CHAPTER 9

2558 Words
“Ellaine it’s true that Tito Gascon did it?” gulat kong salubong sa kaniya nang makarating na ako sa clasaroom namin. Nanlaki pa ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko at napatutop pa ito sa kaniyang bibig. Hinila naman niya ako sa isang sulok at nagpalinga-linga pa at ingat na ingat na baka may makarinig sa amin. “You knew him?” mahinang saad niya. “Yes, he’s my dad’s colleague. I mean he’s also a family friend” “What? The chairmain of our school?” Hindi makapaniwalang sambit niya. Tumango lang ako at napasandal pa siya sa pader. Si Tito Gascon lang ang hindi niya alam na magkakilala ang pamilya namin at ang mga Montealegre. Ayoko ring matakot sila rito dahil hindi ordinaryong tao si Tito Gascon at baka mamiss-interpret nila ang katauhan nito. “I’m sorry I didn’t tell you about that Ellaine, I don’t want to__” “It’s okay Mads, I’m not mad. You can tell about it later.” Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at nagtungo sa aking upuan. “Anong nangyari Ellaine? Saka paanong nalaman iyon ni Tito Gascon?” wika ko naman nang makaupo na ako at umupo siya sa aking tabi. “Mr. Montealegre kick them out and I heard that he’s damn mad when he heard that they bully you. Saka hindi ko rin alam kung sino ang nagsabi sa kaniya no’n” “What should I do Ellaine? Hindi puwedeng malaman nila mommy at daddy ‘yon. I don’t want them to worry,” may pag-aalala kong turan habang kagat ko ang hinlalaki ko. I need to talk to Tito Gascon bago niya pa sabihin sa mga magulang ko ang nangyari. Tumayo na ako at kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa aking balikat. “Hey Mads where are you going?” Pigil sa’kin kaagad ni Ellaine at hinawakan ako sa kaliwang braso ko. “Kailangan ko makausap si Tito Gascon baka kasi masabi niya kina mommy at daddy ‘yong nangyari. You know my dad Ellaine, I don’t know how to explain it to him if___” “Mads calm down,” putol pa ni Ellaine sa sasabihin ko. Napabuntong hininga na lang ako at walang ganang naupo sa aking upuan. “Try to call him na lang Madeline, may exam tayo today at one time lang ‘yon.” Mas lalo akong nabahala dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro kaagad sasabihin ni Tito Gascon ang tungkol doon at isa pa bihira lang naman sila mag-usap ni daddy kung hindi naman ito importante. Balisa naman ako habang ilang beses kong idial ang number ni Tito Gascon pero hindi pa rin nito sinasagot, tinawagan ko siyang kaagad pagkatapos ng exam namin at lumabas muna ako saglit sa clasaroom namin. Ibinaba ko na lang ang telepono ko at sumandal sa pader ng hindi niya pa rin sinaagot ang mga tawag ko. Maya-maya pa’y biglang nagring ang telepono ko at hindi ko na tiningnan ang screen nito at kaagad kong sinagot sa pag-aakalang si Tito Gascon ang tumatawag. “Hello Tito Gascon!” Hinihingal ko pang sagot sa kabilang linya. “I’m not your uncle, it’s me your baby.” Mariin akong napapikit pagkarinig sa kaniyang boses at naikuyom ko pa ag isang palad ko dahil sa inis. “Ano na naman bang kailangan mo? Nag-aaral ka bang talaga at binubwisit mo na naman ako?” “My class is over and I’m already here at our meeting place.” I rolled my eyes in the air and comb my hair using my fingers. “Tell me what you want at busy ako ngayon may klase pa ako,” inis kong wika sa kaniya. “I’ll tell you in person so please see me at the library.” Magsasalita pa sana ako nang ibaba na niya ang tawag. Napatingin na lang ako sa screen ng telepono ko at para bang nakikita ko ang mukha niya rito. Wala akong nagawa kun’di sundin na lang ang gusto niya. Pagkarating ko sa library ay nagtaka ako kung bakit wala man lang katao-tao rito. Mostly kapag ganitong oras ay marami na kaagad estudyante rito at hindi nawawalan ng tao rito. Iisa lang naman ang library sa building na ito at sa kabilang building na iyong isa pa at medyo malayo naman dito. Kinuha ko pa ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at dinial ang number ni Jeremy. Nagulat pa ako nang marinig ko ang ring ng cellphone at nagmumula ito sa aking likuran. Pumuhit ako at nakita ko si Jeremy na nakasandal sa gilid ng bookself at hawak nito ang kaniyang cellphone at itinaas pa nito sa ere. Mablis akong lumapit sa kaniya at pinag-krus ko ang aking mga braso. Ngumiti pa siya sa’kin at kita ko naman ang malalim na dimple nito sa kanang bahagi ng pisngi niya. Ewan ko ba, bigla na lang nawala ang inis ko sa kaniya at napatulala dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganoon. Hindi, hindi ito maaari. Hindi ako puwedeng magkagusto sa kaniya. Hindi ako katulad ng mga babae rito na konting pagpapa-cute niya lang ay nababaliw na ang mga ito sa kaniya. If he wants to play a game, well I don’t want to lose to him. Mukhang kailangan kong maging mabait sa kaniya ngayon. Pilit akong ngumiti sa kaniya at tumikhim pa ako na para bang may bumara sa aking lalamunan. “What do you want to talk about? At saka bakit walang tao rito?” Tiningnan ko pa ang paligid at kami lang talagang dalawa ang tao rito. “Are you afraid?” “Why should I?” kalmadong sagot ko. “Because it’s just the two of us. And I might do anything I want from you.” Humakbang pa siya palapit sa’kin at bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi na ako nakaatras pa nang hapitin niya ako sa baywang na ikinasinghap ko. Ang lapit ng aming mga mukha kaya naamoy ko ang panlalaking pabango niya na gustong-gusto kong amuyin. Nakahawak ako sa magkabilang braso niya at dumako ang tingin ko sa mapupulang labi niya. Bigla akong napalunok at para bang namamawis ako hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sa nakikita ko. “You want to taste my lips baby?” Doon lang ako natauhan at nag-angat nang tingin. Mataman din siyang nakatitig sa’kin at pagkuwa’y hinawakan ang isang pisngi ko. He has a soft and warm hand, I couldn’t move but looked at him in the eyes. Nang unti-unti namang lumalapit ang mukha niya sa’kin ay doon ko na siya naitulak. Ang bilis nang dagundong ng dibdib ko at hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso. Pinakalma ko muna ang sarili ko at muli siyang binalingan. “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil may klase pa ako,” may halong kabang saad ko. Hindi siya nagsalita kaagad at nakatitig lang siya sa’kin. Mukhang wala naman siyang balak magsalita at pinagtitripan lang ako ng ipis na ito. Tumalikod na ako sa kaniya at hahakbang pa lang ako nang marinig kong magsalita siya. “Sinaktan ka ba nila ulit?” Natigilan ako at unti-unti akong pumihit sa kaniya paharap at wala siyang emosyong nakatingin lang sa’kin. “Why do you care? At saka hindi naman kita boyfriend, so you better mind your own business Jeremy” “I care because they hurt the girl I like!” sigaw niya at nawalang bigla ang ngiti na siyang nagpapaamo sa’kin. Why do I have to feel this? Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. I’m gonna lose anyway if I continue to feel this way. “Wala naman silang ginawa sa’kin at saka bakit ba nagkakaganiyan ka? Wala naman tayong relasyon ‘di ba?” s**t naman! Kakasabi nga lang niya na gusto niya ‘ko tapos ito pa sinagot ko sa kaniya, wika ko sa aking isipan. “Do I have to repeat it to you what I just said?” Napaiwas na lang ako sa kaniya nang tingin at hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa’kin at hinawakan ang kamay kong may balot ng benda. Tinitigan niya ito at pagkuwa’y binalingan ako nang tingin. Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin nang t***k ng puso ko at para siyang kape na nakakapalpitate palagi. “Hindi ko palalagpasin ito,” mahina ngunit may diin niyang saad. “Wala naman talaga silang ginawa sa’kin at isa pa hindi sila ang__” Hinawakan niyang bigla ang magkabilang pisngi ko at akmang hahalikan ako kaya nanlaki ang aking mga mata sa gulat. “One more lie Madeline and I will not hesitate to kiss you whether you like it or not.” Binitawan na niya ako at parang nanikip naman ang aking dibdib at hindi makahinga. Ano na bang nangyayari sa’kin? May sakit na ba ako? Matagal na akong may gusto kay Ulysses pero kahit minsan ay hindi ko ito naramdaman sa kaniya. “You want something to say baby?” Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang telepono ko. Nakita ko na si Ulysses ang tumatawag. Wala man lang akong reaksyon o kung ano akong naramdaman nang mabasa ang pangalan niya. Alam kong gusto ko siya siguro ay normal na lang itong nararamdaman ko dahil matagal na rin naman kaming magkakilala. Pipindutin ko na sana ang answer button nang kunin ni Jeremy sa’kin ang cellphone ko at kaagad niyang kinansel ang tawag. “Why did you do that?!” galit kong sambit sa kaniya. Sinulyapan niya ako at tinaasan pa ako ng isang kilay. Lumapit pa siya sa akin at habang lumalapit siya ay umaatras naman ako palayo sa kaniya. At sa aking pag-atras ay muntikan pa akong matumba at mabuti na lang naging maagap si Jeremy at mabilis niyang hinapit ang aking baywang kaya napayakap ako sa kaniya. Nanatili kami sa ganoong ayos at para akong tuod na hindi makagalaw at kapag gumalaw naman ako ay bigla na lang may gawin siyang pagsisisihan ko. “I don’t want you to talked any other guy in front of me, you’re breaking my heart.” Marahan akong napatingin sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya at hindi man lang ako sinulyapan. Binitawan na niya ako at kinuha ang kamay ko at iniabot ang aking telepono. Nakayuko lang siya at pagkuwa’y nag-angat siya nang tingin sa akin. Para bang naging ibang tao siya base na rin kung paano niya ako titigan. Hindi ko nakikita sa kaniya ang pagiging badboy niya na kalimitan kong napapansin. “S-sige k-kung wala ka nang sasabihin mauuna na ‘ko dahil may exam pa ‘ko.” Tinalikuran ko na siya pero hindi pa ako nakakalayo nang tawagin niya ako kaya naman napahinto ako sa paglalakad. “I will make them pay for what they did to you.” Hindi ko na siya sinulyapan pa at alam ko naman na wala na siyang magagawa pa dahil wala na rin naman dito ang mga taong tinutukoy niya. Habang nagmemeryenda kami ng mga kaibigan ko sa canteen ay nahahalata ko ang malilikot nilang mata kung tumitig sa akin na para bang may gusto silang sabihin. Pabagsak kong ibinaba ang baso ko pagkatapos kong uminom at humalukipkip pa sa kanila. “Ano ba Ellaine, Nina? Kanina pa kayo ganiyan ah. Parang may deperensya na ‘yang mata niyo eh.” May halong inis kong turan sa kanila. “Nanliligaw na ba talaga sa’yo si papa Jeremy?” Nanlaki pa ang nga mata ko sa tanong ni Ellaine dahil medyo malakas ang boses nito. Pinalo ko pa siya sa braso at nagpalinga-linga. “Puwede ba Ellaine hinaan mo nga ‘yang boses mo” “Kita mo na may relasyon na nga kayo eh. Kailan pa Madeline? Kailan mo pa tinatago sa’min ang bagay na ‘yan?” Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at napahilot sa aking sentido. “I knew it Mads! Kaya pala ganoon ka-interesedo sa’yo si papa Jeremy dahil love ka pala niya,” kinikilig namang saad ni Nina. “Sabi ko na nga ba noong unang magtagpo ang landas niyo sa coffee shop may something talaga sa kaniya” “Tumigil ka na nga Nina,” saway ko pa sa kaniya. “He’s maybe a badboy, pero Mads I can see through him that he likes you a lot.” Binalingan ko naman si Ellaine at seryoso siyang nakatitig sa’kin. Ewan ko ba kung ano ang pinakain ni Jeremy dito sa dalawang ito kung bakit pinagduduldulan nila ako roon. Kung alam lang nila kung paano painitin ng ipis na ‘yon ang ulo ko. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang eksena kanina sa loob ng library, nakaramdam na naman ako ng kung anong hindi ko maintindihan. Parang kinukuryente ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Uminom ako ng tubig at naubos ko pa ang laman noon dahil parang natuyuan ako ng laway sa aking lalamunan. “Anong nangyari sa’yo? Narinig mo lang na gusto ka ni Jeremy kinabahan ka namang bigla riyan Madeline.” Sinamaan ko nang tingin si Ellaine at sabay irap pa sa kaniya. “Paano na si papa Uly? Ikaw Madeline salawahan ka ah!” dagdag pa nito. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at isinukbit ko na ang aking bag. “Ewan ko sa inyong dalawa! Wala kayong kwenta kausap lalo niyo lang pinag-iinit ang ulo ko! At excuse me lang ah, wala pa sa kalingkingan ni Ulysses ko ang isang ipis na ‘yon.” Pagkasabi kong iyon ay tinalikuran ko na sila at narinig ko pa ang tawanan nila na halatang inaasar pa ako. Habang naglalakad ako palabas ng campus ay narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa screen ang text ni Ulysses. Napangiti naman ako at kaagad itong binasa. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” Huminto muna ako sa paglalakad at nagreply sa text niya. “Sorry nasa klase kasi ako eh.” Pagsisinungaling ko na lang at ang totoo ay dahil iyon kay Jeremy. “Ah ganoon ba? Sorry naistorbo kita kanina. Gusto lang kasi kitang makita, puwede ka ba mamaya namimiss na kasi kita eh.” Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at magrereply na sana ako ng biglang magpop-up ang text ni Jeremy. “Bakit ba palagi na lang sumusulpot ang ipis na ito?” wika ko sa aking sarili. Nagtipa ako ng mensahe at isinend naman ito kay Ulysses. Napatutop pa ako sa aking bibig na mapagtanto kong maling tao pala ang nareplyan ko. Aksidente ko palang nabuksan ang message ni Jeremy at ang nakakainis ay naka-oo pa ako sa kaniya. “Oh no! This can’t be!” Napasabunot pa ako sa aking buhok at magtetext pa ako sa kaniya nang tumawag na lang ito sa aking telepono. Hindi ko malaman kung sasagutin ko ba ito at ipapaliwanag na nagkamali lang ako ng reply sa kaniya. Huminga muna ako nang malalim at saka sinagot ang kaniyang tawag. “I think I got the wrong__” “See u later baby and I miss you more,” putol niya sa aking sasabihin. Napaawang na lang ako at naibaba ko ang cellphone ko. Tulala ako sa kawalan at hindi ko na mababawi pa kung ano ang nireply ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD