Lakad-takbo naman ang ginawa ko papunta sa una kong klase. Male-late na rin kasi ako dahil madaling araw na ‘ko natapos gawin ang mga assignments ko. I was near on my classroom when I saw Jeremy standing in front of the door and both hands are in his pocket. I stopped and looked at him with my eyebrow frowned, at nang mapansin naman din niya akong kaagad at napaayos pa siya ng kaniyang tindig.
Marahan siyang lumapit sa’kin at nagpalinga-linga pa ako kung may mga estudyante rito sa paligid namin dahil ayokong matsismis ng wala sa oras. When he was in front of me, he look at me intently and waiting for him to talk.
“You’re late,” tipid niyang sabi.
“And so? Saka anong ginagawa mo rito? Wala ka bang klase? Nag-aaral ka bang talaga?” Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
“And now you’re concerned if I’m studying huh.” Napairap na lang ako sa kaniyang sinabi at heto na naman siya pinapainit na naman ang ulo ko.
“Diyan ka na dahil may klase na ‘ko at ayokong mag-aksaya ng oras sa’yo.” Nilagpasan ko na siya at kaagad na akong pumasok sa loob ng classroom.
Naabutan kong nagdidiscuss na ang prof namin at nahinto lang siya nang makita akong pumasok. Napakagat labi na lang ako at yumuko at pumunta na sa aking puwesto katabi naman ang dalawa kong kaibigan.
“Nakipag-date ka na naman ba?” tanong ng professor namin kaya bigla akong nag-angat nang tingin sa kaniya.
“P-po?!” nauutal kong saad na may halong kaba.
“Not you Miss Mendez, I’m talking to Mr. Villafuerte.” Napalingon akong bigla sa may likuran at naupo naman siya sa ‘di kalayuan sa puwesto namin.
Nanlaking bigla ang mga mata ko at hindi ko akalain na classmate ko siya dito sa isang subject ko. Hindi ko man lang siya nakikitang pumapasok sa subject na ito at ang alam ko ay isang subject lang talaga ang magkaklase kami.
“How did you know sir?” sarkastikong sagot naman niya at sinulyapan pa ako.
Kaagad akong umiwas sa kaniya nang tingin at binuklat ko na lang ang libro ko at doon ko na lang ibinaling ang atensyon ko.
“Hindi porke Chairman din ang daddy mo rito ay papasok ka na lang kung kailan mo gusto.” Natigilan akong bigla at lihim na napatingin sa kaniya.
Ibig sabihin nito ay hindi lang si Tito Gascon ang Chairman dito sa Southville kun’di pati na rin ang daddy ni Jeremy. Kaya naman pala mayabang ang ipis na ‘yon kasi alam niyang may maipagmamalaki siya. Hindi na rin kataka-taka kung bakit isa rin sa dahilan kung bakit hinahabol-habol siya ng kababaihan dito.
Katatapos lang ng unang klase namin at nag-aya naman ang dalawa kong kaibigan sa coffee shop. Mamaya pa kasing tanghali ang susunod naming klase at doon din kami madalas tumambay at magbasa ng mga libro habang kumakain.
I was reading my favorite novel when I heard some students talking about Jeremy. Nahinto akong sandali sa pagbabasa pero nakatuon pa rin ang mga mata ko sa librong binabasa ko at pinakikinggan lang sila habang ang dalawa kong kaibigan ay umoorder pa ng pagkain sa counter.
“Sino naman kayang intrimitida ang umakit sa Jeremy ko? Siguraduhin lang niyang mas maganda at mas sexy pa sa’kin ang babaeng ‘yon ha!” mataray na saad ng isang estudyante.
“Actually parang hindi naman maganda iyong babae kasi nakita ko silang magkasama that night sa resto-bar na sila lang dalawa. At take note ha! Naka-pajama lang iyong girl my gosh!” Wala ako sa sarili kong naibagsak ko ang librong binabasa ko sa ibabaw ng lamesa at mariin ko pang naikuyom ang isang palad ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko malamang namukhaan niya ako at sigurado akong nakuhanan niya rin ako ng picture. At anong sinasabi ng haliparot na ‘yon na hindi ako maganda? Kahit bagong gising ako alam ko sa sarili ko na maganda pa rin ako hindi katulad nila na kapag walang kolorete sa mukha ay nagmumukha silang matandang matrona.
“Gusto niyo bang makita ang itsura niya? Kaso medyo blurd eh pero alam kong hindi siya maganda,” dagdag pa niya.
Pumihit naman ako at hinanap kung sino ang mga nag-uusap na ‘yon. Nagulat ako nang makita ko si Jeremy at bigla niyang kinuha ang cellphone noong babae. Pansin ko pa ang pagngisi niya at pabagsak niyang inilapag ang cellphone sa lamesa.
“You have no right to talk about my girl. And take note, she’s so f*****g pretty at wala man lang kayo sa kalingkingan niya,” may diing saad niya.
Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay naglakad na siya palayo at umupo na sa kaniyang puwesto kasama ang mga kaibigan niya. Napatulala na lang ako at tila ba’y naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko namalayan na dumating na pala ang dalawa kong kaibigan at bitbit nito ang mga inorder nilang pagkain.
“Hoy Madz, anong nangyari sa’yo? Para kang tuod diyan,” sambit ni Nina na nasa aking harapan.
Katabi ko naman si Ellaine at hinihintay niya ang isasagot ko. “W-wala, ang tagal niyo lang nagugutom na kasi ako eh.
“Ang tsismis kanina sa campus hindi naman daw maganda ‘yong date ni Jeremy dahil may__”
“Nina! Pati ba naman ikaw?!” bulyaw ko sa kaniya.
Natigilan silang pareho at sinulyapan silang dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako at muling kinuha ang librong binabasa ako at doon ko na lang tinuon ang atensyon ko.
“Bakit ang sungit mo na naman Madz? Nahawa ka na ba ng kasungitan ng kakambal mo?” tanong naman ni Ellaine.
Hindi ko na lang sila pinansin at ang totoo niyan ay naiinis ako dahil sa sinabi ng mga estudyanteng iyon. Naalala ko naman ang mga sinabi ni Jeremy kanina at para bang nawalang bigla ang pagkadismaya ko.
Marahan kong ibinaba ang libro at sumandal sa aking upuan at pumikit. Pero sa pagpikit ko ay mukha naman ni Jeremy ang nakita ko kaya bigla akong napabalikwas at napahawak pa sa dalawang pisngi ko at tinapik-tapik pa ito.
“Baliw na yata itong kaibigan natin Ellaine,” dinig kong wika ni Nina at nakahalumbaba naman siyang nakatitig sa’kin.
“Absolutely! Iisipin ko na siya ang ka-date ni Jeremy noong isang gabi,” sagot pa ni Ellaine at sinamaan ko pa siya nang tingin. “Joke lang friend! Alam ko namang hindi ikaw ‘yon dahil alam namin na hate na hate mo si papa Jeremy at patay na patay ka kay Ulysses,” sabay irap niya pa sa’kin.
“Kumusta naman ang naging date niyo ng childhood friend mong si Ulysses?” Makabuluhang tanong naman ni Nina at sumubo pa ito ng fries.
“How did you know?” takang tanong ko.
“Kami pa ba Madz?!” sabay appear pa ng dalawa pagkasabing iyon ni Nina. “Tita Macelyn told me na nagpunta raw sa inyo si Ulysses at niyaya ka raw lumabas”
“Naitsismis na pala sa inyo ni mommy,” walang ganang sagot ko.
Kahit kailan talaga si mommy kapag may gusto siyang malaman about sa mga nanliligaw sa’kin ay iyong dalawang kaibigan ko ang tinatanong niya. Wala naman akong inililihim sa kaniya pero syempre ayoko lang din na mawala ang tiwala nila ni daddy sa’kin.
“Tumawag kasi ako sa bahay niyo kaya ko nalaman na nagpunta si Ulysses sa inyo. Ano nagtapat na ba siya? Kayo na ba?” May halong kilig na tanong pa ni Nina.
Napailing na lang ako sa kakulitan niya at sumubo na lang din ako ng fries at tumingin sa labas ng bintana. Iniisip ko pa lang na malapit na ako magdebut ay parang gusto ko nang hilahin ang araw dahil alam ko sa araw na ‘yon ay magtatapat na sa’kin si Ulysses.
“Oo nga pala Madz malapit na ang birthday mo, anong ganap sa birthday mo? Magpapaparty ka ba? Yayain natin iyong ibang varsity players Madz!” Pumalakpak pa siya sa ere at pinalo naman siya ni Ellaine sa kaniyang braso.
“Magtigil ka nga Nina! Hindi ikaw ang may birthday ‘no!” saway pa nito kay Nina.
“I just want a simple party ayoko ng kung ano-ano pa, just like a normal birthday iyon lang ang gusto ko”
“Ano ka ba Madz once lang naman mangyayari ang bagay na ‘yon at afford mo naman ‘yon at syempre si Ulysses ang magiging partner mo sa araw ng debut mo. Ayieeeh! Kinikilig ako for you.” Halata sa itsura ni Nina ang kilig habang sinasabi niya ang bagay na ‘yon.
“Naku Madz ingatan mo lang ‘yang puso mo at ‘wag kang pakasisiguro dahil baka masaktan ka, and I don’t want it to happen,” seryosong saad pa ni Ellaine.
“I know Ellaine at nasisiguro kong si Ulysses ang makapagpapasaya sa’kin balang araw.” Malapad akong ngumiti sa kaniya at hinawakan naman niya ang dalawang palad ko.
Nauna nang umuwi sina Ellaine at Nina at naiwan naman ako sa library dahil may mga kailangan pa akong tapusin. Tiningnan ko naman ang relo kong pambisig at namilog ang mga mata ko dahil hindi ko na naman namalayan ang oras, alas sais na pala ng hapon kaya dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at ang ibang libro ay inilagay ko na sa book shelf.
Konti na lang din ang mga naiwang estudyante ngayon at halos ang lahat ay nagsi-uwian na rin. Naisipan ko namang daanan ang kambal kong si Jk sa building nila para sabay na kaming umuwi at alam kong alas syete ang tapos ng huling klase niya.
Natigilan ako sa paglalakad ko nang makarinig ako ng isang malakas na dagundong. Napapitlag ako at hinanap kung saan nanggagaling ang ingay na ‘yon. Napatutop na lang ako ng aking bibig nang masaksihan ang pangyayari.
Pinunasan naman ni Jeremy ang gilid ng kaniyang bibig at hinarap muli ang lalaking sumuntok sa kaniya. Masama ang tingin niya rito at pansin ko ang pagkuyom ng isang palad niya na wari ko’y gusto niyang gumanti.
“Wala ka nang ginawa kun’di ang ipahiya ako! Kailan ka pa ba magbabago Jeremy?!” sigaw niya rito.
“When did I embarrass you dad?” Mahinahon ngunit may diin niyang tanong.
Siya pala ang daddy ni Jeremy. Kaya pala siguro parang malungkot siya noong banggitin ko ang pamilya niya dahil hindi pala sila magkasundo ng daddy niya.
“I’m sick and tired of you Jeremy! Ano pa bang pagdidisiplina ang gagawin ko sa’yo para tumino ka?!”
“Bring back my mom”
“Ano?”
“Gusto mo akong tumino? Just bring her back and I’ll do whatever you want.” Ilang minutong walang salita akong narinig sa kanila at nagtago na lang ako sa pagitan ng mga pader para lang hindi nila ako mapansin at baka isipan pa ni Jeremy ay nakikinig ako sa usapan ng may usapan.
“Magkamukha nga kayo pero ibang-iba ang ugali mo sa tito mo. Sana nakilala mo siya para nahawahan ka niya ng magandang pag-uugali.” Iyon na lang ang huling narinig ko sa kaniyang ama at wari ko’y umalis na rin ito.
Maglalakad na sana ako palayo ng may humablot sa isang braso ko at pagkuwa’y niyakap ako. Sa sobrang pagkagulat ko ay naramdaman ko na lang na bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Pero imbes na itulak siya palayo ay unti-unti ko na lang itinaas nag dalawang kamay ko at niyakap siya. Sa ganoong paraan ay mapagaan ko man lang ang loob niya na alam kong nasasaktan siya dahil sa nangyari sa kanilang mag-ama.
Hindi ko man alam ang kuwento ng buhay niya natitiyak kong sa kabila ng pagiging pasaway niya ay masyado ring malungkot ang buhay niya. Tinapik ko siya sa kaniyang likod na mas lalo niya pang hinigpitang ang pagkakayakap niya sa’kin.
“Let me hug you just for a minute. Ikaw lang ang magpapakalma sa’kin ngayon,” mahinang wika niya.
Hinayaan ko lang siya at tulad nang sinabi niya ay kumalas na rin siya nang pagkakayakap sa’kin. Tipid lang siyang ngumiti at nagtaka ako dahil bigla na lamang niya akong tinalikuran at umalis.
Habang tinatahak ko naman ang daan papunta sa building nila Jk ay napahinto akong bigla at malakas na bumuga sa hangin. Nagpapadyak pa ako dahil sa inis, hindi dahil sa iniwan ako ni Jeremy kun’di dahil hindi man lang ito nagpasalamat.
“Anong akala sa’kin ng ipis na ‘yon comforter? Yayakapin niya ‘ko at kapag okay na siya iiwan lang niya ng ganoon? Buwisit talaga ang ipis na ‘yon sarap isako at itapon sa bakanteng lote,” galit kong wika sa aking sarili.
“Who are you talking with?” Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang kapatid ko na nakatayo at halos kalalabas lang ng classroom nila.
Nagsilabasan na rin ang iba pa niyang kaklase at nilapitan ko naman si Jk. “Wala, nainip lang ako at kinausap ko ang ipis na pagala-rala dito sa corridor,” kunot-noo niya pa akong tinitigan.
“Hi Madeline!” bati ng isa niyang kaklase.
Guwapo rin ito at matangkad. Siya ang nakikita kong parati niyang kasama sa bahay sa tuwing may gagawin silang group assignment.
“Hi Brix,” ganting bati ko sa kaniya.
“Ang ganda talaga ng kapatid mo,” dinig kong bulong niya kay Jk.
“Malabo na ‘yang mata mo Brix magpatingin ka na sa ophthalmologist bukas.” Tinaasan ko pa ng kilay si Jk at bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako palayo.
“What are you doing here Madie?” Panimula niya habang naglalakad kami palabas ng campus.
“Kakatapos ko lang kasi mag-aral sa library kaya naisipan kong sumabay na lang sa’yo umuwi,” walang gana kong sagot sa kaniya.
Bigla akong napahinto sa paglalakad nang humarang naman siya sa aking harapan at walang emosyon niya akong tinitigan. Heto na naman siya pinipilit basahin ang itsura ko na akala mo isa siyang manghuhula.
“Puwede ba Jk wala ako sa mood para makipag-asaran sa’yo,” sabay krus ko ng aking mga braso.
“I didn’t say anything”
“E bakit ganiyan ka makatingin?”
“I thought you got dumped.” Mariin akong napapikit dahil dinagdagan niya pa ang inis ko.
Kung hindi ko lang siya kapatid ay kanina ko pa pinagsisipa itong lalaking ito at isako kasama ang ipis na kinaiinisan ko.
“Jeremy naman!” Bigla akong natigilan at napagtanto kung anong pangalan ang nabanggit ko.
Napamura na lang ako sa aking isipan at kita ko rin sa mukha ng kapatid ko ang labis na pagkagulat.
“Ah, so the problem is him and why your face is like that. Now I know that you got dumped by him”
“Hindi siya Jk! Saka hello, as if naman na magkakagusto ako sa ipis na ‘yon. Over my dead body!”
“E bakit nga galit na galit ka kanina at gusto mo pang isako ang ipis na ‘yon?” Namilog ako sa sinabi niya at narinig niya pala ang mga sinabi ko.
“Wala ka na ro’n!” Nilayasan ko na lang siya dahil alam kong patuloy na naman niya akong aasarin kapag nakipagtalo pa ako sa kaniya.
Sa susunod hindi na ‘ko basta-basta magpapayakap sa ipis na ‘yon na hindi man lang marunong magpasalamat at para bang walang nangyari.