Isinuot ko ang white long sleeve ko at nakaharap ako sa salamin. Sunod ko namang sinuot ang relo ko habang mataman kong pinagmamasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang pumasok sa kumpanya ng ama ko at pinaghirapang itayo ng mommy ko. Nagtatrabaho na ako pero hindi sa kumpanyang iyon kun’di sa restaurant ni mommy at ginugol niya ang oras niya sa pagpapatakbo noon. My mom loves to cook different dishes and it’s all because of my dad. Gusto niyang siya ang magluluto kay daddy but my dad didn’t appreciate her effort of being a wife. Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan ang orasan kong pambisig. May dalawang oras pa ‘ko bago ang meeting at dadaan muna ako sa sementeryo. Narinig ko naman ang pagbusina ng sasakyan sa labas at kaagad na rin akong

