Nakarinig kami na parang may nagkakagulo sa labas ng aming silid mabuti na lamang at tapos na ang aming klase, inaayos ko na ang mga gamit ko at naririnig ko ang usapan ng iba kong kaklase malapit sa kinaroroonan ko.
"Grabe ang gwapo oh!
"Oo nga! Sino kaya inaantay niya?
"Baka kapatid niya? Imposible namang girlfriend niya"
"Beshy sino kaya yung nasa labas? Tara dali tignan natin! Kinikilig akong hinarap ni kiana at sabay hila nito sa'kin sa kaliwang kamay ko.
"Sandali lang naman kiana!
"Bilisan mo naman kasi baka hindi na natin makita" nasa labas na kami ng aming silid at marami din ang estudyante na nasa labas at yung pinagkakaguluhan nila ay nakatalikod at kausap ang kaninang prof namin.
"Tara beshy kunware dadaan tayo at silipin natin yung feslak ng fafabols na yun" turo niya sa lalaking nakatalikod.
"Ayoko nga!
"Sige na naman! Curious lang ako baka mas pogi pa yan sa hot doctor mo"
"Ang landi mo talaga! Nakita naming umalis na ang prof na kausap niya at humarap banda sa aming kinaroroonan. Nanlaki pa pareho ang mga mata namin ni kian ng mapagsino ito. Nakangiti naman niya kaming hinarap at dahan dahang lumapit sa akin. Pansin ko pa ang pagtitig ng mga estudyante sa amin at si kian naman ay panay ang tusok ng kanyang daliri sa aking tagiliran. Habang tumatagal ay unti unti ko na siyang nakikilala, mahigit dalawang bwan na din ng magsimula siyang manligaw sa'kin. Yung una akala ko ay hindi talaga siya seryoso at binalewala ko lamang ang madalas niyang pagpunta sa bahay at paghatid sundo sa'kin. Oo at gusto ko siya, pero hindi pa naman ganon kalalim ang pagkagusto ko sa kanya. Pero habang tumatagal ay nakikilala ko ang isang doctor wallace. Hindi ko nga alam kung may nararamdaman na rin ba ko sa kanya. Pero ang alam ko lang ay masaya ko kapag kasama siya, at gusto ko siya pero hindi ko alam kung mahal ko na ba siya. Nang makalapit na siya sa'kin ay mataman lang akong nakatitig sa kanya at hindi malaman kung ano ang sasabihin. "s**t bakit ganito? Twing magkakaharap na lang kami laging bumibilis ang pagtibok ng puso ko".
"Beshy yung laway mo tumutulo"
Pang-aasar naman sa'kin ni kian dahil kanina pa ko titig na titig kay doctor wallace at narinig ko pang mahina itong tumawa.
"O siya beshy mauuna na ko ha? Wag mo ubusin si doctor handsome magtira ka naman, bulong nito sa'kin na sinamaan ko naman ng tingin.
"Bye doctor handsome! Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ha? Busugin mo yan kasi ikaw ang kakainin niyan pag gutom"
"Kiana naman!
"Parang mas gusto ko siyang gutumin" sagot naman ni doctor wallace sa biro ni kiana na ikinalaki ng mata ko.
"Ayiiieh!! Naku doctor handsome__
"Sige subukan mong ituloy hindi na kita pakokopyahin! Pananakot ko kay kian na siyang ikinatahimik niya.
"Sungit mo naman! Sige na aalis na ko" naiiling na lang ako pagkaalis ni kian.
"Ano palang ginagawa mo dito?
"Sinusundo ka"
"E bakit kailangan mo pang pumasok dito sa loob?
"Syempre para malaman ng mga nagbabalak sayo na meron ka ng gwapong masugid na manliligaw" napaubo naman ako sa aking narinig mula sa kanya.
"Sino? Saka san mo naman nabalitaan yan?
"E di sa social media mo"
"What!? Iniistalk mo ko?
"Hmmmnn… " tipid niyang sagot sa'kin. "Ayoko na may ibang lumalapit sayo kasi nagseselos ako". Parang biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Totoo bang nagseselos siya? Seryoso ba siya? Kailangan ko na ba maniwala sa mga sinasabi niya? Pano kung isa lang pala ako sa mga magiging babae niya? Hindi naman siguro. Dahil hindi naman basta basta papayag sila mama na ligawan niya ko at isa pa may dalawang bwan na din naman siyang nanliligaw sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa klase ng titig niya. Tumikhim muna ko bago ko siya muling hinarap.
"Pwede ba muna tayo pumunta ng bookstore? May kailangan lang akong bilhing libro eh"
"Oh sure!
Nasa bookstore na kami ay hindi ko naman maiwasan ang mapasimangot dahil sa klase ng titig ng mga kababaihan dito sa loob ng bookstore. May mangilan ngilan pa kong naririnig na komento nila.
"Ang hot naman nung guy! At ang cute ng kapatid niya!
"Ano kayang pangalan nung hunk na yun?
"Hindi niya girlfriend yan kita mo ang batang tignan saka nag-aaral pa, malamang baby sister niya yan! Napakagat labi ako ng mariin sa inis, ganon ba kabata akong tignan? Hindi ba kami bagay ni doc wallace? Tanong ko sa aking sarili. Napahinto naman ako sa paglalakad ng humarang sa aking harapan si doctor wallace kaya napatingin akong bigla sa kanya.
"What did I tell you last time?
"Ha?
"I told you that stop bitting your lips like that" turo nito sa aking labi. Kelan niya sinabi yon? Napataas naman ang aking kilay sa pagtataka.
"K-kailan mo s-sinabi yon? Pinasadahan niya muna ng dila ang kanyang ibabang labi, kaya dun napadako ang tingin ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Alam kong matagal ko ng sinabi yon, pero ipapaalala ko sayo" if you bit your lips like you did earlier, lumapit muna siya sa'kin ng bahagya at ipinantay niya ang mukha niya sa mukha ko at bumulong. "I'm going to kiss you right here right now".
"A-ano? Nakita ko pa siyang ngumisi at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang bulsa.
"Sige na bilhin mo na yung libro na kailangan mo" umirap ako at naglakad na palayo sa kanya para hanapin yung kailangan ko. Ilang minuto na ko nagpapaikot ikot sa loob ng bookstore pero hindi ko pa din ito makita. Napapakamot na lang ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung anong libro ang bibilhin ko. Naisipan ko namang tawagan si kian para itanong kung anong libro ang kailangan namin.
"Hello kian, ano nga ulit pangalan nong libro na kailangan bilhin?
"Beshy my goodness! Ilang beses ko ng pinaulit ulit sayo yun, 10 times na ata at isang piraso lang naman yun! Sermon ni kian habang kausap ko siya sa cellphone ko. "Ano bang nangyayari sayo beshy at napapansin ko nitong mga nakaraang araw nagiging ulyanin ka na?
"Minsan lang naman akong nakakalimot kian"
"Hindi minsan beshy! Madalas kamo" magpacheckup ka kaya? Baka nasosobrahan ka sa katalinuhan niyan kaya nagiging ulyanin ka na?
"Ewan ko sayo kian! Ano nga pangalan nung libro?
"A history of western philosophy" o ayan na beshy ah pang 11 times ko ng sinabi sayo yan! Itetext ko pa para sure! May halong inis niyang himig na ikinairap ko.
"Oo na po sige na! Pagkatapos naming mag-usap ay hinanap ko kagad ang librong sinasabi niya, nakita ko naman ito kaagad at kinuha para bayaran na. Nakita ko naman si doc wallace na nakasandal sa shelf at wari'y inaantay ako, lalapitan ko na sana siya ng may biglang lumapit sa kanyang babae. Hinagod ko naman ito ng tingin mula ulo hanggang paa. May maikling buhok, medyo matangkad, balingkinitan ang katawan at…. Napatingin ako sa kanyang dibdib at pinagkumpara ang dibdib niya sa dibdib ko. Mas malaki nga lang ng konti yung sa kanya. Tinignan ko naman si doc wallace na seryoso lang nakatitig sa kanya na wala man lang kangiti ngiti. Ang hindi ko inaasahan ay ang paghawak nung malanding babae sa braso ni doc wallace. Anong akala niya dito sa bookstore bar!? Dahil sa inis ko dali dali akong lumapit sa kanila at kita ko namang napaayos ng tayo si doc wallace at nginitian ako.
"Let's go! Inis kong wika sa kanya ng hindi man lang ngumingiti.
"Sister mo? Ang ganda naman niya! Gwapo din kasi yung kuya, masaya niyang sabi at pagkuwa'y hinarap siya.
"Pano mong nasabing kapatid niya ko!? Magkamukha ba kami ha!? Kita ko sa mukha nong babae ang pagkagulat.
"For your information! I'm not his sister, I'm his girlfriend understood!? Pagkasabi kong yun ay tumalikod na ko at mabilis na naglakad palabas ng bookstore. Iniwan ko na lang sa isang tabi ang sanay bibilhin kong libro dahil sa inis. Naramdaman ko naman na may humila sa aking braso kaya napaharap ako dito.
"What did you say? Nakangising tanong ni doc wallace na hindi pa rin binibitawan ang braso ko.
"Ha? Ang alin?
"What you said earlier? "Oh s**t! Naalala ko na! What the! Bakit ko ba sinabi yon!? My god celestine anong idadahilan ko? Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.
"I'm waiting celestine" nagmulat ako at tinitigan siyang maigi.
"Aahmm ano kasi.. K-kasi doc ano…
"You like me?
"Ha!? A-ano…my god celestine bakit ba hindi na nagpoprocess yang utak mo?
"You're jealous baby"
"Oo! What!? Nabigla ako sa aking sinabi na siya namang ikinangiti nito.
"H-hindi! Biglang bawi ko sa aking sinabi.
"You are" napakagat na naman ako ng labi dahil totoo namang nagseselos ako. Pero bakit? Mahal ko na ba siya?
"Gotcha! Mahinang sabi niya at bigla na lamang ako nitong hinapit sa bewang at walang pasabing hinalikan na ikinagulat ko. Nasa harap lng kami ng bookstore na pinasukan namin kanina at alam kong maraming nakatingin sa'min. Mabuti na lamang at hindi yun nagtagal. Nagpalinga linga pa muna ko at saka siya muling binalingan.
"Bakit mo ginawa yon? Dito pa talaga ha?
"I told you baby, if you're going to bit your lips, im going to kiss you right here right now.
"Pero hindi ko naman alam na tototohanin mo pala yon!
"Simula nung nanligaw ako sayo, naging totoo na ko sayo celestine" napamaang naman ako at napatulala dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"Ako naman ang magtatanong sayo, totoo din ba yung sinabi mo kanina don sa babaeng maganda?
"Maganda? Kailangan may kadugtong pang maganda!?
"you're cute when you're jealous"
"Hindi ako nagseselos!
"Lets talk somewhere else" sabay hila nito sa aking kamay. At nang nasa parking lot na kami ay isinandal ako nito sa pinto ng kanyang kotse at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Kaya naman dahan dahan ang aking paghinga dahil sa kaba.
"Now tell me baby, totoo ba yung sinabi mo kanina?
"A-alin s-sa sinabi ko? Nauutal kong saad sa kanya.
"That you're my girlfriend" alam kong hindi niya ko titigilan kapag hindi ko sinagot ang tanong niya.
"O-oo, napayuko na lang ako dahil sa hiya.
"Look at me baby" nag-angat naman ako ng tingin at tinitigan siya.
"Im so happy...damn much baby" hinawakan niya ang pisngi ko at doon ay muli niya akong hinalikan.
He's my first crush, first kiss, first boyfriend and FIRST LOVE? and I hope he is my LAST..