Pagkapasok ko sa loob ng classroom namin ay narinig ko na kaagad ang hiyawan ng mga kaklase ko kaya napapikit ako nang mariin dahil sa lakas ng boses nila. I just rolled my eyes and and I saw Ellaine and Nina busy talking to each other.
May pinagtsitsismisan na naman ang dalawa kapag ganoon sila kaseryoso, hindi na bago sa kanila ‘yon at paniguradong lalaki na naman ang pinag-uusapan nila. Walang gana akong umupo sa kanilang tabi at isa-isa kong inilapag sa lamesa ko ang mga dala kong libro.
“Have you heard Madz?” Nakataas naman ang isang kilay kong hinarap si Nina.
“Heard what?”
“Mamimili raw ang team ni Jeremy ng magiging muse nila!” Excited na wika ni Nina.
Tumango-tango lang ako at wala din naman akong pakialam kung sino man iyon. Maya-maya pa’y dumating na ang prof namin and if I’m not mistaken, kasama niyang dumating ang isang basketball player na ka-team ni Jeremy. Napatutop pa ako sa aking bibig nang makilala kung sino siya. Walang iba kun’di ang nakita ko sa isang locker room na nakasuot lang ng brief.
Napaiwas ako nang tingin sa kaniya nang mapadako ang tingin niya sa akin. Huwag niyang sabihing isa rin siya sa classmate ko sa subject na ito? Napaka-malas naman ng araw ko na ito, kung hindi si Jeremy ang nandito, ang ka-team naman niya ang na-eencounter ko.
“Okay student may announcement nga pala si Mr. Macky Leverista.” Unang bungad sa’min ng prof.
Hindi pa rin ako tumitingin at nanatili akong nakayuko. Halata naman sa dalawa kong kaibigan na excited silang marinig ang sasabihin nito.
“We have already chosen who will be the muse in our upcoming game next week.” Sabay hiyawan naman ng mga kaklase ko pagkasabi niyang iyon.
“I’m sure si Sofia na ulit ‘yan!” sigaw ng isang estudyante.
I know her and she comes from a wealthy family. She’s a sophisticated woman and does whatever she wants. Marami ring naiinis sa kaniya dahil sa mga ikinikilos niya pero syempre walang nagtatangkang kalabanin siya dahil tiyak may kalalagyan ka. And that is how money works from her.
“Hay naku! Kapag siya ang naging muse hinding-hindi ko na panunuorin ang mga laro ni papa Jeremy nakakasura!” naiinis na sambit ni Nina.
Patay malisya na lang ako at nilaro-laro ko na lang ang ballpen na hawak ko. Maya-maya pa’y biglang may lumapit sa aking harapan kaya unti-unti naman akong nag-angat ng aking tingin. Biglang kumalabog ang dibdib ko nang nasa aking harapan na siya, ang lalaking nakita ko sa locker room at malapad naman siyang ngumiti sa akin.
Mahigpit ko pang hinawakan ang ballpen na para bang mababali na ito. Tumungo pa siya ng bahagya at tila ba’y sinusuri ang buong mukha ko.
“Not bad”
“A-ano?” may pagtatakang tanong ko sa kaniya.
“You’re pretty and also.” Napahinto siya sa kaniyang sasabihin at sinuri naman niya ang aking katawan. “You’re sexy, nice body.” Umayos na siya sa kaniyang pagkakatayo at pinagkrus naman niya ang kaniyang mga braso.
Hindi ko siya maintindihan at mukhang napagtripan pa niya ako. Siguro ay gumaganti siya sa’kin dahil nakita ko ang hindi ko inaasahang makita sa ganoong sitwasyon.
Magsasalita pa sana ako ng muli siyang magsalita. “She’s our muse.”
Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat at pati na rin ang ilang mga kaklase ko ay halatang nagulat din nang balingan ko sila isa-isa. Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at hinarap siya. Malakas pa akong nagpakawala nang malakas na buntong hininga dahil sa inis ko.
“Who told you? You didn’t even ask me about that at basta ka na lang magdedesisyon.” Naiinis kong sambit sa kaniya at tinaasan pa siya ng kilay.
“Don’t complain to me because I’m not the one who chooses you,” sabay turo niya sa’kin.
May bigla akong napagtanto at mukhang kilala ko na kung sino ang taong tinutukoy niya. Mariin akong napapikit at mariin ko ring kinagat ang ibabang labi ko dahil nadagdagan na naman ang pagkainis ko sa kaniya.
“Where is he?” May diing tanong ko sa kaniya.
“Oh, I see, mukhang kilala mo na kaagad kung sino ang tinutukoy ko,” nakangising saad pa niya.
“Will you please tell me where is he?!” Biglang napalakas ang boses ko at wari ko’y nagulat ang lahat dahil sa inasal ko.
“Madz what’s happening?” Malumanay na tanong ni Ellaine na nasa kaliwang bahagi ko.
Napakamot pa si Macky sa kaniyang kilay at mukhang wala siyang balak sabihin kung nasaan si Jeremy. Puwes, ako ang maghahanap kung saan ko makikita ang ipis na ‘yon at nang dahil sa kaniya mapapahamak pa ‘ko.
Dali-dali akong lumabas ng classroom namin at narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa kong kaibigan ngunit hindi ko na sila pinansin pa. Una akong nagpunta kung saan ang locker room nila at hindi na ako nag-atubili pang kumatok. Wala akong pakialam kung ano pang makita ko roon kung may saplot man sila o wala. Mabuti na lamang ay ni isa walang tao sa kanilang locker room.
Sunod naman akong nagpunta sa gym kung saan sila nagpapractice at nakita kong maraming players ang naglalaro roon. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya at hindi naman ako nabigo. I raised my eyebrows and approached him who was sitting on the bench and watching some players practicing.
Nag-angat siya nang tingin sa’kin at hindi makikita sa itsura niya ang tila pagkagulat. Mukhang inaasahan na niya na susugurin ko siya at kokomprontahin. Talagang sinusubukan ng ipis na ‘to ang pasensiya ko at tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa niya.
Tumayo siya at tumingin pa ako sa paligid dahil tiyak may mga tsismosong makakarinig sa pinag-uusapan namin. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at kausapin na lang siya nang maayos para lang hindi kami paghinalaan.
“Sinusubukan mo ba talaga ako?” Mahina at mahinahon kong tanong sa kaniya.
“What do you mean?” pagmamaangan niya pa.
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya at gusto ko na talaga siyang batukan pero nanatili pa rin akong kalmado. Huminga muna ako nang malalim at muli siyang binalingan na titig na titig naman sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang at tumukhim pa ako para lang maibsan ang kaba na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit ko biglang naramdaman ‘yon samantalang kapag nakakaharap ko naman siya ay hindi ko ito nararamdaman.
“Are you out of your mind? Of all people why me? Nandiyan naman si Sofia bakit hindi na lang siya? At higit sa lahat mas maganda at sexy siya”
“I don’t like her.” Walang paligoy-ligoy niyang sagot.
Napatulala ako at hindi alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Ito na naman ang mga mata niya na hindi ko gustong makita. Para tuloy akong hinihipnotismo kapag napatitig ako sa kaniyang mga mata. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at nakita kong papalapit si Macky na ka-team niya sa basketball.
“Have you already talked about that?” wika niya nang makalapit na siya sa’min.
“I’m against to it. At kung hindi mo gusto si Sofia maghanap ka na lang ng iba tutal marami ka namang naging babae pumili ka na lang ng isa sa kanila.” Tumalikod na kaagad ako pagkasabi kong iyon sa kaniya.
“It’s you that I like!” Napahinto akong bigla at tiningnan ang ibang estudyante na nasa loob nitong gym.
Pati sila ay napahinto sa paglalaro pagkarinig sa sinabi ni Jeremy. Mabilis ko siyang nilingon at sinamaan pa siya nang tingin ngunit nginisian lang niya ako at mukhang may binabalak siya na alam niyang hindi ko magugustuhan. Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko na nakapamulsa at mataman akong tinitigan.
“I don’t like anyone else baby Madie. If you don’t want me to scream how much I like you, just agree of being our muse.” Namilog ang mga mata ko at umawang ang mga labi ko.
Seriously? Ano naman kayang pakana ng lalaking ito at ako ang gusto niyang kuning muse? Mukhang wala talaga siyang balak tigilan ako at wala na talaga akong magagawa kun’di ako naman ang mang-aasar sa kaniya. Hindi ako papayag na maging sunud-sunuran sa kaniya at mananatiling takot sa kung ano ang posible niyang gawin.
“Okay fine.” Nanliit pa ang mga mata niya at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“W-well payag ka na?”I rolled my eyes and take a one step closer to him.
“You want me to be your muse right? Wala naman akong magagawa kung ako talaga ang gusto mo,” sarkastiko kong saad sa kaniya.
Unti-unting sumilay ang ngiti niya and this time mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Wala ako sa sarili kong napahawak sa dibdib ko at nakita ko sa itsura niya ang pagtataka. Bago niya pa mahalata ito ay kaagad ko na siyang tinalikuran at dali-daling lumabas ng gym.
Napasandal na lang ako sa pader nang makalabas na ako at para bang ilang tao ang humabol sa’kin dahil sa sobrang pagkahingal ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ako nawawala sa focus kapag kaharap ko na siya o ‘di kaya’y kapag napapatitig ako sa mga mata niya.
“Madz!” Napapitlag ako nang marinig ko ang pagtawag ng dalawa kong kaibigan.
Napaayos ako ng tayo at pilit ko silang nginitian dahil tiyak hindi nila ako tatantanan kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.
“Anong ginagawa niyo rito? Saka may klase pa pala tayo.” Tiningnan ko ang orasan kong pambisig at maglalakad na sana ako nang hawakan naman ako ni Ellaine sa kaliwang braso ko at taka ko siyang tinitigan. “B-bakit?” nauutal kong saad sa kaniya.
Iba ang titig niyang iyon. Nakakatakot, nakakakaba. Alam kong may alam na siya at hindi ko na kaya pang ipagkaila iyon sa kanila.
“Madz, wala ka bang tiwala sa’min? We’re friends right?” may pagtatampong wika niya.
Unti-unti niya akong binitawan at napayuko na lang ako dahil naguiguilty ako. Wala naman akong balak itago sa kanila ang tungkol kay Jeremy kung paano niya ako kulitin at buwisitin. Ayoko lang talaga maging big deal ‘yon dahil alam kong maraming nagkakandarapa sa kaniya.
“E-ellaine, let me explain first”
“Let’s go Nina.” Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at tinalikuran na nila ako.
Napaluha na lang ako at ito ang unang beses na nagkatampuhan kami. Simula noong mga bata pa lang kami ay never kaming nag-away o nagkatampuhan man lang. We even shared secrets dahil alam naming may tiwala kami sa isa’t-isa. Pero this time sobra ko silang nasaktan, hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanila kung bakit hindi ko sinabi sa kanila ang simpleng bagay na ‘yon, kun’di dahil makasarili ako at sarili ko lang ang iniisip ko.
Nang matapos na ang huling klase ko ay nakita ko silang palabas na ng classroom at naka-angkla pa si Ellaine kay Nina. Pasimple naman akong sinulyapan ni Nina na para bang gusto niya akong lapitan. Tumango-tango lang ako sa kaniya na ang ibig sabihin ay ayos lang ako.
Inaayos ko na ang mga gamit ko nang lapitan naman ako ni Sofia kasama pa nito ang mga alalay niya. Masama ang tingin nila sa’kin pero hindi ako nagpasindak sa kanila at tinitigan ko rin sila isa-isa.
“Ito ba ang pinagpalit nila sa’kin at kinuhang muse?” Tiningnan pa ako ni Sofia mula ulo hanggang paa at saka niya ako binalingan na may masamang titig. “Ano bang nakita nila sa’yo e mukha ka namang nalosyang sa itsura mo.” Nagtawanan pa sila pagkasabi niyang iyon pero hindi ko na sila pinansin at nilagpasan ko na lang sila.
Hindi pa ako nakakalayo nang haklitin niya ang braso ko at bigla na lang akong sampalin. Sapo ko ang isang pisngi ko at mabilis ko siyang hinarap. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nasampal ng ganito at iyon ay dahil lang sa isang lalaki.
“Sa tingin mo ba kaya ka kinuha ni Jeremy bilang muse ay dahil gusto ka niya? Mangarap ka! Malaki ang tinaya niya at sinisigurado niyang mananalo siya oras na kumagat ka sa patibong niya!” Natahimik akong bigla at nagtaka kung ano ba ang sinasabi ng babaeng ito.
“Wala akong panahon para makipagtalo sa’yo. Isipin mo ang gusto mong isipin at isa pa wala akong pakialam sa ipis na ‘yon. At saka bagay kayo, dahil pareho kayong insekto!”
“Anong sabi mo?!” Tinalikuran ko na sila at lumabas na ng silid.
Hanggang sa paglabas ko ng campus ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Sofia. Kung ano man ‘yon ay wala akong pakialam at wala rin akong balak mahulog ang loob sa Jeremy na sinasamba nila. Tanging si Ulysses lang ang gusto ko at alam kong gusto rin ako at hindi ko siya ipagpapalit sa Jeremy na ‘yon.
Patawid na sana ako nang may pumaradang sasakyan sa aking harapan. Kotse ‘yon ni daddy at ibinaba pa niya ang salamin ng bintana sa passenger seat.
“Get in baby.” Napangiti ako at kaagad na sumakay sa kotse.
Pumunta kami sa isang park kung saan madalas niya kami ipasyal noong mga bata pa lang kami at dito rin niya unang nakilala si mommy. Umupo siya sa tabi ko at ibinigay sa’kin ang ice cream na binili niya. My dad knows me well, even my favorite flavor ay alam niya.
“Thanks dad,” nakangiti kong saad.
“How’s school?”
“Okay naman po dad.” Sandaling katahimikan at pagkuwa’y muli siyang nagsalita.
“Is there anything you want me to know?” Natigilan ako sa pagkain ng ice cream at seryosong tinitigan si daddy.
Ngumiti na lang ako sa kaniya para maitago ang naging problema namin ni Ellaine kanina. Alam kong magkakaayos din kami at simpleng tampuhan lang ‘yon. Hindi ko gustong pati si daddy ay mamroblema rin dahil sa simpleng bagay lang.
“Hmmn, kinuha lang naman po akong muse ng basketball team that’s it”
“And then?” Sandali akong nag-isip at pagkuwa’y hindi ko na napigilan pang maiyak.
Kapag naaalala ko ang nangyari kanina ay naguiguilty ako dahil sa pagtatago ng sikreto. Kung sa iba ay maliit na bagay lang ‘yon, para sa aming magkakaibigan ay hindi lang ‘yon basta simpleng bagay lang.
Niyakap na lang ako ni daddy at mukhang alam na niya ang pinagdadaanan ko. Magtago na ako ng sikreto sa iba huwag na huwag lang sa daddy ko dahil mas kilala niya ako higit sa lahat. Humiwalay siya sa’kin nang pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko.
“Dad, I hurt them. Hindi ko sinabi sa kanila,” humihikbi kong sambit.
“Hindi lahat ng bagay kailangan mong sabihin. Maybe you have your reasons kaya mas pinili mong itago kaysa ang sabihin sa kanila, but believe me maiintindihan ka rin nila kapag kinausap mo sila”
“You want me to ask what is it?” Umiling lang siya at hinawakan ang isang palad ko.
“Tell me if you’re ready and I’m willing to listen.” Tumango lang ako sa kaniya at muling kumain ng ice cream.
“Siyanga pala dad, paano mo nalaman na nagkakatampuhan kami nila Ellaine? Did she call you? Nagsumbong ba siya sa’yo?” Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Natawa pa siya sa tinuran ko at inilapag niya ang ice cream na hawak niya sa upuan. “I’m your dad at nararamdaman ko na may problema ang baby ko,” sabay kindat niya pa sa’kin.
“Dad naman e!” Kunwa’y inis kong turan sa kaniya.
“Your kuya told me”
“Si Jk? How did he know?” taka kong tanong.
Hindi pa naman kami nagkikita at nagkakausap maghapon kaya wala akong idea kung paano niya nalaman ang tungkol sa’min ni Ellaine. Siguro ay sinabi niya kay Jk at pati na rin ang tungkol kay Jeremy.
“Kambal kayo Madie at nararamdaman niya kapag malungkot ka”
“Pero hindi pa naman kami nagkita simula kanina”
“He saw you. At lalo na noong hindi mo kasama sina Ellaine at Nina. Napayuko na lang ako at heto na naman ang mga luha ko tila nagbabadya na naman. “He’s worried kaya tinawagan niya akong kaagad.” Maluha-luha kong tinitigan si daddy at tipid na ngumiti lang sa kaniya.
“Don’t worry dad I’m okay. Bukas magiging okay na kami at kakausapin ko sila.” Tumango lang siya at hinalikan ako sa aking noo.
Papunta na kami sa kotse nang mapahinto si daddy sa paglalakad at hinarap ako. Taka ko siyang tinitigan dahil alam kong may gusto siyang sabihin.
“Dad?” tawag ko sa kaniya ng hindi pa siya nagsasalita.
“Nagkakausap ba kayo ni Jeremy?” Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang banggitin niya si Jeremy.
I don’t know what to say. Hindi ko alam kung paano ba sasabihin kay daddy ang tungkol sa kaniya. He already met him noong isang beses siyang nagturo sa Southville at sigurado akong nakita niya ang simpleng pagtitig ni Jeremy sa’kin noon. Kung ano man ang itanong sa’kin ni daddy ay sasagutin ko kung ano ang totoo dahil ayokong pati siya ay magalit sa’kin.
“Y-yes dad, b-bakit po?” nauutal kong wika.
“Nothing, may naalala lang ako sa kaniya.
“What is it dad?”
“A close friend, a colleague. He looks like him”
“Really? Baka kamag-anak niya ‘yon dad? What’s his name anyway?” Malapad lang siyang ngumiti sa’kin at inakbayan ako papunta sa sasakyan.
“Sana nakilala mo siya, sana nalaman mo kung gaano siya kabuting tao,” saad niya sa’kin nang makapasok na kami sa kotse.
Nagtaka man ako pero hindi na ako nagtanong pa. Alam kong mahalaga ang taong ‘yon base na rin sa reaksyon ni daddy.