CHAPTER 10

3097 Words
Nakaupo ako sa aking kama at ang dalawang kamay ko naman ay mariing nakahawak sa aking ulo. Kinuha ko sa side table ang cellphone ko at muling binasa ang text ni Jeremy. Malakas akong nagpakawala nang malakas na buntong hininga at pabagsak na humiga sa aking malawak na kama. Nagpapadyak pa ako sa ere at saka dumapa at isinubsob ko pa ang aking mukha sa unan. Maya-maya pa’y nagring naman ang aking telepono, hindi ko ito pinansin at tiyak na si Jeremy lang ang tumatawag. Nang mahinto ito sa pagtunog ay doon ko lang ito tiningnan at mabilis pa akong napatayo sa pagkakadapa nang mabasa kung sino ang tumatawag. “Oh my God” Napatutop ako sa aking bibig at kaagad na tinawagan si Ulysses. “Hello Mads, akala ko hindi mo na ako naaalala eh,” kaagad na bungad nito at may halong pagtatampo sa boses nito. “Sorry Jere__” Napahinto akong bigla at muntikan ko nang mabanggit ang pangalan ng ipis na ‘yon. Bakit ba kasi pati sa isip ko bigla-bigla na lang siyang sumusulpot? Ayokong makaramdam ng kung ano sa kaniya at ang atensyon ko lang ay dapat na kay Ulysses. Hindi ko siya gusto at kailanman hindi ko siya gugustuhin. Gagawa ako ng paraan para lang tigilan na niya ako at mawalan na siya ng interes sa’kin. “What is it Madeline? May inaasahan ka bang ibang tatawag sa’yo?” Napakagat labi na lang ako sa sinabi ni Ulysses. “I mean Ulysses, wala naman akong ibang hinihintay may pinapanood kasi ako kanina lang kaya iba ang nasabi ko,” pagdadahilan ko na lang sa kaniya. “By the way puwede ka ba tonight? Hindi ka na kasi sumagot kanina eh. Pero kung hindi ka naman puwede okay lang din I know that you’re busy lately.” “Hindi okay lang! Wala rin naman akong ibang gagawin. At saka sorry kung hindi ako nakareply sa’yo kanina ah may nangyari lang kasi eh.” Ang totoo niyan ay kay Jeremy ko naisend ang reply ko kaya hindi na ako nag-atubili pa siyang replyan dahil sa kagagahan ko. Bahalang maghintay si Jeremy mamaya sa wala at baka dahil doon ay tuluyan na niya akong tigilan. Lihim naman akong napangiti sa binabalak ko dahil kapag nangyari iyon ay makakahinga na ako nang maluwag. “Okay sige Mads kita na lang tayo mamaya itetext ko na lang sa’yo mamaya kung saang lugar tayo magkikita.” Pagkatapos naming mag-usap ay abot tainga naman ang ngiti ko dahil sa tuwa. Napahawak pa ako sa aking pisngi dahil pakiramdam ko ay namumula na ako at parang sasabog ang puso ko sa tuwa. Hindi man niya exact sinabi na magdedate kami pero nararamdaman ko na iyon ang ibig niyang sabihin. “Aba mukhang kilig na kilig ang bruha!” Napatingin ako sa may pintuan at nakasandal naman si Ellaine sa hamba at naka-krus pa ang mga braso. Hindi ko napansin ang pagdating niya dahil si Ulysses ang kanina’y iniisip ko. Lumapit siya sa akin at naupo naman sa aking tabi. Pinanliitan niya pa ako ng mga mata at pabirong inirapan ko naman siya. “What are you doing here Ellaine? I’m busy” “Anong busy ka riyan? Kita mo nga ‘yang itsura mo para kang kumain ng sili sa pula!” Hinawakan ko pa ang dalawang pisngi ko at muli siyang binalingan. “Bakit ka ba kasi nandito?” Iritable kong wika sa kaniya. “Wala kasi akong magawa sa bahay eh. Sina mommy at dadddy naman as usual busy sa mga negosyo nila hindi na nga yata nila alam na may anak pa sila eh.” Nakayuko siya habang sinasabi iyon pero nararamdaman ko sa kaniya na malungkot siya at naghahanap nang kalinga ng isang magulang. Madalas nilang sabihin sa’kin na napaka-suwerte ko raw sa mga magulang, despite of their busy schedule ay nagkakaroon pa rin sila ng time sa aming magkakapatid. Kaya naman napalapit na rin si Ellaine kay mommy at daddy dahil sa kanila niya nahanap ang oras at panahon na dapat ay magulang niya ang nagbibigay noon. “Ellaine” “Okay lang ako Mads ano ka ba?! Alam ko na kung ano ang iniisip mo.” Tipid siyang ngumiti sa akin at ganoon din ako. “Namimiss ko na ‘yong luto ni Tita Macelyn, kailan ba sila uuwi? Saka excited na ‘ko s birth__” Natigilan siyang bigla at taka ko naman siyang tinitigan. “Ano ‘yon Ellaine?” “Excited lang kasi ako sa birthday mo dahil matitikman ko na naman iyong masasarap na luto ni Tita Mace,” masayang wika niya. Napangiti pa ako at kinurot siya sa kaniyang pisngi. Tumayo naman ako at natungo sa aking walk-in closet at naghanap ng masusuot para sa date namin ni Ulysses. Alam kong sinundan ako ni Ellaine at saka pumihit ako sa kaniya paharap hawak ang isang white dress na off shoulder. “What do you think Ellaine?” Idinikit ko pa ito sa aking katawan at sinuri naman niya ito. Lumapit siya sa akin at kinuha ang damit ko saka niya ibinalik ito kung saan ko kinuha. Napamaang na lang ako at hinarap niya ako ng naka-krus ang mga braso at saka inismiran. “Don’t get too excited Mads, hindi pa naman nagtatapat sa’yo si Ulysses eh” “I know Ellaine, saka I think hinihintay niya lang na mag-eighteen ako saka siya magtatapat sa’kin.” Malapad akong ngumiti sa kaniya pero parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Tulungan mo na lang kasi akong maghanap ng isusuot ko” “Why don’t you give him a chance to prove himself that he’s serious to you?” “Ellaine, matagal ko ng alam ‘yan ‘no! He’s serious and I can feel it,” nakangiti ko pang sambit sa kaniya. “It’s not Ulysses Mads, its Jeremy.” Pinandilatan ko siya ng mata at wala man lang sa itsura niya ang nagbibiro. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nitong babaeng ito kung bakit parang mas boto pa siya kay Jeremy kaysa kay Ulysses na matagal na naming kilala? Hindi kaya ginamitan siya nito ng gayuma kaya ganoon na lang niya i-build-up sa’kin ang ipis na ‘yon? Sinamaan ko nang tingin si Ellaine ngunit hindi man lang ito natinag. Umupo ako sa stool at hinihintay ang kaniyang paliwanag, ngunit wala akong narinig ano mang salita sa kaniya kaya ako na ang nagtanong. “Are you serious? Hindi mo pa nga lubos na kilala ‘yong tao tapos sasabihin mong bigyan ko siya ng chance? Alam mo naman na kilala siyang playboy at masama ang ugali eh” “Ikaw ba kilala na mo na talaga siya ng lubos kaya mo nasasabi ang mga bagay na ‘yan?” Natahimik ako sa kaniyang sinabi at umiwas na lang sa kaniya nang tingin. “Mads, I really don’t know him pero wala tayong karapatang i-judge siya. Try to get along with him para mas makilala mo pa siya” “I don’t know Ellaine basta ayoko sa kaniya! Naiirita ako sa kaniya kapag nakikita ko siya, umiinit lalo ang ulo ko kapag nasa paligid siya at lalong-lalo na pinapakaba lang niya ako dahil baka may makakita sa’min at ayokong mangyari ‘yon dahil ginugulo lang niya ang utak ko.” Pagkasabi kong iyon ay napahilot na lang ako sa aking sentido at pagbaling ko kay Ellaine ay mahina na siyang tumatawa na ikinataka ko. “Are you laughing at me Ellaine?” Tumikhim muna siya at saka ako hinarap. “I think unti-unti mo na siyang nagugustuhan” “What?!” sigaw ko sa kaniya. “Sige lang Mads pigilan mo ‘yang nararamdaman mo ikaw rin.” Magsasalita pa sana ako nang mabilis siyang tumalikod. Napatingala na lang ako at sunod-sunod naman ang aking pagbuntong-hininga. Alam ko sa sarili ko kung sino ang gusto ko. Siguro na-aattract lang ako kay Jeremy tulad ng mga ibang babae pero hanggang doon lang ‘yon. Sisiguraduhin kong titigilan na niya ako oras na hindi ako sumipot mamaya. Isinuot ko na lang palda kong maong na hindi kaiklian at tinernuhan ko ng checkered na off shoulder na kulay asul. Sinuri ko ang sarili ko sa salamin at lihim na lang akong napangiti. Kaagad kong isinukbit ang maliit kong bag at lumabas na sa aking kuwarto. Naabutan ko namang nakahiga sa sala namin si Ellaine at kasama nito ang kambal na si Mavi at Margaux at kasalukuyan silang nanunuod ng movie. Napalabi na lang ako dahil mukhang abala sila sa kanilang panunuod at hindi man lang ako pinapansin ng mga ito. “I’m going!” sigaw ko sa mga ito. Sabay pa silang tatlong tumingin sa’kin at tumango at saka muling tinutukan ang kanilang pinapanuod. Napamaang na lang ako at umirap sa ere at padabog na lumabas ng bahay. Hindi na ako nagpahatid sa driver namin dahil baka matagalan ako at mainip lang siya sa kakahintay sa’kin. Pumara ako ng taxi at sinabi ko ang lugar kung saan kami magkikita ni Ulysses. Bente minutos lang ay nakarating ako kaagad sa lugar. Namangha ako dahil sa ganda ng lugar at maraming ilaw ang nakapaligid dito. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin si Ulysses kung saan siya naka-puwesto. Mukhang napaaga pa yata ako ng dating at nagpasya na lang muna akong maglibot-libot at mas lalo akong namangha noong makita kong may bandang kumakanta. Sandali ko silang pinanood at pinakinggan ang kanilang kinakanta. Naalala ko na sumasali ako noon sa contest sa school at nananalo rin naman. Nahinto lang ako sa pagkanta ko dahil may nangyari sa’kin na hindi inaasahan. Nagkaroon ako ng phobia noon dahilan ng paghinto ko sa pagkanta at simula noon ay hindi na ulit ako sumubok pa na kumanta. “Gusto mong kumanta?” Mabilis akong napalingon sa aking likuran at nakita ko si Ulysses na matamang nakatingin sa’kin at nakangiti. He’s wearing a plain black T-shirt and faded jeans. I was stunned every time I looked at him and he smiled at me. I held my chest but it was not like before, when I see him my heart beats faster. Lumapit siya sa akin at sandali akong tinitigan at pagkuwa’y humarap siya sa bandang kumakanta. “I want to hear you sing again Madie.” Nakaramdam ako nang lungkot ng sabihin niya iyon. Sila ng mga kaibigan ko ang saksi sa nangyari sa akin noon. Kaya gustuhin ko mang bumalik sa pagkanta ko ay mariin ko itong pinipigilan. “Ulysses__” “I understand Madie. Namimiss ko lang kasi ‘yong magandang boses mo eh.” Tumungo ako at maya-maya’y hinawakan niya ang isang kamay ko. Let’s go, alam kong gutom ka na kaya marami akong inorder para sa’yo” Namilog ang mga mata ko at pabiro ko pa siyang hinampas sa kaniyang braso. Mahina naman siyang tumawa at hinila na niya ako papunta sa lamesang inokupa niya. Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad naman kami at umupo sa malawak na bench sa ilalim ng malaking puno. Sandali akong pumikit at nilasap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking pisngi. Marahan akong nagmulat at napatingala sa kalangitan, kay gandang pagmasdan ng mga bituin sa langit na para bang isang christmas light sa kinang ng mga ito. “What do you think of me?” Napabaling ang tingin ko kay Ulysses na nakamasid din sa kalangitan. “Ahhm, w-what do you mean?” May halong kabang sabi ko sa kaniya. Bumaling siya sa’kin nang tingin at umayos pa siya sa kaniyang pagkakaupo. Inaalala ko na baka alam na niya na matagal na akong may gusto sa kaniya kaya bigla na lang niya ako niyaya na makipag-date sa kaniya. Nakaramdam ako bigla nang panlalamig dahil baka nga iyon ang isipin niya sa akin. “What I mean is, boyfriend material ba ‘ko?” Parang biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaniyang sinabi. Oh my gosh! This is it na ba? Magtatapat na ba siya sa’kin? Anong isasagot ko kung sakaling tanungin niya ako kung puwede ko siya maging boyfriend? Mga tanong ko sa aking isipan. Umiwas ako sa kaniya nang tingin dahil baka magka buhol-buhol pa ang salitang sasabihin ko sa kaniya at masabi ko na gustong-gusto ko siya matagal na. Ipinaypay ko pa ang kaliwang kamay ko na animo’y naiinitan ako kahit na mahangin naman dito. “Madie are you okay?” “H-ha?! Mabilis na baling ko sa kaniya. “Namumutla ka, may masakit ba sa’yo? Saka sinigurado ko naman na lahat ng inorder ko hindi bawal sa’yo,” may pag-aalalang saad niya. “I’m okay, hindi lang siguro ako natunawan. Paano ba naman kasi ang dami mong inorder pinilit ko tuloy ubusin sayang naman kung hindi mauubos ‘di ba?” Natawa na lang siya at ganoon din ako. Kung magtatapat siya sa’kin ngayon ay aaminin ko naman din sa kaniya na matagal na rin akong may pagtingin sa kaniya simula noong bata pa lang kami. Naalala ko naman ang sinabi ni Ellaine sa’kin na bigyan ko ng chance si Jeremy. Alam kong kinausap ito ni Jeremy at mukhang nagpanggap pa sa harap ng kaibigan ko na matino siya kahit naman hindi. Ano ba kasing pinakain ng ipis na ‘yon sa mga kaibigan ko bakit ganoon na lang ang pagkagusto nila sa taong iyon para sa’kin? Medyo malalim na rin sa gabi nang ihatid ako sa ni Ulysses sa bahay. Papasok na sana ako sa loob ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatingin ako sa kalsada at halos wala na rin namang tao sa labas, mabuti na lamang ay naihatid na kaagad ako ni Ulysses bago pa bumuhos ang ulan. Saktong pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko ang driver namin na tila hinihintay akong umuwi. Tiningnan ko ang wall clock at mag-aalas onse na pala ng gabi. “Mabuti naman hija at nakauwi ka na tatawagan na sana kita para sunduin eh” “Salamat po, pasensiya na po kayo kung pati kayo napuyat. Sige na po magpahinga na kayo” “O siya sige hija matulog ka na rin ha?” Tumango lang ako sa kaniya. Aakyat na sana ako nang marinig ko ang unti-unting malakas na pagbuhos ng ulan. Lumapit ako sa may bintana at pinagmasdan ang ulan. Napatutop ako sa aking bibig nang maalala na baka naghihintay sa akin si Jeremy. Kinuha ko ang telepono ko sa aking maliit na bag at tiningnan kung may message sa akin si Jeremy. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil ilang sunod-sunod na message ang natanggap ko sa kaniya. “Baby Madie where are you?” “Baby I’m already here” “I will wait for you to come here, I know you’re going” “Should I fetch you?” “It’s cold outside, but I’m willing to wait” “Sira talaga ang ulo mong ipis ka!” I try to call him him but his phone already turned off. Naisuklay ko na lang ang daliri ko sa aking buhok at palabas na ako ng bahay ng kumulog naman ng malakas kaya napasigaw ako dahil sa gulat at saka nawalan ng ilaw. “Hija, saan ka pupunta? Napalingon ako at nakita ko ang driver namin na may hawak na flash light. “M-manong puwede niyo po ba akong samahan?” “Saan hija? Saka malakas na rin ang ulan sa labas.” Naihilamos ko ang aking dalawang palad sa aking mukha at tumingin sa labas. Medyo lumalakas ang ulan at baka hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Jeremy. Kapag may masamang nangyari sa kaniya ay ako pa ang may kasalanan dahil hindi ko siya sinipot. Nakakainis naman kasi ang ipis na ‘yon! Malinaw naman na hindi ako sisipot dahil ilang oras na rin naman siyang naghihintay sa’kin. Pero gusto ko pa rin makasiguro kung nakauwi na ba siya sa kanila. Wala na ring nagawa ang driver namin kun’di samahan ako sa lugar kung saan dapat kami magkikita ni Jeremy. Nang makarating na kami sa lugar ay kaagad akong bumaba at hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Halos wala na ring tao sa restaurant at mukhang kanina pa ito sarado. Nagpalinga-linga pa ako dahil baka nasa paligid lang si Jeremy at sumilong lang dito sa malapit, pero wala na ring tao rito sa paligid. “Hija! Magpayong ka baka ikaw naman ang magkasakit.” Kaagad niya akong nilapitan na may dala ng payong at pinayungan ako. “Tara na po manong mukhang wala na siya rito.” Parang nakaramdam naman ako ng lungkot ng hindi ko siya makita pero ayos na rin naman na wala na siya dahil alam na rin naman niya na hindi na ako darating pa. Maaga pa lang ay nasa school na ako dahil alas-siyete ang first subject ko. Mabibigat ang mga hakbang ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa classroom ko. Medyo masasakit ang katawan ko at inuubo rin ako dahil sa pagsugod ko sa ulan kagabi. Napahawak na lang ako sa pader dahil nakaramdam ako ng hilo at para bang matutumba ako oras na humakbang pa ulit ako. “Madeline!” Napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa’kin at nakita kong papalapit si Jeremy sa kinaroroonan ko. Malayo pa lang ay kita ko na ang malapad na ngiti niya na ikinagulat ko. Hindi na nga ako sumipot sa date namin pero bakit mukhang masaya pa siya nang makita niya ako? Expected ko na magagalit siya at hindi na niya ako kakausapin pa pero bakit parang natuwa pa siya? Mas lalo kong ikinagulat nang yakapin niya ako. Hindi ako makagalaw at para bang naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Gustuhin ko man siyang itulak pero wala akong lakas na gawin iyon dahil nanghihina ako. Unti-unti siyang kumalas sa’kin nang pagkakayakap at pagkuwa’y hinawakan ang aking noo. “You’re burning baby” “I’m okay, I have to go.” Hinawakan niya pa ako sa aking braso kaya napatingala ako sa kaniya. Tumingin ako sa paligid at kita ko ang mga estudyante sa aming paligid at alam kong pinag-uusapan kami. “Jeremy please?” “I don’t care what others think, you’re sick Madeline. I’m sorry if I left that place so you can see me more easily” “A-ano?” Napatitig ako sa kaniya at hindi ko akalain na nandoon lang pala siya sa tabi-tabi at hinihintay pa rin ako. Unti-unti na akong nahihilo at medyo lumalabo na rin ang aking paningin. Napakapit na lang ako sa kaniyang braso at tuluyan nang nawalan ng malay at naramdaman ko na lang na kaagad niya akong binuhat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD