Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha, napabalikwas naman ako ng makita na wala na si doc wallace sa aking tabi. Panaginip lang ba yung kagabi? Pero parang hindi naman. Dali dali akong lumabas ng aking kwarto at hinagilap si doc wallace, ngunit hindi ko ito makita. Nagtungo naman ako sa dining area at naabutan kong nag-aalmusal na sila kuya pero hindi nila kasalo si mama. "Nasan si mama? "Maagang umalis bunso may pinuntahan lang saglit" sagot sa'kin ni kuya daren. Umupo naman ako sa kanyang tabi at sinadukan ako ng pagkain. "Si doctor wallace pala kuya? Nagkatinginan naman sila ni kuya clarence bago ako binalingan ni kuya daren. "Maaga ding umalis kasi marami daw siyang pasyente ngayon" "Bakit hindi siya nagpaalam sa'kin? May himig na pagtatampo kong turan sa