaba ang dibdib ko dahil sa tono ng pananalita ni kuya kaya bigla akong napatayo ganon din si kian. "Anong nangyari kay papa? "Inatake na naman si papa andito kami ngayon sa ospital kung saan siya noon dinala" cel pumunta ka kaagad dito dahil hinahanap ka niya" rinig ko ang panginginig ng boses ni kuya. "Sige kuya pupunta na ko dyan! Pagkasabi kong yun ay tumakbo na kami ni kian papunta ng E.R kung saan nakaconfine si papa. Naabutan naman namin si mama na nasa tabi ni papa at sila kuya naman ay panay ang hagod nito sa likod ni mama na umiiyak. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila at habang lumalapit ako ay nakatingin lang ako kay papa na nakaratay sa kama at maraming aparato na nakakabit sa kanya. Nang makalapit na ako ay hinawakan ko ang kanyang kamay at inilapit sa aking pisngi. "P-papa, nandito na po ako, andito na yung prinsesa niyo" nakita ko naman dumilat si papa kaya napatayo ng bahagya si mama at hinaplos ang buhok nito. "Honey, wag kang mag-alala magiging okay ka rin wag kang susuko ha? Umiiyak na turan ni mama na nauwi sa paghagulgol. "Ma wag kang umiyak magiging okay din si papa, di ba pa? Baling si kuya daren kay papa at kumurap lang ng marahan si papa bilang pagtugon. Samantalang si kuya clarence naman ay tahimik lang na nakayuko na para bang alam na nito ang susunod na mangyayari. Maya maya ay dahan dahang tinanggal ni papa ang oxygen na nakakabit sa kanya at sinulyapan si mama na hawak hawak ang kamay ni papa. "H-hon-ey, m-mahal n-na m-mahal k-kita, hirap na wika ni papa. "Mahal na mahal din kita honey kaya please lang lumaban ka at wag mo naman kaming iwan please honey! Hindi na napigilan pa ni mama ang mapasigaw kaya niyakap na lang siya ni kuya daren. "M-mga anak alagaan niyo ang mama niyo, w-wag niyong pababayaan ah? "Pa wag ka ng magsalita magpahinga ka na lang muna makakasama sayo yan eh" sabi naman ni kuya daren na yakap yakap pa rin si mama. Pagkuway ako naman ang binalingan ni papa at ngumiti sa akin. "My p-princess, m-mahal na m-mahal ka ni papa" "I know pa, I know kaya please magpagaling ka ha? Walang naririnig sa E.R kundi ang mga hagulgol namin ni mama dahil alam naman namin na anytime ay kukunin na sa'min si papa. Ilang sandali pa ay narinig na namin ang machine hudyat na nagflat line ito kaya naman dali dali kaming tumawag ng doctor. Pagkarating ng doctor doon ay imbes na irevive si papa ay tumingin lamang ito sa amin at yumuko. "Doc anong ginagawa mo bakit hindi mo irevive ang papa namin!? Sigaw ni kuya daren sa doctor. Dahil sa galit niya ay kinwelyuhan niya ito at inawat naman ni kuya clarence. "Daren stop making a scene! Sigaw naman ni kuya clarence kay kuya daren. "Bakit kuya ayaw mo bang mabuhay si papa? "Hindi sa ganon daren! Si papa na ang nagdesisyon" lahat kami ay napatingin kay kuya clarence. Anong ibig sabihin ni kuya clarence? "A-anak anong ibig mong sabihin? "Ma, I'm sorry ayaw ipasabi ni papa. Dahil noong mga oras na sinugod natin siya dito ay kinausap ako ng doctor na kapag inatake pa si papa ay hindi nila alam kung mabubuhay pa daw ulit si papa. Sinabi ko yun kay papa kaya nagdecide siya magfill up ng DNR (DO NOT REVIVE)kahit na labag sa loob ko yun sinunod ko yun ma para kay papa. "Bakit clarence!? Bakit!? Hindi mo dapat sinunod ang papa mo! Sinabi mo dapat sa'kin! Ako ang asawa clarence! "I-i'm sorry ma" nakayukong sabi ni kuya clarence na ngayon ay umiiyak na rin. Lumapit naman si mama at niyakap si kuya. "I'm sorry anak, hindi ko lang kaya mawala ang papa mo. Pero tatanggapin ko kahit masakit atleast hindi na siya mahihirapan pa. "Dont worry ma andito naman kami hinding hindi ka namin pababayaan. Hinaplos ko naman ang mukha ni papa na ngayon ay wala ng buhay. "Pa, pahinga ka na kami na nila kuya ang bahala ka mama wag ka ng mag-alala okay? Hinalikan ko si papa sa kanyang noo at saka bumulong ako sa kanya. "Wait for me there papa in a few months magkikita din tayo".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD