"Doctor wallace nasan ka na? Sigaw ni celestine habang palakad lakad siya sa loob ng mall samantalang si kian naman ay nakasunod lang sa kanya dahil hindi siya nito makilala at lumalayo ito sa kanya pag lumalapit siya sa kanyang kaibigan. "Miss nakita mo ba si doctor wallace yung boyfriend ko? Tanong niya sa babaeng nakasalubong niya, ngunit nilagpasan lamang siya nito at hindi pinansin. Nagsisimula ng maiyak si celestine at si kian ay walang magawa kundi pagmasdan ang kawawang kaibigan. Maya maya ay napaupo na lang si celestine sa gitna at humahagulgol, marami na rin ang mga taong nakatingin sa kanya na tila nagtataka sa ikinikilos ni celestine, lalapitan sana ito ni kian ng bigla dumating si wallace na humahangos na nilapitan si celestine at ipinantakip niya sa ulo ni celestine ang hawak