Tinawagan ko si tita celicia at tinanong kung anong oras ang uwian ni celestine dahil balak ko itong sunduin sa kanyang unibersidad. Sinabi naman niya kaagad at maaga pa lang ay umalis na ko sa ospital para sunduin si celestine. Sa tapat na lang ng gate ng school nila ako naghintay at nakasandal sa pinto ng passenger seat habang hinihintay si celestine. Naiilang din naman ako kasi ang daming estudyanteng nakatingin sa'kin. Pero hindi ko na lamang ito pinansin. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko na si celestine kasama ang kaibigan nitong bakla. Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad sila, napangiti naman ako dahil para siyang bata na ngumuso sa kaibigan niya. Lalong lumalabas ang ganda niya kapag nakangiti siya. Nang malapit na siya sa kinaroroonan ko ay napahinto siya at mataman akong tinitigan. Napaayos naman ako ng tayo at lumapit sa kanya.
"H-hi! Bati ko sa kanya, kita ko naman ang pagtataka ng kaibigan niya.
"A-anong ginagawa mo dito?
"Sinusundo ka"
"Ha!? B-bakit?
"I told you already right? Saglit siyang nag-isip at muli akong binalingan.
"Ang alin? Napamaang naman ako at napabuntong hininga.
"I invite you for a date?
"Oh my gosh beshy!! Ayiiieh! Iniinvite ka sa date ng crush mo! Siniko naman ni celestine ang kaibigan niya kaya natawa naman ako.
"Talaga crush niya ko? Kunway gulat kong tanong sa kaibigan niya.
"Ay nako doc wallace!
"Kiana! Sigaw nito sa kanyang kaibigan na ikinatahimik nito.
"Sige po doctor handsome mauna na ko ah, baka kainin na ko ng buhay nitong kaibigan ko eh" bye beshy see you tomorrow! Sabay kindat nito kay celestine at mabilis na tumakbo palayo.
"Lets go! Binuksan ko naman ang pinto ng passenger seat, nagdadalawang isip pa siyang pumasok at ilang segundo pa ay pumasok na din siya. Umikot naman ako papunta sa driver seat.
"San mo gustong kumain? Tanong ko sa kanya bago ko paandarin ang sasakyan.
"Ikaw na po ang bahala"
"Dont use po, kasi hindi naman kita pasyente" nakangiti ko siyang tinignan.
"Ay sorry po" I -i mean s-sorry" napakagat labi pa siya sa kanyang sinabi. Kaya naman doon napadako ang tingin ko sa mapupula niyang labi, lalo pa itong namula ng kinagat niya ito. Napaiwas na lang ako ng tingin at sinimulan ng paandarin ang sasakyan ko.
Pumunta naman kami sa isang italian restaurant, ipinaghila ko naman siya ng upuan at naupo na rin ako sa katapat niya. Nararamdaman ko naman na medyo naiilang siya sa'kin.
"Okay ka lang celestine?
"O-okay lang ako doctor wallace" ngumiti naman siya. Kahit sa simpleng ngiti lang niya ay napapabilis niya ang t***k ng puso ko. Mukhang nagkatotoo nga ang sabi ng mga kaibigan ko. Umorder naman kami ng pagkain namin at pagkatapos ay nag-usap naman kami tungkol sa mga bagay bagay habang hindi pa dumadating ang order namin.
"Nakailang girlfriend ka na pala doc wallace? Biglang tanong niya sa'kin.
"Isa pa lang" napamulagat naman siya at hindi makapaniwala sa sinagot ko.
"Panong isa? E dalawa na ang nakita kong nakadate mo eh!
"They're just a fling, nothing serious"
"Oh! So, isa lang pala talaga ang sineryoso mo?
"Magiging dalawa na ngayon" mataman lang akong nakatingin sa kanya, ganon din siya sa'kin, kaya siya na din ang nagbaba ng tingin.
"Totoo nga pala talagang playboy ka"
"Hindi na ngayon" mabilis ko namang sagot sa kanya.
"Bakit nagsawa ka na ba?
"Meron kasi isang babae na nakapagpabago sa'kin" halata sa itsura niya ang pagkagulat sa aking sinabi, dumating na din ang inorder naming pagkain kaya natigil na din ang pag-uusap namin.
Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko na din siya sa kanilang bahay, naabutan pa namin ang kuya clarence niya na kakauwi lang at kakababa lang nito sa kanyang sasakyan.
"Kuya clarence, tawag ni celestine sa kanya ng makababa na din kami ng sasakyan. Tumingin naman siya sa'kin ng nakataas ang isang kilay na tila nagtatakang magkasama kami.
"Ah k-kuya k-kasama ko si d-doc wallace" tumango lamang siya at bumaling ng tingin sa'kin.
"Halika pasok ka muna" yaya niya sa'kin na ikinataka din namin ni celestine. Nang makapasok na kami sa kanila ay nandon na rin ang kuya daren niya maging ang mga magulang ni celestine.
"Hijo! Halika pasok ka, masayang bungad sa'kin ni tita celicia naupo naman ako sa kanilang sofa at katabi ko sa magkabilang gilid ko ang dalawa nitong kapatid, at sa harapan naman namin ay si celestine at ang mama at papa nito
"Kumusta ang date niyo ni celestine? Si tita celicia na abot tenga ang ngiti nang tanungin niya ako.
"O-okay naman po"
"Sigurado ka bang liligawan mo talaga ang kapatid ko!?
"Kuya daren!
"What!? Gusto lang namin makasiguro, ayaw namin na mapunta ka sa isang manloloko lang! May diing sabi ni daren sa'kin at tinignan ako nito.
"Kuya hindi naman kasi siya nanlili__
"Starting tomorrow ako na ang maghahatid at magsusundo sayo" nakangisi kong wika sa kanya at siya naman ay napamaang sa aking tinuran.
"Ay mabuti naman hijo! Para magkakilala kayo ng maigi
"Mama!
"Sige na anak, ganyan talaga ang nanliligaw"
"Anong ligaw ang sinasabi niyo ma?
"Look wallace tandaan mo we're watching you! Umakbay pa si clarence sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
"Dont worry kahit pasundan mo pa ko 24/7. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ni celestine.
Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid naman ako ni celestine sa kanilang gate at hinarap akong nakahalukipkip.
"Anong sinasabi mo kila mama? Ikaw manliligaw sa'kin? Bakit?
"Anong bakit? Syempre gusto kita kaya ako manliligaw sayo, pero kung ayaw mo pwede na din naman tayo maging magboyfriend na. Tumingin naman siya sa'kin ng masama at lihim naman akong napangiti.
Maaga pa lang nasa labas na ko ng bahay nila celestine para sunduin siya, sampung minuto lang akong naghintay ay nakita ko na siyang palabas ng gate nila kaya sinalubong ko na ito.
"Goodmorning! Nakangiti kong bati sa kanya"
"G-goodmorning!
"Lets go?
Tinatahak na namin ang daan papunta sa school niya ay tahimik lamang kami, panaka naka ko siyang tinitignan at napapansin ko namang hilig niya ang kagatin ang ibabang labi niya.
"Can you please stop bitting your lips?
"Ha!?
"I said stop bitting your lips or else im going to kiss you right here, right now! Gulat siyang napatingin sa'kin at napakurap kurap akong tinitigan.
"We're here"
"Ha!? Napatingin siya sa labas at pagkuway inayos na ang kanyang gamit, bago siya lumabas ay tinawag ko muna siya.
"Wait celestine" saglit kaming nagkatitigan.
"I dont want to see you bitting your lips because im so damn serious" kita ko pa ang ilang paglunok niya kaya naman napangisi ako. Sinabi ko yun dahil masyado na kong naaakit pag ginagawa niya yun baka hindi ako makapagpigil, kung ano pa ang sumanib sa'kin.
"S-sige baba na ko, salamat"
"Sunduin ulit kita mamaya, tumango lang siya at saka bumaba ng sasakyan.