CHAPTER 8

3314 Words
Matamlay akong naglalakad papunta sa unang klase ko, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako kinakausap ni Ellaine at Nina. Sa tuwing lalapitan ko sila ay iniiwasan naman nila ako. Masakit para sa’kin dahil hindi ako sanay na ganoon ang trato nila sa’kin, kung sana ay sinabi ko sa kanila at kung sana ay hindi ako naglihim hindi sana kami ganito ngayon. Napahinto akong bigla sa paglalakad ko nang makita ko ang kinaiinisan kong si Jeremy kasama ang mga kaibigan nito. Mas lalo akong nagngitngit sa galit nang maalala na siya ang dahilan kung bakit kami nagkagalit ngayon ng mga kaibigan ko. Masama ang titig ko sa kaniya at masaya naman siyang nagkukuwento sa mga kaibigan niya habang naglalakad. Susugurin ko na sana siya nang humarang naman sa kaniyang harapan si Sofia at ang grupo nito. Mabilis akong tumalikod sa kanila dahil baka makita pa nila ako at pagdiskitahan. “Hi Jeremy!” Alam kong boses iyon ni Sofia. Napairap pa ako dahil pinalandi pa nito ang kaniyang boses. Hahakbang na sana ako nang marinig kong magsalita si Jeremy. “What did you do to her?” “Do what?” “Why did you slap her?!” Halos mapatalon ako sa gulat at napalingon ako sa kanilang kinaroroonan. “Bagay lang sa kan’ya ‘yon masyado kasi siyang ambisyosa!” Bahagya pang lumapit si Jeremy kay Sofia at tiningnan pa ito mula ulo hanggang paa. Napalunok akong bigla dahil alam kong galit na ito base sa kaniyang itsura. Nakaawang lang ang aking mga labi habang pinagmamasdan sila at gustuhin ko man siyang sigawan para itigil na niya ang kahibangan niya ay hindi ko magawa. Laking gulat ko na lang nang mariing isandal ni Jeremy si Sofia sa pader at hawak pa nito ang leeg na animo’y sasakalin ito. Napatutop ako sa aking bibig at walang atubili akong lumapit sa kanila at tinanggal ko ang mga kamay ni Jeremy sa leeg ni Sofia. “What do you think you’re doing Jeremy?!” sigaw ko sa kaniya. Gulat lang siyang nakatitig sa akin at pagkuwa’y binalingan ko naman si Sofia na mangiyak-ngiyak na at hawak nito ang kaniyang leeg. Si Jeremy naman ang binalingan ko na ngayo’y nasa malayo na ang tingin. Walang sabi-sabing hinatak ko na lang siya at wala na akong pakialam pa kung sino pa ang makakita sa amin na magkasama, galit ako at ayokong ako ang maging dahilan kung bakit siya nagiging bayolente. Dinala ko siya sa isang bakanteng silid at sinarado ang pintuan. Napasinghap pa ako nang iharap niya ako at isinandal sa likod ng pintuan at idinikit pa nito ang kaniyang sarili. Ang bilis nang t***k ng puso ko na hindi ko maintindihan. His scent is so manly, i don’t know why I like his manly scent everytime we get closer. Hindi ako makatingin sa kaniya at hinawakan niya pa ang baba ko para iharap sa kaniya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang aming paningin. Ito na naman ang mga mata niya na ayaw kong titigan dahil parang hinihipnotismo ako sa tuwing mapapatingin ako sa mga mata niya. “You want us to be alone that’s why you brought me here?” Nakatitig lang ako sa mga mata niya at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko pinansin ang sinabi niya na para bang wala akong narinig. Bahagya pa siyang lumayo sa akin at tinitigan ako na may pagtataka ng hindi ako tumugon. “Do you like me?” Doon lamang ako natauhan pagkasabi niyang ‘yon. “H-ha?! Are you crazy?” Sabay irap ko pa pagkasabi sa kaniya no’n. “Yes, I’m crazy over you my baby Madie,” seryosong saad niya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hinarap niya. “Why you do that to her?” “Do what?” “Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.” Kumamot pa siya sa kaniyang kilay at mabilis na lumapit sa’kin. Napasandal na naman ako sa may pintuan at gulat ko siyang tinitigan. Bakit ba kasi parati na lang siyang ganito? Ito ba ang paraan niya para mang-akit ng babae? Puwes, paglalaruan ko rin siya hindi puwedeng magpatalo ako sa kaniya. Matamis akong ngumiti sa kaniya at halatang itinatago ko lang ang pagka-inis ko sa kaniya. “Stop acting innocent Jeremy, you know what I mean” “You’re beautiful” “W-what?” Nagpakurap-kurap pa ako at kunwa’y hindi narinig ang kaniyang sinabi. Marami namang nagsasabi sa akin noon pero bakit iba ang dating kay Jeremy? Hindi maaari ito. Kailangan kong sumabay sa agos para hindi ako magmukhang tanga sa kaniya. “Have you already think about it?” “I told you already that i’m going to be your muse” “Not that one.” Taka ko siyang tinitigan at tinaas ko pa ang isang kilay ko. Itinukod niya pa ang isang palad niya sa kaliwang bahagi ko at bahagyang bumaba para magpantay kami. He’s so damn hot at hindi ko mapagkakaila iyon pero kahit anong guwapo niya pa ay hinding-hindi niya ako makukuha sa paraang gusto niya. Iisang lalaki lang ang gusto ko at walang iba kun’di si Ulysses. “A-ano ‘y-yon?” Nauutal kong wika. “We have a few more dates. Let’s have a descent date baby Madie.” Sa pagkakataong ito para naman akong nalalasing habang binibigkas niya ‘yon. Halos parang hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng aming mukha. Mariin ko pang kinagat ang ibabang labi ko para kahit papaano ay maibsan ko ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pansin ko pa na dumako ang tingin niya sa aking mga labi at muli akong binalingan nang tingin. “Stop bitting your lips you don’t know what I’m gonna do if I saw you do that again.” Umawang ang mga labi at tila ba’y natakot akong bigla sa sinabi niya. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Puwede bang lumayo ka muna para naman makapagsalita ako?” “Why? Are you scared that I might do anything to you?” “I’m not!” “Then why? Or if I’m not mistaken you already have feelings for me?” Nanlaki bigla ang mga mata ko at gusto ko siyang batukan dahil sa sinabi niya. Never! Never! Never! Iyan ang laging sinisigaw ng isip ko na kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundong ito ay hinding-hindi ako papatol sa isang katulad niya. “In your dreams Jeremy,” sarkastiko kong saad sa kaniya. “Who knows, maybe someday you’re right in my bed.” Nagpantig ang tainga ko at bigla ko na lang siyang sinampal. Masama ko siyang tinitigan at halos maluha-luha na ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Hindi ako papayag na bastusin na lang ako na kahit na sinong lalaki. “Date me all you want pero kahit anong gawin mo hindi kita magugustuhan.” Tinalikuran ko na siya matapos kong sabibin ‘yon. I was stunned when he grab my hand, he leaned me against the door and rested his two palms on either side of me. Nagulat ako at napapikit nang mariin nang muli niyang ilapit ang mukha niya sa akin at tila hahalikan niya ako. Nang wala akong naramdamang dumampi sa akin ay marahan kong dinilat ang mga mata ko. Pansin ko na nakatitig siya sa labi ko at saka niya ako binalingan nang tingin. “You’re going to be mine baby. Nobody owns you but me.” Napatulala na lang ako at hindi ko na napansin na nakaalis na siya sa aking harapan. Bago ko pa pihitin ang seradura ng pintuan ay tiningnan ko ang relo kong pambisig at nagulat dahil umpisa na ng unang klase ko. Nagmamadali akong tinungo ito at bago pa ako pumasok sa loob ay huminga muna ako nang malalim at saka binuksan ang pintuan. Naabutan kong nagkaklase na sila at umupo naman ako sa aking puwesto. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong matatalim ang titig sa’kin ng mga estudyante at sigurado akong alam na nila ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Jeremy. Sunod-sunod din ang klase ko at hindi ko naman kaklase sina Nina at Ellaine sa huling subject ko. Ako na ang unang kakausap sa kanila pagkatapos nitong huling klase ko at magpapaliwag ako sa kanila. Inaayos ko na ang mga gamit ko at nang pinalibutan naman ako ng ilang estudyante. Tila gusto nilang lamunin ako ng buhay dahil sa mga masasama nilang titig. Inaasahan ko na ito at iyon ay dahil kay Jeremy. Hibang na talaga ang mga babaeng nagkakagusto sa isang badboy na kagaya niya. “What do you want?” masungit kong saad sa kanila. “Isa ka rin palang haliparot at ikaw pa talaga ang kumaladkad kay Jeremy at kayo lang ang tao sa classroom.” Napakunot ako dahil alam niya ang bagay na ‘yon. “Say what you want dahil hindi ibig sabihin no’n nilalalandi ko na siya. Wala kayong alam sa nangyayari kaya tigilan niyo ‘ko.” Lalagpasan ko na sana sila nang itulak ako ng isang babae na medyo may katangkaran at mataba. Napaupo ako at napangiwi dahil naitukod ko ang isang kamay ko sa semento. Halos mapaiyak ako sa sakit at hawak-hawak ko ang kamay ko na nabalian. Sinamaan ko sila nang tingin at masaya pa sila sa nakikita nila ngayon. Lumapit pa sa’kin ang matabang babae na tumulak sa’kin at umupo sa aking harapan at saka nginisian ako. “Ano masakit ba? Nasaan na ang mga kaibigan mo na laging nakabuntot sa’yo?” “Baka iniwan na siya kasi malandi pala ang kaibigan nila baka mahawa raw sila ng kalandian niya.” Sabay tawa pa ng isang kasama nilang babae. Akmang tatayo na sana ako nang hawakan ako sa kuwelyo ko nang tumulak sa’kin at akmang sasampalin pa ako kaya kaagad akong napapikit ng mariin. “Sige subukan mong dumampi ang palad mo sa mukha ng kaibigan namin makakarating ang video na ito kay papa Jeremy!” Sabay pa kaming napalingon sa may pintuan at laking gulat ko nang masilayan si Ellaine at Nina at tila vinevideohan nila ang pangyayari. Nakatitig ako kay Ellaine at walang kakurap-kurap siyang nakatingin sa mga estudyanteng nakapalibot sa’kin. Tumayo ang matabang babae at humakbang pa ng isang beses papunta sa kinaroroonan sana nila Ellaine nang magsalita si Ellaine na ikinatigil nito. “Kung hindi kayo aalis isesend ko ito mismo kay Jeremy at tiyak tapos ang career niyo!” Napaisip akong bigla kung bakit naman nasabi ‘yon ni Ellaine. Taka lang akong nakatitig sa kanila at pagkuwa’y isa-isa na silang nagsilabas ng classroom. Dali-dali naman nila akong nilapitan at inalalayang makatayo, napangiwi pa ako nang maramdaman ang pilay ko sa aking kamay. “Are you okay Mads?” may pag-aalalang wika ni Nina nang makita niya ang itsura ko. “M-masakit,” naiiyak kong sagot sa kaniya. Tiningnan naman ni Ellaine ang kamay kong napilayan at masuyo niya itong hinaplos. Naiiyak ako hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, kun’di dahil nakita ko ang pag-aalala nila sa’kin. “Kailangan natin pumunta sa clinic para malagyan kaagad ‘yan ng bandage. Paano ka rarampa niyan kung may bandage ‘yang kamay mo? Buti na lang hindi ‘yang mukha mo ang nagkaroon ng pilay at tumabingi.” Napalitan naman nang ngiti ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa biro niya. Niyakap ko siya nang mahigpit na alam kong ikinagulat niya. Sobrang namiss ko ang mga kaibigan ko, ilang araw akong nagtiis na hindi sila kasama dahil simula pagkabata pa lang ay sila na parati ang kasama ko kahit saan man ako magpunta. Humiwalay ako nang pagkakayakap sa kaniya at nakayuko lang siya na para bang nahihiya siyang tingnan ako. “Ellaine may problema ba? Galit ka pa rin ba sa’kin?” mahinang saad ko sa kaniya. Nag-angat siya nang tingin sa’kin at pinanliitan pa ako ng mata. Ramdam ko pa rin na nagtatampo siya at hindi ko siya masisi dahil kasalanan ko naman na naglihim ako sa kanila. “Oo galit ako sa’yo! Galit ako dahil nagtago ka ng sikreto sa’min. Kaibigan mo kami Mads__” “I’m sorry Ellaine, I’m sorry Nina,” baling ko pa kay Nina na mataman lang na nakikinig sa’min. “Sorry dahil hindi ko sinabi sa inyo. Hindi naman ibig sabihin no’n wala akong tiwala sa inyo ayoko lang talaga na madawit kayo tulad na lang nang nangyari kanina” “Kahit na Mads, kaibigan ka namin at hindi ka namin hahayaang mapahamak,” seryosong sambit naman ni Nina. “Siyanga pala iyong sinabi mo kanina Ellaine about kay Jeremy” “Alin do’n?” takang tanong niya. “Did you talk to him?” Natigilan siya at pansin ko ang lihim na tinginan nila ni Nina. “M-mads__” “Ellaine please? Akala ko ba ayaw mo ng lihiman? Bakit pati ikaw?” “Okay, okay! Yes I talked to him” “What did you tell him?” “I asked if may gusto siya talaga sa’yo” “What?!” sigaw ko sa kaniya. Napatapik na lang ako sa aking noo dahil hindi talaga mapigilan ni Ellaine ang bibig niya. Ito rin ang dahilan kung bakit ko rin nilihim ito sa kanila dahil sa sobrang kadaldalan ng mga kaibigan ko. “Mads, tulad nang sinabi namin kaibigan ka namin at syempre gusto namin makilala ng lubusan ang magiging boyfriend mo,” kinikilig pang wika ni Nina. “Tsee! Tumigil ka nga riyan Nina! Wala akong gusto sa Jeremy na ‘yon ‘no at hinding-hindi ko ibibigay ang puso ko sa ipis na ‘yon!” singhal ko pa sa kaniya na halos lumabas na ang litid ko sa aking leeg. “At siya pala ang ipis na binabanggit mo huh. Uy, the more you hate the more you love ika nga,” tukso pa nito sa’kin. “Tara na nga sa clinic baka maputulan ka na ng kamay kapag hindi pa nagamot ‘yan,” yaya na ni Ellaine. “Hoy Ellaine hindi pa tayo tapos ha? Ikaw naman ang may atraso sa’kin at kailangan mong magpaliwanag” “Oo na po!” kunwa’y inirapan niya pa ako. Kinabukasan habang naglalakad kami papasok ay pansin ko ang mga titig sa’kin ng ilang mga estudyante rito. Hindi malabong kumalat ang nangyari kahapon at iyon pa ang kinababahala ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at deretso lang ang aking tingin sa daan kasama ang dalawa kong kaibigan. “Nagtanong ba si Tito Marco kung ano ang nangyari sa kamay mo?” tanong sa’kin ni Nina ng nasa comfort room kami. “Wala siya sa bahay nasa States sila ni mommy dahil sa negosyo.” Tumango lamang siya at sabay naman kami pumasok sa loob ng cubicle. “Have you already heard the news?” dinig kong wika ng isang estudyante. Hindi ko na lang ito pinansin at nakaupo ako sa bowl at nagscroll lang ako sa cellphone ko. “Na-kick out daw iyong limang estudyante na nambully kay Madeline.” Natigilan akong bigla dahil sa narinig ko. Iniisip ko kung bakit parang ang bilis naman yata nang pangyayari at paanong nalaman kaagad ito ng Dean. Imposibleng sinabi nila Nina at Ellaine ang nangyari dahil kasama ko sila kahapon. Maya-maya pa’y biglang may sumagi sa isip ko at kaagad akong lumabas ng cubicle. Hindi ko na nakita ang dalawang estudyanteng nag-uusap lang kanina. “Mads may problema ba?” Lumapit sa’kin si Nina na nakakunot ang noo at takang nakatitig sa’kin. “May kailangan lang akong puntahan Nina.” Pagkasabi kong iyon ay kaagad akong lumabas ng cr at narinig ko pang tinawag ako ni Nina pero hindi ko na siya pinansin pa. Kaagad akong pumunta sa locker room nila at hindi ako sigurado kung nandoon nga siya ngayon. Huminga muna ako nang malalim bago pihitin ang seradura ng pintuan. At nang pipihitin ko na ito ay bigla naman itong bumukas at bumungad ang nakahubad na si Jeremy. Halatang bagong ligo ito at nakasuot ng pantalon at kita pa ang tatak ng brief nito. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako o sisigaw dahil sa nakita ko although nakasuot naman ito ng pantalon. Napatulala na lang ako at hindi alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko dahil sa pagkagulat nang makita ko siya sa ganoong ayos. Sumandal pa siya sa hamba ng pintuan at pinagkrus pa nito ang kaniyang mga braso kaya kapansin-pansin ang muscle nito sa braso. Tumikhim naman ako at tila masasamid pa ako. “Can I talk to you for a second?” “Even if it’s whole day my time is yours.” Hindi ko napansin na may mga kasama pala siya sa locker room at sumipol pa ang mga ito pagkasabi niyang iyon. “I want to talk to you in private.” Tumango siya at sumenyas lang ito sa mga kasama niya at saka lumabas ng locker room. Nang nakalabas na ang mga ito ay saka niya ulit ako binalingan. “What is it baby Madie?” “Ikaw ba ang may kagagawan no’n?” walang paligoy-ligoy kong tanong sa kaniya. “What do you mean?” “You know what I mean Jeremy, at alam kong nag-usap kayo ng mga kaibigan ko.” May halong inis kong turan sa kaniya. Saglit niya akong tinitigan at dumako pa ang tingin niya sa kamay kong may benda. Kita ko sa itsura niya ang pagtataka at umayos pa ito sa kaniyang pagkakatayo. “What happened to your hand?” “Will you please stop pretending Jeremy?” “I’m not playing Madeline, just answer my f*****g question!” Halos mapaatras naman ako dahil sa tinuran niya. Kita ko ang pag-igting ng panga niya at para bang nag-aapoy ang mga mata niya sa galit. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang magalit at ito na rin siguro ang pinaka malala na nakita ko sa kaniya.Humakbang pa siya nang bahagya at nakatingala lang akong nakatitig sa kaniya dahil may katangkaran siya. “Tell me Madeline, who did that to you?” mahinahon niyang tanong. “It, it’s just an accident,” kinakabahang sagot ko naman sa kaniya. Hindi niya inalis ang pagkakatitig niya sa’kin na animo’y tinitingnan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Well, kahit naman totoo o hindi wala na siya roon at hindi niya dapat pakialaman ang buhay ko dahil ang gusto ko lang ay tahimik na buhay at walang ano mang koneksyon sa kaniya. Dahil sa kaniya nagiging miserable ang buhay ko at siya ang pinagmumulan ng gulo. “Okay Madeline, I get it.” Sandali siyang pumasok sa loob at paglabas niya ay nakasuot na ito ng plain black t-shirt. Nilagpasan niya ako na ikinataka ko dahil hindi na niya ako muli pang kinausap. Nagkibit balikat na lang ako at mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko. Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko naman ito sa bulsa ng pantalon ko. Nakita kong nagtext si Ellaine at kaagad ko naman itong binasa. “Mads, Mr. Montealegre kick them out of our school that’s what I heard in the Deans office.” Namilog ang mga mata ko at napatutop pa ako sa aking bibig pagkabasa ko sa text ni Ellaine. How did he know that? Who told him about that? tanong ko sa aking isipan. I want to talked to Tito Gascon regarding what happened, ayokong malaman pa ‘yon nila daddy at mommy dahil ayokong mag-alala pa sila sa’kin. Bago ko pa ilagay sa bulsa ko ang telepono ko ay muli itong tumunog at si Jeremy naman ang nagtext. Napairap na lang ako at binasa ang nilalaman noon. “Meet me at the library later, I want to talked to you. It’s URGENT!” Napabuga na lang ako sa hangin at kaagad na binura ang text niya. “Kausapin mo ang lelong mo!” bulong ko sa aking sarili at naglakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD