CHAPTER 12

3851 Words
After what happened earlier, I don't know what happened next. Jeremy took me out of the gym first and my two friends were with me. Inalalayan niya akong makaupo at inabot sa'kin ang isang bottled water. Tinitigan ko muna ito at parang wala akong lakas na kunin ito sa kaniya. Nang hindi ko pa ito kinukuha ay si Nina na ang kumuha nito sa kaniya at binigay sa'kin. Tumabi naman si Jeremy sa'kin at marahan niyang hinaplos ang isang kamay ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panginginig nito, napabaling ang tingin ko kay Jeremy at nakatitig lang siya sa kamay kong hawak niya. "You're safe now," bulong niya ngunit sa kamay ko pa rin siya nakatitig. "You?" tanging nasabi ko lang sa kaniya. Doon lang siya nag-angat nang tingin at wala ni isang salita akong narinig mula sa kaniya. Imposible! Hindi siya ang taong iyon. I didn't know him at that time and I just met him now but it seems like he has known me for a long time. "Madel." Sabay pa kaming apat na napalingon at papalapit naman sa kinaroroonan namin ang kakambal kong si Jk. "J-jk," saad ko nang makalapit na siya. "Let's talk," wika niya nang nakataas ang isang kilay sa’kin. "O-okay," nanginginig kong sagot sa kaniya. Tatayo na sana ako ng muli siyang magsalita. "Not you, I want to talk to Jeremy" Nagkatinginan pa kaming tatlo nila Ellaine at Nina at saka ko naman binalingan si Jeremy na matamang nakatingin din kay Jk. Kaagad siyang tumayo at nauna namang maglakad ang kapatid ko. "Stay here, I’ll be right back." Pagkasabi niyang iyon ay sumunod na rin siya kay Jk. Pinagmamasdan ko naman siya habang papalayo siya sa aming kinaroroonan at iniisip pa rin kung siya nga ba ang lalaking nakita ko noon. Hanggang sa hindi ko na siya makita ay nakatulala pa rin ako. "Mads, okay ka na ba?" Doon lang ako nagbalik sa huwisyo nang magsalita si Ellaine. Nakatayo siya sa aking harapan at tipid naman akong ngumiti sa kaniya. Tumayo ako at hinawakan ang dalawang kamay niya saka muling ngumiti na parang walang nangyari. "Magbabanyo lang ako, kailangan kong maghilamos para marefresh 'yong utak ko," mahinang sabi ko kay Ellaine. "Sasamahan ka namin ni Nina." Umiling ako sa kaniya at tinapik lang ang likod ng kaniyang palad. Tumalikod na ako at nagtungo sa banyo. Naging maayos naman ako, pakiramdam ko pagkatapos nang nangyari ay hindi ko maintindihan kung bakit nakita ko bigla ang babaeng iyon dahilan kung bakit ako nagdudusa ngayon. "So it's you?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang tila boses ng kapatid ko. Nakita ko sila sa 'di kalayuan sa'kin at si Jeremy naman ay nakasandal sa pader at seryosong nakatitig kay Jk. Mukha namang hindi mag-aaway ang dalawa at kilala ko naman ang kapatid ko, hindi siya basta-basta nang-aaway ng walang dahilan. Hindi sumagot si Jeremy at tumingin lang ito sa malayo. Gusto kong malaman kung siya ba talaga ang lalaking iyon at hindi si Ulysses. "It's you right?" muling tanong ng kapatid ko. Binalingan ni Jeremy si Jk at pagkuwa'y biglang napatingin sa'kin. Tila ba hinihintay ko kung ano ang isasagot niya at kung sakali mang siya ang lalaking nagligtas sa'kin ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. "I'm not. It's not me who save your sister." Muli niyang hinarap ang kapatid ko at tumango naman siya. Pero bakit ganoon? Bakit parang nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin niya na hindi siya 'yon? Ano ba kasi talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya? Inis pa ba ang nararamdaman ko o baka iba na at hindi na 'yon? “Do you like my sister?” Muling tanong ng kakambal ko. “Isn’t obvious? If you didn’t like me, that’s not my problem. As long as I’m here I’m gonna protect her no matter what” “What if she didn’t like you back? What would you do?” Matagal bago makasagot si Jeremy at muli niya akong sinulyapan. Ang lakas nang dagundong ng puso ko na para bang karera na gustong mauna sa finish line. Bakit ba kasi ganito? Bakit pati ang nararamdaman ko naguguluhan na rin kung gusto ko na ba si Jeremy o si Ulysses pa rin ang gusto ko. “I’ll do anything to win her heart,” saad niya nang balingan na niya ang kakambal ko. Wala na akong salitang narinig kay Jk at basta na lamang itong tumalikod. Nakayuko lang si Jeremy at ako naman ay tumalikod na rin. Saktong pagkapasok ko sa loob ng banyo ay biglang may nagsara nito at nagulat na lang ako nang isandal ako ni Jeremy sa likod ng pintuan. Idinikit pa nito ang sarili niya sa’kin at pinakatitigan ako. Halos pigil ang aking paghinga at hindi ako makasigaw, gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil parang napako na ako at hindi alam ang gagawin. “Are you disappointed?” panimula niya at hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso. “A-ano b-bang ibig mong sabihin?” kinakabahang sagot ko. “Because I’m not the one__” Hindi na niya tinuloy ang kaniyang sasabihin at marahan naman niyang hinaplos ang aking buhok. Am I disappointed? Dahil ba hindi siya ang lalaking iyon? Dapat nga ay matuwa pa ako dahil alam kong si Jeremy ang nagligtas sa akin noon at kung hindi dahil sa kaniya ay baka namatay na ako sa nerbiyos noon. “M-mabuti naman at hindi ko iniisip na ikaw ‘yon dahil napaka-imposible.” Umikot pa ang mata ko sa ere at nilagpasan siya. Maagap niyang hinawakan ang kamay ko kaya napahinto ako at marahan siyang nilingon. Hindi siya nakatingin sa’kin at tanging nasa baba ang kaniyang tingin. Naramdaman ko pa ang marahan niyang paghaplos sa aking kamay. Napaka-lambot nito na para bang kamay ng isang babae. Maganda ang hulma nito at mahahaba ang mga daliri. Ni minsan ay hindi ako tumingin sa katangian ng ibang lalaki dahil si Ulysses lang ang siyang tanging nagugustuhan ko. Maagap ko itong binawi at doon lamang siyang napatingin sa akin. Wala man lang siyang reaksyon at sadyang nakatitig lang sa akin. Napapamura na lang ako sa aking isipan dahil pakiramdam ko ay hindi na inis ang nararamdaman ko para sa kaniya. “What are you doing here anyway? This is a ladies restroom, you shouldn’t be here,” mahina ngunit mataray kong saad sa kaniya. “Are you sure you’re okay?” “You don’t have to worry Jeremy, I can take care of myself.” Nakatitig lang siya sa’kin at wari ko’y nag-aalala pa rin dahil sa nangyari. “I’m glad you’re okay. Let’s go, the program is about to begin.” Tatalikod na sana siya nang magsalita ako. “I think I’m not ready.” Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinagsiklop ito. Nanlaki pa ang mga mata ko nang hilahin na niya ako palabas ng banyo. “What do you think you’re doing Jeremy?” “When I’m here by your side you don’t have to worry anymore. I’m gonna protect what’s mine.” Napatulala na lang ako sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa gym at hindi ako nakapagsalita sa kaniyang sinabi. Hindi rin makapagproseso ng maayos ang utak ko at iniisip kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Masyadong matamis siyang magsalita at kapag nagpadala ako sa mga sinasabi niya ay talo ako. Kaya minabuti kong gumawa ng paraan ng ikaiiwas na lang niya at kusang ayawan ako. Nakabalik na kami sa loob ng gym at kahit hindi ako nakatingin sa mga tao rito sa paligid ay alam kong sa akin lahat sila nakatingin dahil na rin sa nangyari kanina. Nakita ko pa ang dalawang kaibigan ko na kumaway sa’kin at sumenyas pa sila na tila pinapalakas ang loob ko. Nag-umpisa na mag-announce ang emcee at isa-isa na niya tinawag ang nagwagi. Hindi namin nakuha ang best costume at popularity award pero wala naman sa’kin ‘yon at hindi ko na hinahangad pa ako manalo. “And now, the last award should be awarded by Miss Candy Llanera, the one of our judges.” Malakas na palakpak ang pinakawalan namin at walang gana naman akong nanunuod at katabi ko si Jeremy. “The best muse, best in modeling and photogenic awards goes to!” Huminto muna sa pagsasalita si Miss Candy at tiningnan ang hawak niyang papel. “Congratulations Miss Madeline Mendes from Mad Tigers!” Umawang ang mga labi ko at hindi inaasahan na mananalo pa ako. Sandali akong natigilan at napatingala pa ako kay Jeremy na nakangiti sa’kin. “You want me to escort you that’s why you’re not moving?” Umiwas ako sa kaniya nang tingin at nagmamadali naman akong umakyat sa stage para kunin ang award. “Congrats Miss Mendes!” Bati sa’kin ng emcee pagkatanggap ko ng trophy. “Thank you” “Bago ka bumaba sa stage puwede mo bang ipakita ulit ‘yong malupit mong rampa kanina?” “P-po?” Napatingin ako sa mga audience at narinig ko pa ang malakas nilang hiyawan at hindi ko na naman mapigilan ang kabahang muli. Napabaling ang tingin ko kay Jeremy at marahan naman siyang tumango sa’kin. Naalala ko naman ang sinabi niya kanina. Pakiramdam ko ay bigla na lamang nawala ang kaba ko sa simpleng galaw niyang iyon. Naglakad ako palayo sa emcee at kay Miss Candy upang muling rumampa. I feel now confident without any worries at hindi ko na rin inisip pa ang nangyari kanina. Pagkatapos kong gawin iyon ay bumaba na rin ako ng stage at napahinto ako dahil sa narinig sa ilang estudyante. “Hindi ko alam kung bakit nanalo ‘yan eh. Dahil ba sa malaki ang kapit niya rito sa school? O baka dahil kay Jeremy kaya nanalo ‘yan?” Hindi ko na lang sila nilingon at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. “Congratulations my baby.” Mahina ngunit dinig ko ang salitang sinabi ni Jeremy nang maupo na ako sa tabi niya. Hindi ko na siya sinulyapan pa dahil masyadong nakakamatay ang mga titig niya sa tuwing magtatama ang aming paningin. “So, where do you want to eat?” wika niya nang tapos na ang awarding at naglalabasan na rin ang mga tao sa gym. “Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon” “They left you already.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin sila at ng hindi ko sila makita ay kinuha ko ang telepono ko sa pouch ko at dinial ang number ni Nina. Mariin akong napapikit dahil ilang beses ko na silang tinatawagan pero hindi nila sinasagot ang tawag ko. Muli kong hinarap si Jeremy at tila hinihintay lang niya ang sasabihin ko. “Sinong may sabi sa’yong paalisin mo sila? Pala-desisyon ka masyado eh,” inis kong wika sa kaniya. “It’s their decision. They said to take care of you.” Ang mga sira-ulo kong kaibigan ipinagkatiwala na talaga ako sa ipis na ito. “Where do you want to eat? I promise I won’t give you the food that can harm you.” Napataas bigla ang kilay ko at magsasalita pa sana ako nang hawakan na niya ang kamay ko at hinila na niya palabas ng gym. Nakayuko lang ako nang makarating na kami sa isang restaurant malapit dito sa school. Nahihiya ako dahil mag-isa lang akong babae at puro lalaki pa ang kasama ko. Kasama ko ang buong team ni Jeremy at hawak pa rin niya ang kamay ko simula kanina nang umalis kami ng campus. Magkatabi kami sa upuan at nang tingnan ko ang mga team mates niya ay may kakaibang ngiti ang mga ito at mas lalo akong nahiya. Parang gusto ko nang tumakbo ng mabilis palabas ng restaurant dahil sa hiya. Humarap pa sa’kin si Jeremy at isinandal pa niya ang braso niya sa upuan ko. Muntikan pa akong malaglag sa upuan nang bahagya siyang lumapit sa’kin. “Ano ba naman itong ipis na ito? Hindi ba ito marunong mahiya sa mga kasama niya? Baka isipin pa nito easy to get ako at boyfriend ko itong mayabang na ipis na ito!” Narinig ko pa ang pagtikhim ng isang kasama niya na nasa aming harapan at nangingiting nakatitig sa aming dalawa. Lumayo naman si Jeremy at pinag-krus niya pa ang mga braso niya. “Jer, take it easy. Paano ka magugustuhan ni Madeline kung mabilisan kaagad ang tirada mo? Right Madeline?” Baling nito sa’kin. Siya ‘yong lalaking kinuha akong muse dahil kay Jeremy. “By the way, I’m Macky. We have met before when you’re running around at our locker room and you saw me wearing a__” “Shut up Mac! Or else I will slit your dangerous tongue,” mariing wika nito sa kaibigan niya. Malakas naman silang tumawa at lihim na lang akong napapapikit dahil sa hiya. “I’m Benj!” Pakilala ng isang team mate niya na katabi naman ni Macky. Inilahad pa nito ang kamay niya at makikipag kamay sana ako ng kunin ni Jeremy ang kamay ko. Taka silang napatingin sa kaniya at ganoon din ako. “No need for that,” saad niya. “Wow Jer! Hindi ko naman aagawin ‘yang girlfriend mo nakikipagkilala lang ako eh.” Natatawang turan ng nagngangalang Benj. “Excuse me? He’s not my boyfriend,” masungit ko namang turan at umirap pa ako. So, sinabi pala ng ipis na ito na girlfriend niya ‘ko. Wala namang ligawang naganap sa’min at paano niya ‘ko naging girlfriend? Kung hindi lang talaga niya kasama ang mga kaibigan niya kanina ko pa kinutusan ang lalaking ito. Lumapit naman siya sa’kin at bumulong. “You’ll be my girlfriend someday baby Madie.” Biglang tumaas ang mga balahibo ko pagkasabi niyang iyon. Hindi ko maintindihan pero parang may kung anong kiliti ang bumalot sa’kin at imbes ma mabuwisit ako ay dagundong ng dibdib ko ang naramdaman ko. Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain at inilapag naman ng waiter ito isa-isa. Gulat ko itong tinitigan dahil halos mga paborito kong pagkain ang nakahayin. “Jeremy naman, kailan ka pa nahilig sa Italian spaghetti? Saka hindi ka naman mahilig sa matatamis ah. Bakit walang Buttered Shrimp at clams? Paborito ko pa naman ‘yon, ‘di ba iyon ang lagi nating inoorder?” Reklamo ni Benj at pabagsak pa siyang sumandal sa kaniyang upuan. “This isn’t for you. It’s for Madeline.” Mabilis ko siyang tiningnan at nilagyan naman niya ng pasta ang plato ko. “Hayaan mo na Benj, minsan lang ma-in love ‘yang si Jeremy pagbigyan mo na,” sambit naman ni Macky. “Are you going to stare at me all day?” Binawi ko naman ang tingin ko at binalingan ang mga pagkaing nakahayin. Lihim naman akong napangiti dahil may naisip akong paraan para ma-turn off sa’kin si Jeremy. Inumpisahan ko nang kumain at sinunod-sunod ko naman ang pagsubo ng spaghetti. At saka kumuha pa ako ng ice cream at iyon naman ang nilantakan ko. Wala akong pakialam kung pinanunuod nila akong kumain basta ayawan na lang ako ng ipis na ito. Gusto kong tigilan na niya ako, gusto kong layuan na niya ako. Ayoko na siyang umaaligid sa’kin at ayoko siyang nakikita araw-araw. Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko. Lagi kong itinatatak sa isip ko na ayoko sa kaniya. Gusto ko na siyang lumayo dahil kapag nagtagal ay lalo lang akong maguguluhan sa kung anong nararamdaman ko. Ayokong ma-curious pa sa kaniya, at isa pa hindi siya ang lalaking gugustuhin kong iharap sa mga magulang ko. Hindi siya ang lalaking pinapangarap kong makasama at mamahalin habang buhay. Takot akong masaktan at ayokong dumating ang araw na siya ang lalaking nanakit sa’kin. Napahinto ako sa pagkain ko at medyo puno pa ang aking bibig. Napatitig ako sa kanilang lahat na halatang gulat na gulat. Ibinaba ko ang kinakain ko at marahan ko pang sinulyapan si Jeremy. Napatitig ako sa kaniya na wala man lang halong pagtataka sa itsura niya. Nakahalumbaba pa siya habang pinagmamasdan akong kumain kanina at parang natutuwa pa siya sa kaniyang nakikita. “W-why?” nauutal kong saad sa kaniya habang puno pa rin ang bibig ko. “Are you trying to turn me off? Well, it’s not working because I fell in love with you even more.” Napaawang na lang ako at hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniya. How can this be? Mukhang mahihirapan akong palayuin siya sa’kin. Sabihin ko kaya sa kaniya na may boyfriend na ‘ko at si Ulysses ‘yon. Tama, tutal mukhang magtatapat na rin naman siya sa’kin at siguro naman ay kusa na siyang lalayo. “I have something to tell you Jeremy. Look, I already have a__” “Madel!” Naputol ang sasabihin ko sa kaniya at napalingon ako sa kung sino ang tumawag. Laking gulat ko nang makita kung sino ang kasama ni Jk. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at masayang sinalubong si Papa Mazer. Mahigpit na yakap ang ginawad ko sa kaniya at ganoon din siya sa’kin. “Kailan pa po kayo nakabalik? And how do you know that I’m here?” Masayang bati ko sa kaniya. “Dahil nandito ang mga paborito mong pagkain,” si Jk naman ang sumagot. Umismid naman ako sa kaniya at muling binalingan si Papa Mazer. “This morning lang, pumunta lang ako rito para kumustahin ang mga babies ko.” Ginulo pa niya ang buhok ko at ngumuso naman ako sa kaniya. How’s my baby Madel?” Natahimik akong bigla at hindi makatingin sa mga mata ni Papa Mazer. Kapag tinawag niya akong gano’n ay naiilang ako dahil hindi na si Papa Mazer ang tanging tumatawag sa’kin no’n. Parang gusto kong sabihin sa kaniya na ayoko nang magpatawag ng baby dahil may iba nang tumatawag sa’kin no’n. “Aahm__” “Is there something wrong baby?” May pag-aalalang tanong sa’kin ni Papa Mazer. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Papa Mazer at nakatuon ang atensyon niya sa aking likuran. Pumihit naman ako at nakita ko lang na nakatayo si Jeremy sa aking likuran. Titig na titig siya kay Papa Mazer at ganoon din naman si Papa Mazer sa kaniya. Pero ang ipinagtataka ko ay parang kilala niya si Jeremy. Iba ang titig niya rito na para bang nakakita ng multo. “J-jk?” tanging nasabi niya at nakatingin pa rin kay Jeremy. “Tito Mazer, bakit?” tanong ng kakambal ko sa kaniya. Sinulyapan lang niya si Jk at muling binalingan si Jeremy. Lumapit naman si Jeremy sa aming kinaroroonan at sandali lang ako nitong binalingan at muling tinitigan si Papa Mazer na may pagtataka. Pansin ko pa ang ilang paglunok ni Papa Mazer at maluha-luha niyang tinitigan si Jeremy. What’s wrong with him? Anong meron kay Jeremy at bakit ganito si Papa Mazer sa kaniya? “Who is he baby Madie? Why he’s calling you like what I called you?” sambit niya at na kay Papa Mazer pa rin ang atensyon. Binalingan naman ako ni Papa Mazer na tila nagtataka at nangunot pa ang kaniyang noo. He is strict like my dad at ayaw na ayaw niyang may nanliligaw pa sa’kin. I’m sure sesermonan niya ako pag-uwi sa bahay. Mali lang talaga na nakita niya kami rito at mali ang iniisip niya sa’min ni Jeremy. “P-papa M-mazer, it is not what you think” “You looked like him. Matagal ko na siyang hindi nakikita pero hindi ko makakalimutan ang itsura niya.” Naguguluhan ako at pati si Jeremy ay nagtaka dahil sa sinabi ni Papa Mazer. “Who? Iisa lang naman ang kamukha ko and I don’t know why we look alike,” sagot naman ni Jeremy. Pansin ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Papa Mazer. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin na kamukha raw ni Jeremy. Siguro ay matalik niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita. “Baby mauuna na ‘ko, hihintayin ko na lang kayo sa bahay.” Tumango lamang kami ni Jk at umalis na rin si Papa Mazer. “He’s very strict when it comes to Madeline. Kaya kung manliligaw ka sa kakambal ko you better court our uncle first then our dad,” masungit na wika nito kay Jeremy. “You know what? Your name doesn’t suits you.” Napatingin akong bigla kay Jeremy na wala man lang emosyon ang mukha pagkasabi niyang iyon. “I know, dahil ang pangalan ko hindi ko naman din gusto” “What?!” sigaw na nito sa kapatid ko. Inawat ko na lang sila dahil medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Hindi ko alam sa dalawang ito kung bakit pati pangalang iyon ay kailangan pa nilang pag-awayan. Natapos na kaming kumain ay nauna na akong lumabas ng restaurant. Nakita ko si Jk na halatang hinihintay ako. Nakasandal siya sa pader at ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Tumabi naman ako sa kaniya ng hindi man lang niya ako sinusulyapan. “He’s madly in love with you.” Tinitigan ko siya pero nasa malayo ang kaniyang tingin. “I tried making him mad everyday and annoy him but I failed” “What do you mean?” Doon lang niya ako tiningnan at saka inakbayan. We’re not too close like the other siblings dahil magkaiba kami ng ugali. But despite of all he’s concern and worried about me. Pero nagtataka ako kung bakit niya kailangang galitin si Jeremy. “You’ll know someday, at siya lang ang makapagsasabi no’n sa’yo.” Kunot-noo ko siyang tinitigan at naramdaman ko namang lumapit sa amin si Jeremy. “Take care of her.” Pagkasabi niyang iyon kay Jeremy ay mabilis siyang naglakad palayo sa amin. Napanganga na lang ako dahil hindi ko akalaing sasabihin niya ‘yon mismo kay Jeremy. Alam kong may gustong sabihin sa’kin ang kapatid ko at tanging si Jeremy lang daw ang makakapagsabi sa’kin no’n. Inabot niya sa’kin ang helmet at taka ko siyang tinitigan. “Hindi ako sasakay sa’yo. Saka isa pa nagpasundo na ‘ko sa driver namin.” Mabilis niyang kinuha sa’kin ang helmet at siya na ang nagsuot nito sa’kin na ikinagulat ko. “Pala-desisyon ka talaga eh!” “As I said earlier, you’re safe when you’re with me. Don’t worry I won’t bite you.” Umismid lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Umangkas na lang ako sa motor niya at napasigaw pa ako nang paandarin niya ito nang bahagya kaya napayakap akong kaagad. Napamura na lang ako sa aking isip nang marinig ko pa ang mahina niyang tawa. Kumalas ako sa kaniya at kaagad niyang ibinalik ang mga braso ko sa kaniyang katawan. “Hold me tight baby Madie, susulitin ko na ang pagkakataong ito.” Saka naman niya muling pinaandar ang motor. Mahigpit akong nakayakap sa kaniya habang tinatahak namin ang daan. This is the first time that I hug him like this. Should I believe him what he said earlier? I think I’m safe when he’s with me at iyon ang gusto kong paniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD