Marahan kong iminulat ang mga mata ko at medyo nanlalabo ang aking paningin kaya muli akong pumikit. Ilang segundo pa ang lumipas at muli akong nagmulat. Nakita ko ang dalawa kong kaibigan na nasa aking harapan at matamang nag-uusap.
Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto ko na nasa clinic ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari at ang naaalala ko lang ay magkausap kami ni Jeremy at saka ako nawalan nang malay.
Dahan-dahan naman akong bumangon at napansin naman ito ng dalawa kong kaibigan at kaagad silang lumapit sa akin.
“Hey Mads are you okay? May masakit ba sa’yo?” Pagkasabing iyon ni Ellaine ay hinawakan naman niya ang aking noo. “Mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo”
“What happened?” Mahinang wika ko at medyo nakakaramdam pa ako nang panghihina.
“Dinala ka ni Jeremy rito sa clinic dahil bigla ka na lang nawalan nang malay at ang taas ng lagnat mo kanina. Bakit ba kasi pumasok ka pa alam mo namang may sakit ka?” Sermon naman sa’kin ni Nina na naka-krus pa ang mga braso.
Napapikit na lang ako at sigurado akong nakita iyon ng mga estudyante rito. Bakit pa kasi pinuntahan ko pa siya ayan tuloy pinahamak ko na naman ang sarili ko.
“Ahhm, Ellaine, Nina__”
“You don’t have to explain Mads, we understand you.” Napamaang ako dahil iba ang ngiting iyon ni Ellaine matapos niyang sabihin sa’kin iyon.
“Oh heto kainin mo raw ito sabi ng baby mo at huwag daw ang hindi,” sabay abot naman sa’kin ni Nina ng isang paper bag ng pagkain.
“Sinong baby?”
“Sino pa ba? E ‘di ‘yong knight in shining armor mo!” Napataas ang isang kilay ko at tila kilig na kilig naman ang mga loko kong kaibigan.
Hinanap ko naman ang cellphone ko at nagpadala ng message sa kaniya. Natigilan muna ako at nagdadalawang isip dahil baka bigyan niya pa ng kahulugan ang sasabihin ko sa kaniya.
“Thank you for the food. Don’t get it wrong, tumatanaw lang ako ng utang na loob”
“Wow! Talaga ba?” Napapitlag ako nang magsalita sa aking likuran si Nina.
Lihim akong napairap dahil nabasa niya ang message ko kay Jeremy at tiyak iba ang iisipin nitong loko kong kaibigan. Ayaw ko namang sabihin ni Jeremy na wala akong manners at wala akong utang na loob.
“Puwede ba Nina__”
“Huwag ka ng magdeny pa Mads my friend, tulak ng bibig kabig ng dibdib ka naman eh.” Napabuga na lang ako sa hangin at magsasalita na sana ako ng biglang dumating naman ang kapatid kong si Jk.
Kaagad siyang lumapit sa’kin at hinawakan ang aking noo. Kita ko sa itsura niya ang pag-aalala, kahit na may pagka masungit ang kambal ko at naiiba ang ugali sa’kin ay nararamdaman ko naman ang pagigjng kuya niya pagdating sa’kin at pati na rin sa mga kapatid ko.
“Thanks god you’re okay now.” Inililis naman niya ang suot kong long sleeve at tiningnan ang dalawang braso ko. “I thought you have an allergy attack that’s why you got sick”
“Jk I’m okay, nagkaroon lang ako ng konting lagnat”
“Bakit kasi sumugod ka pa sa ulan kagabi? Sino bang pinuntahan mo?” Hindi ako nakapagsalitang kaagad at napatingin ako kay Ellaine at Nina na nasa likod lang ni Jk.
“Ah, ano kasi Jk may bibilhin lang kasi ako kaya nagyaya muna ako kay manong na kung puwede niya akong ipagdrive,” kagat labi kong saad sa kaniya.
Alam kong hindi basta maniniwala si Jk dahil alam niyang nagsisinungaling ako. Tiningnan ko siya ng deretso para kahit papaano ay hindi niya ako paghinalaan pa. Binalingan naman niya ang isang paper bag ng pagkain na nasa aking tabi at pagkuwa’y binuksan niya ito.
“f**k,” mahinang mura niya.
Napakunot ako ng noo dahil galing iyon kay Jeremy at baka may nakita siyang ikinagalit ng kapatid ko kaya kaagad ko itong kinuha sa kaniya at tiningnan ang laman ng paper bag.
Napapikit na lang ako dahil ang binili niya palang pagkain ay bawal lahat sa’kin.
“What is it Madeline?” tanong ni Ellaine na may halong pagtataka.
“Bakit niyo binilhan si Madeline ng Bacon with cheese alam niyo namang bawal sa kaniya ang cheese lalo na ang seafoods?!” galit nitong sambit sa dalawa.
Kaagad na kinuha ni Ellaine ang paper bag at tiningnan ito. Dinig ko ang mahina niyang mura at napatapik pa ito sa kaniyang noo.
“Sorry Jk hindi ko alam na ito pala ang binigay nong tindera pero hindi naman ito ang inorder ko eh. Nagmamadali rin kasi kami ni Nina dahil baka biglang magising si Mads kaya hindi ko na rin tiningnan ‘yong laman ng paper bag.” Napatulala na lang ako sa sinabing iyon ni Ellaine at sumenyas pa ito na huwag akong maingay.
Hindi ko maintindihan kung bakit nila pinagtakpan si Jeremy at hindi nito sinabi ang totoo. Masyado naman yatang malakas ang karisma ng ipis na ‘yon sa mga kaibigan ko at pinagtakpan pa siya.
“Kukunin ko na ‘to at bibilhan ko na lang si Madel ng pagkain,” sabay kuha niya ng paper bag na hawak ni Ellaine. “Siyanga pala Madel, why you didn’t tell me that you’re gonna be the muse of team Mad Tigers?” nakakunot na wika ng kambal ko sa’kin.
“Mad Tigers?” taka kong tanong sa kaniya. Naalala ko na kinuha nga pala ako ng team ni Jeremy na maging muse nila at isa rin si Jk sa kasama sa isang basketball team pero hindi nila ito kagrupo. “Ah, o-oo k-kinuha kasi ako ni..ni..ni,” sabay kamot ko sa aking ulo dahil hindi ko matandaan ang pangalan ng lalaking kagrupo nila.
“Jeremy right?”
“H-ha?” Kita ko sa mukha ng kapatid ko ang dissappointment at alam kong inis na siya.
Wala na rin naman akong magagawa dahil naka-oo na ‘ko ng hindi ko naman talaga gusto. Malamang niyan ay sesermonan niya ako pagdating sa bahay at baka isumbong pa ako kina mommy at daddy.
“Ahhm, Jk__”
“It’s okay!” Putol ni Jk sa sasabihin ni Nina. “You’re not a kid anymore Madel. Make sure that you choose the right for you.” Tumayo na siya at lalabas na ng clinic nang tawagin ko siya.
“Hoy Jk! Anong ibig mong sabihin?” Lumingon siya sa’kin at walang emosyon niya akong tinitigan.
Ganoon naman siya palagi laging seryoso kaya siguro hindi pa nagkaka girlfriend dahil boring siya. Pero infairness daming mga asong gala ang nagkakagusto sa kaniya rito sa school kahit na ubod ng sungit ng kakambal ko.
“Don’t me Madel, I’m your twin brother.” Iyon lang ang sinabi niya at tuluyan nang lumabas ng clinic.
Naiwan naman akong tulala at hindi pa rin maisip ang sinabi niya sa’kin. Tumabi naman sa’kin si Ellaine at mahinang tinapik ang aking balikat kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.
“Matalino ka Mads pero hindi mo alam ang ibig sabihin ng kapatid mo, tsk tsk tsk! Pigilan mo pa Mads hanggang sa marealize mo na siya pala ang the one for you”
“Tigilan mo ‘ko Ellaine ah! Kahit may sakit ako babatukan talaga kita.” May halong inis kong saad.
Sanay na naman ako sa pang-aalaska ng mga kaibigan ko noon pa. Pero pagdating kay Jeremy ay hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa tuwing aasarin nila ako sa ipis na ‘yon at sumabay pa ang kakambal ko.
Dahil sa bilin ng nurse na kailangan ko raw munang magpahinga ay napilitan akong umuwi sa bahay. Nakaupo ako sa kama ko at nagbabasa ng paborito kong libro nang pumasok naman si daddy. Napangiti ako dahil nakauwi na sila ni mommy galing sa ibang bansa.
Kaagad niya akong dinalohan at mahigpit ko naman siyang niyakap. I missed him, and I’m totally a daddys girl.
“Okay na ba ang baby ko?” Kunwa’y napasimangot ako dahil sa tawag niya sa’kin.
“Dad, don’t call me that. I’m not a baby anymore. Sina Mavi at Margaux na lang ang tawagin mong baby.” Natawa naman siya at ginulo pa ang aking buhok.
“Kahit anong mangyari kayo pa rin ang baby ko sa ayaw at sa gusto niyo. Walang ibang puwedeng tumawag sa inyo niyan kun’di ako lang.” Natahimik akong bigla dahil naalala ko kung paano akong tawagin ni Jeremy ng baby.
Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Kita ko ang pagtataka ni daddy dahil sa tinuran ko at pasimple na lang akong ngumiti sa kaniya. Pinanliitan niya pa ako ng mata kaya bigla akong kinabahan.
“Daddy, why you’re looking at me like that?”
“May umaaligid na ba sa baby ko?”
“Dad naman!”
“I know that you’re at the right age anak. Pero I want to meet my babys’ first love.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni daddy at parang biglang nagningning ang mga mata ko.
Ibig sabihin nito ay puwede ko nang ipakilala si Ulysses sa kaniya kung sakali mang magtapat na siya mismo sa’kin. Alam kong pagsapit ng eighteenth birthday ko ay sasabihin na niya sa’kin ang gusto niyang sabihin at siguro naman ay titigilan na rin ako ni Jeremy sa pangungulit niya sa’kin araw-araw.
“You mean dad?” Tumango lang siya at bigla na lang akong napayakap sa kaniya.
Sa sobrang tuwa ko ay pinupog ko pa nang halik si daddy sa kaniyang pisngi.
“You really liked him than you like your dad huh”
“Of course not dad! Syempre ikaw pa rin ang first love ko at hinding-hindi kita ipagpapalit”
“Promise?”
“I promise dad, I loved you more than anything.” Niyakap ko siya nang mahigpit pagkasabi kong iyon.
“You love your dad than your mom?” Napalingon kaming pareho at nakita namin si mommy na nakasandal sa hamba ng pintuan.
Lumapit siya sa’min at hinalikan ako sa aking noo. Ngumuso pa siya at kunwa’y nagtatampo pa nang tumingin sa’kin.
“Uy, si mommy nagtatampo. Pareho ko kayong mahal at gusto ko kapag nagka-asawa na ‘ko parati pa rin kayong nasa tabi ko”
“Bakit asawa agad?” nakakunot namang saad ni daddy.
“Babe, ‘wag kang oa diyan! Syempre hindi pa naman ngayon right Madel?” Natawa na lang ako dahil sa reaksyon nilang dalawa.
I’m so blessed to have a parents like them at wala na akong mahihiling pa. Siguro nga ay natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko habang buhay at mamahalin din ako like my dad to my mom.
“Madeline! Hoy pansinin mo naman kami!” Napalingon ako dahil sa lakas nang sigaw ni Nina.
Tinanggal ko ang air pods ko at hinarap sila. Nang makalapit naman sila ay habol nila ang kanilang paghinga at sinamaan pa ‘ko nang tingin.
“Bakit?” tanong ko at palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
“Anong bakit? ‘di ba ngayon ka magmumuse sa team nila Jeremy?” hinihingal na sambit ni Ellaine sa’kin.
Napatapik na lang ako sa aking noo dahil nakalimutan ko na ngayon nga pala ang araw na ‘yon. Hindi rin naman ako nakapaghanda at isa pa wala rin akong isusuot kung sakali.
“Nakalimutan ko at saka hindi rin naman ako prepared at walang isusuot”
“Alam kong mangyayari ‘yan kaya nga dinalhan ka namin ng damit para isuot mo eh.” Kinindatan pa ako ni Nina at inilabas niya ang damit sa kaniyang bag.
Muntikan na akong mapamura dahil sa klase ng damit na ipapasuot nila sa’kin. Maikling palda short na kulay pula na tinernuhan ng crop top at de-tali lang sa likod. Hinablot ko ito sa kaniya at tiningnan kung nagkakamali lang ako nang tingin.
“Are you sure that I’m going to wear this kind of clothes?” Nakamulagat kong wika sa kanila.
“Anong gusto mong isuot pang muslim na outfit? Iyong tipong balot na balot at mata lang ‘yong kita?” sagot ni Ellaine.
“Hindi naman sa ganoon, sana man lang iyong tipong hindi kinulang sa tela ang kinuha niyo. Parang ang labas ko nito nagtatrabaho sa bar eh.” Ibinigay ko kay Nina ang damit at tinalikuran sila.
Kaagad namang humarang ang dalawa at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. Nagulat na lang ako nang kaladkarin nila ako at dinala sa isang bakanteng silid. Iniupo nila ako at sinimulan nang ilabas ni Ellaine ang mga make-up niya.
“Teka bakit kailangan may make-up pa? Puwede namang wala ah!” sigaw ko sa dalawa.
“Naku Mads tumahimik ka na nga lang at kami na ni Ellaine ang bahala sa’yo. Don’t worry we will make you more beautiful at ikaw ang mananalo.” Wala na akong nagawa pa at hinayaan ko na lang ang dalawang kaibigan ko.
Nang matapos na sila ay pinasuot naman sa’kin ang damit na gagamitin ko. Kahit ayaw ko ay sinuot ko na rin tutal ay isang beses ko namang gagawin ito at sisiguraduhin kong huli na ito.
“My god Mads ang ganda mo! Sigurado ako lalong mababaliw sa’yo si papa Jeremy.” Pumalakpak pa sa ere si Nina at nag-appear pa ang dalawang loka kong kaibigan.
“Kung hindi ko lang talaga kayo kaibigan sa tingin niyo ba mapapasuot niyo ‘ko ng ganito?” Inis kong turan sa kanila at pilit kong ibinababa ang suot kong damit na halos kita na ang pusod ko.
“Huwag ka na magreklamo riyan, magkakaroon ka na naman ng boyfriend eh.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig kay Ellaine at tumawa pa ito.
“Hindi si Jeremy ‘yon!”
“Huwag ka magsalita nang tapos Madeline my friend, nararamdaman namin na si Jeremy talaga ang tinitibok ng puso mo,” gatong naman ni Nina.
Kung ibang tao lang talaga ang kausap ko baka kanina ko pa sila sinabunutan sa inis.
Para matapos na ang pang-aasar nila ay nauna na akong lumabas ng classroom at sumunod na rin sila.
Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante sa’kin bawat madaanan ko. Ang iba ay naririnig ko pang sumipol pero deretso lang ako sa paglalakad papunta sa gym at hindi na lang ito pinansin.
Pagkapasok namin sa loob ng gym ay hinanap ko kaagad ang team nila Jeremy. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya dahil nasa akin lahat ang atensyon ng mga tao na naririto.
“Diyos ko parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko, hindi ko na kaya ang mga titig ng mga tao na naririto,” wika ko sa aking isipan.
Nakita ko pa ang kambal ko sa ‘di kalayuan na titig na titig sa’kin at tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Paniguradong lagot ako nito pag-uwi ko ng bahay.
Naramdaman ko na lang na may naglagay ng jacket sa aking katawan kaya napatingala ako kung sino iyon. Napatulala ako nang makita si Jeremy. Bagsak na bagsak ang buhok nito at deretso lang ang tingin nito kaya pansin ko kung gaano katangos din ang ilong niya.
Ang mga labi niya na animo’y naglagay ng lipstick dahil sa natural na pula nito.
Kung ikukumpara ko si Ulysses at Jeremy ay sadyang malakas ang dating ni Jeremy kaysa kay Ulysses pero kung sa ugali naman ay mas matimbang si Ulysses at iyon ang nagustuhan ko sa kaniya.
Bumaling ang tingin niya sa’kin at nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero parang ayoko nang alisin ang mga tingin ko sa kaniya na para bang hinihipnotismo ako.
“Wear this, I don’t want you to show too much skin baka mapaaway ako,” bulong niya sa’kin.
Nagpakurap-kurap ako at kaagad akong umiwas sa kaniya nang tingin. Sa tuwing susulpot na lang siya ay parating bumibilis ang t***k ng puso ko. Pero hindi, hindi ito totoo wala akong nararamdaman na kung ano sa kaniya.
Tumingin pa ako sa aking likuran pero wala na roon sina Nina at Ellaine. Nakita ko na nasa audience na pala sila at kumaway pa sa akin.
“Let’s go.” Hinila na ako ni Jeremy at dinala kung nasaan ang mga kagrupo niya.
Dinig ko ang mga palatak ng mga kasama niya kaya napahigpit ang kapit ko sa kaniyang kamay. Kita ko ang titig niya kahit hindi ako nakatingin sa kaniya.
“Keep your eyes away from her. You all make her uncomfortable,” sermon nito sa mga team mates niya.
Doon lang ako napatingin sa kaniya at seryoso lang siyang nakatingin sa harap.
Ngayon ko lang napansin na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang kamay ko at pinagsiklop niya pa ito. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko nang higpitan niya pa ang hawak dito at tiningala ko naman siya.
“Jeremy,” mariing tawag ko sa kaniya at nagpalinga-linga pa ako dahil baka pinagtitinginan na kami rito.
“Don’t you dare remove your hand if you don’t want me to do something you don’t like”
“Pinagbabantaan mo ba ako?”
“Something like that baby.” Kumindat pa ito sa’kin at muling itinuon ang atensyon niya sa harap.
Napabuntong hininga na lang ako at wala nang nagawa pa. Nagsimula na rin ang program at isa-isa kaming tinawag sa harapan. Pinagdadasal ko na sana ay matapos na ito dahil kanina pa nangangatog ang tuhod ko sa kaba. Sanay naman akong humarap sa ganitong competition pero hindi sa ganitong klase. Simula noong tumigil ako sa pagkanta ay hindi na ako muling humarap pa sa maraming tao tulad nito.
Isa-isa kaming rarampa sa harapan at lalo naman akong kinabahan dahil ito ang unang beses na gagawin ko. Bigla namang sumagi sa isip ko ang mga tinuro sa’kin ni Mama Tin noong bata pa ako kung paano rumampa ang isang modelo. Pangarap ko kasi noon pa na maging isang model kagaya niya at magkaroon ng sariling negosyo tulad ni Mama Tin. Naisip ko na kung ordinaryong lakad lang ang gagawin ko ay tatawanan lang ako at hindi ang team ni Jeremy ang mapapahiya kun’di ako na rin.
Nang ako na ang susunod ay huminga muna ako nang malalim at pinahupa ang aking kaba na kanina ko pa nararamdaman. Sinimulan ko nang rumampa at mabuti na lang ay hindi ko pa nakakalimutan ang mga tinuro sa’kin ni Mama Tin kahit na ilang taon pa lamang ako noon.
Isang malupit na ikot ang ginawa ko na tanging kami lamang ni Mama Tin ang nakakaalam noon. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ‘yon pero masaya ako dahil hindi ako nagkamali sa unang pagsubok ko.
“That’s our Madeline!” dinig kong sigaw ng mga kaibigan ko na nakaupo lang sa harapan kaya madali ko silang nakita.
Malalakas na hiyawan naman ng mga estudyante pagkatapos kong rumampa at bumalik na ako kung saan kami nakapuwesto.
“That’s my baby.” Mabilis akong napatingin kay Jeremy at kita ko ang ngiti niya sa mga labi.
Mahina ko pang sinuntok ang dibdib ko na para bang nabilaukan ako dahil ayokong maramdaman ang hindi dapat. Muling nagsalita ang emcee at doon ko na lang itinuon ang atensyon ako.
“Okay, before we announce whose the best muse syempre dapat ipakita muna nila ang talent nila.” Parang biglang nanghina ako nang sabihin iyon ng emcee.
Biglang bumalik ang nakaraan ko at dahil doon ay nagka-trauma ako. Sinulyapan ko si Jeremy at nagtaka ako dahil sa nakita kong reaksyon niya. Gulat siyang nakatingin sa emcee at pansin ko pa ang ilang paglunok niya. I don't know why he's acting like that, it' kinda weird pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Don't do it if you’re afraid." Marahan ko siyang sinulyapan at seryoso siyang nakatitig sa'kin.
Napansin niya siguro na medyo alangan ako at parang balisa kaya niya siguro nasabi 'yon. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin at bumalik ang kinakatakot ko kaya hindi na ako muli pang kumanta. Hindi ko inaasahan na ako ang unang tinawag ng emcee kaya mas tumindi ang kabog ng dibdib ko.
"Miss Mendes from the Mad Tigers where are you?" Muling tawag ng emcee ng hindi pa ako umaakyat ng stage.
Nang maglalakad na ako ay hinawakan ni Jeremy ang kaliwang kamay ko para pigilan ako. Nilingon ko siya at marahan naman siyang umiling sa'kin sign na huwag akong tumuloy.
"Why? Anong alam mo? Did Nina and Ellaine told you about what I'm afraid of?" Salitang gusto kong itanong sa kaniya.
Pero ito na yata ang oras para kalimutan ko ang takot ko five years ago. Umakyat ako sa stage at nanginginig kong hinawakan ang mic. In a while, I was able to hold a mic again after what happened before.
"You're gonna sing Ms. Mendes?" tanong sa'kin ng emcee.
Napadako ang tingin ko sa kakambal ko at kita ko ang gulat sa kaniyang mukha. Pilit akong ngumiti sa kaniya at bigla na lamang siyang humakbang patungo sa akin.
"Stop right there!" sigaw ko sa mic at huminto naman si Jk sa kaniyang paghakbang. Kita ko ang pagkagulat ng ilang mga estudyante rito dahil sa tinuran ko. "Yes, I'm going to sing an acapella," sagot ko sa emcee at nakatingin naman ako sa kapatid ko.
Huminga muna ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas ay sinimulan ko nang kumanta. Kinanta ko iyong una kong kinanta noong sumali ako sa singing competition.
When I think back on these times
And the dreams we left behind
I'll be glad 'cause I was blessed to get to have you in my life
When I look back on these days
I look and see your face
You were right there for me.
Habang kinakanta ko ang piyesang iyon ay nanatili lang akong nakapikit para hindi ako madistract at makita ang reaksyon ng mga tao rito. Isang tao ang naging dahilan kung bakit bigla akong naging ganito at kailanman ay hindi ko siya mapapatawad. Nilagay niya ako sa binggit ng kamatayan at mabuti na lang ay iniligtas ako ni Ulysses noong panahon na 'yon.
In my dreams, I'll always see you soar above the sky
In my heart, there'll always be a place for you for all my life
I'll keep a part of you with me
And everywhere I am, there you'll be
And everywhere I am, there you'll be
Cause I always saw you in my light, my strength
And I wanna thank you now for all the ways
You were right there for me (You were right there for me)
You were right there for me
For always
After that stanza, I tried to open my eyes and yet I saw her, the reason why I can't sing and the reason why I almost died then.
Napahinto ako sa pagkanta at nabitawan ko ang mic kaya umingay ito sa loob ng gym. Parang hindi ako makahinga at mahigpit akong napahawak sa aking dibdib. Naninikip ang dibdib ko at habol ko ang aking paghinga.
"Madeline!" dinig kong tawag ni Jk.
Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa magkabilang pisngi ko pero hindi mukha ni Jk ang tumambad sa'kin. Dumaloy ang luha ko sa aking pisngi at kita ko ang labis na pag-aalala niya. May biglang sumagi sa isip ko at ganito rin ang nangyari sa akin noon. This can't be, he's not the guy who save me. He's Ulysses, I know it's him dahil alam kong nakita ko ang mukha niya bago ako mawalan nang malay noon.
"Madeline just breath." Nakatulala lang ako sa kaniya at sinunod ko naman ang sinabi niya. Niyakap niya ako at wala siyang pakialam kahit na marami pa ang nakakakita sa amin. "Breath baby, it's okay I'm here."
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Those words the same Ulysses told me.