MADIE’S POV: Tatlong linggo na ang nakakaraan nang umuwi ako rito sa States. Marami na rin ang nangyari at para bang kahapon lang iyon. Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang sinapit ko. How am I supposed to live with my child without a father? Kung tutuusuin naman ay kaya kong mabuhay mag-isa pero may bata ako sa sinapupunan ko ang nangangailangan ng isang ama. Dati nangangarap ako na magkaroon ng isang masaya at kumpetong pamilya kagaya ng sa mga magulang ko, pero nagkamali ako. Iyong inakala kong si Jeremy ang makakasama ko ay isa lamang palang masamang panaginip. Hinimas ko ang t’yan ko at napangiti na lang ako nang mapait na muling alalahanin ang araw na nangyari sa’kin at muntikan ng mawala ang anak ko. Siguro nga ay ipinagkaloob talaga ito sa’kin ng diyos pero s

