Huminto kami sa isang amusement park at siya na tin ang nagtanggal ng helmet ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at taka ko itong tinitigan. Hinarap ko si Jeremy na inaayos ang pagka-parada ng kaniyang motor at pinagkrus ko pa ang aking mga braso.
“What are we doing here Jeremy?” May halong inis kong turan sa kaniya.
“Just to relax, and I want to be with you today.” Tumikhim naman ako at hindi makapagsalita. Umiwas ako sa kaniya nang tingin dahil nakaramdam na naman ako ng hiya at alam kong nakatitig siya sa’kin. “You’re blushing my baby.” Kaagad akong napatingin sa kaniya at pinanlakihan pa siya ng mata. Naginisian lang niya ako at inirapan ko naman siya.
Wala masyadong mga tao rito sa amusement park kaya malaya kaming nakakapaglakad dito. Elementary pa lang ako ng huli akong pumunta rito kasama sina mommy at daddy. Bigla namang may sumagi sa isip ko nang makita ko ang isang boot na puro stuff toys. Nakatulala lang ako rito at tipid na ngumiti nang maalala ko ang isang batang lalaki.
“You like that?” Napatingin ako sa kaniya at nagulat na lang ako nang lumapit siya roon at kinuha ang isang bola.
“Hoy Jeremy, hindi naman ako mahilig sa stuff toy eh”
“But I want to give you one.” Hindi na ako umangal pa at naglaro na lang siya para makuha ang stuff toy.
Napapatapik na lang ako sa aking noo dahil nakakailang subok na siya pero hindi pa rin niya matamaan ‘yong target. Natigilan akong bigla at napatulala nang mapadako ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Mariin niya pa itong kinagat kaya naman mas lalo pa itong namula. Hindi ko maintindihan pero bigla akong pinawisan kahit hindi na naman mainit dahil papalubog na rin ang araw. Mas lalo akong natulala nang malapad itong ngumiti nang manalo na ito sa unang pagkakataon.
Hindi ko maintindihan, pero parang may diperensya na itong puso ko. Pakiramdam ko nagtataksil na ako dahil parang may kakaiba akong nararamdaman kay Jeremy.
“Baby, I got it!” wika niya nang makalapit na siya sa’kin at hawak na nito ang stuff toy na napanalunan niya. Sadyang nakatitig pa rin ako sa kaniya at pinagmasdan ko ang mga mata niya na una kong nagustuhan sa kaniya. “Hey, Madie are you okay?” Doon lamang ako natauhan at napaiwas na lang sa kaniya nang tingin.
“N-nagugutom na ‘ko,” nauutal kong saad sa kaniya.
“Again?” Kunot-noo niyang tanong. Mariin akong napapikit at napagtanto ko na kakakain lang pala namin bago kami umalis ng restaurant.
“Nagutom ulit ako dahil ang bilis mong magpatakbo ng motor eh!” Singhal ko sa kaniya at kunwa’y galit pa.
“Ang lakas mo pala kumain pero hindi ka naman tumataba,” mahinang saad nito pero dinig ko ang bawat salita niya.
Nahiya naman akong bigla dahil baka isipin niya pa ay talagang malakas akong kumain. Mabilis akong tumalikod sa kaniya at nauna nang maglakad. Alam kong nakasunod na siya sa’kin at mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko at hindi ko namalayang may nabangga na pala ako at natapunan naman ng softdrinks ang damit ko.
“Oh my God! I’m sorry hindi ko sinasadya,” hinging paumanhin nang nabangga ko.
“Baby, are you okay?” Mabilis namang lumapit sa’kin si Jeremy at tiningnan niya ang suot ko.
Kaagad siyang tumalikod sa’kin at napagtanto ko na manipis nga pala ang suot kong damit. Tinakpan ko naman ng jacket ang hinaharap ko at dinig ko naman ang pag-ubo ni Jeremy.
“I-I h-have an extra shirt, wait for me here”
“No, it’s ok__” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang kaagad siyang umalis at naiwan naman ang nagtataka.
“You’re lucky miss, ang guwapo ng boyfriend mo at ang caring niya pa sa’yo. Bihira lang ang lalaking gan’yan huh!” Napatingin akong bigla sa babaeng nakabangga ko at halatang kinikilig ito at tinanaw niya pa si Jeremy sa malayo.
“Naku miss, he’s not my boyfriend! He’s my super duper enemy!” Tanggi ko naman at salubong ang aking mga kilay.
“Really? Parang hindi naman, sige ka baka maagaw pa siya sa’yo ng iba at pagsisihan mo pa ‘yon.” Napanganga na lang ako sa kaniyang sinabi at saka ito umalis.
As if naman na magsisisi ako. Siguro attracted lang ako sa kaniya kaya may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya at hindi love ang nafe-feel ko. Araw-araw ko ba naman nakikita ang ipis na ‘yon syempre maaattract din ako tulad ng iba pero I know this is not love.
Kaagad namang nakabalik si Jeremy at inabot sa’kin ang isang plain black t-shirt. Tiningnan ko lang ito at mahinang nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi ako sanay na nagsusuot ng damit ng iba kahit maging sina Ellaine at Nina ay alam ‘yon kaya hindi nila ako pinapahiram ng mga damit nila kapag nag-oover night ako sa bahay nila.
“Okay na itong suot ko saka naka-jacket naman ako eh,” nahihiyang wika ko sa kaniya.
“This is new, hindi ko pa naman nasusuot ito”
“I said I’m okay.” Pagpupumilit ko pa sa kaniya. Lumapit pa siya sa’kin at at aatras sana ako nang hapitin niya ang aking baywang kaya napahinghap na lang ako. I smell his manly scent that I can’t resists.
Kung hindi lang siguro masyadong maingay dito ay naririnig na niya ang bawat pagtambol ng dibdib ko. Mabilis ang paghinga ko na animo’y tumakbo ako nang mabilis. Paano ko na iiwasan ang taong ito kung parati naman siyang dikit nang dikit at parati ko siyang nakikita sa school?
“Gusto mo bang ako pa ang magsuot sa’yo nito?” He said in a husky voice.
Namilog ang mga mata ko at tinulak siya palayo sa’kin. Padabog ko namang kinuha ang t-shirt sa kaniya at tinungo ang banyo. Nang makapagpalit na ako ay tiningan ko naman ang itsura ko sa salamin. Napanguso na lang ako dahil medyo malaki ang t-shirt niya. Lumabas naman akong kaagad ng banyo at nakita ko siyang nakasandal sa pader at naka-krus pa ang mga braso. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at kahit saang anggulo mo ito tingnan ay hindi mapagkakailang guwapo talaga siya. Sa totoo lang, siya talaga ang pinaka-guwapo sa buong campus kaya naman lahat ng mga estudyante roon ay baliw na baliw sa kaniya.
Naalala ko naman ang sinabi sa’kin ng babae kanina. Paano nga kaya kung maging boyfriend ko siya? What will happen to us? Should I give him a chance to prove that he’s sincere? O mas paniniwalaan ko ang sarili ko na hindi siya ang lalaking gugustuhin ko?
“s**t! Ang guwapo niya!” Narinig kong sabi ng katabi ko.
Tiningnan ko pa siya at halatang kinikilig ito. Nakatingin siya kay Jeremy at hindi na ako magtataka kung hanggang dito ay sinusundan pa rin siya ng mga asong gala. Napabuga pa ako sa hangin ng may isang babaeng lumapit sa kaniya at tila hinihingi ang cellphone number nito. Hindi na rin ako nagulat pa nang kunin niya ang telepono noong babae at nagtipa roon at alam kong ibinigay niya rito ang number niya.
“Fuckboy talaga,” wika ko sa aking sarili at umikot pa ang mata ko sa ere.
Nang balingan ko siya ay nakatingin na ito sa’kin at napailing na lang ako. Hindi ko na siya nilapitan at naglakad na lang ako palayo. Marahan lang akong naglalakad at nasa tabi ko naman siya. Hindi ko siya kinakausap at ganoon din siya. Nakakapanibago, samantalang kanina ang daldal niya at kinukulit pa ako pero ngayon ang tahimik lang niya at sinusundan lang ako kung saan ako magpunta. Hindi na ako nakatiis ay hinarap ko na siya at tinaasan ko pa ito ng kilay.
“Ano pa bang gagawin natin dito?” inis kong saad sa kaniya.
“I want to ride that one.” Tinuro niya ito gamit ang nguso niya kaya tiningnan ko naman ito.
“Carousel? Ano ka bata?”
“I have good memories on that.” Nilagpsan niya ako at seryoso talaga siya sa sinabi niya na sasakay siya ng carousel. “Puwede mo ba akong samahan?” saad niya pa nang nasa entrance na siya.
He looks so sad when he said that. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang din sa kaniya. Nang nakasakay na kami ay lihim ko naman siyang sinulyapan sa tabi ko. Malayo ang tingin niya at para bang malalim ang iniisip nito. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito at kadalasan ay seryoso ang mukha nito. I want to ask him and comfort him pero hindi ko alam kung paano.
Pareho lang kaming tahimik habang umaandar ang carousel at hinayaan ko na lang muna siya. Pareho kaming may good memories dito dahil nakilala ko ang isang kaibigan na kahit na ilang oras lang kaming nagkasama. I didn’t bother to asked his name dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa pakikipaglaro sa kaniya noon dito sa amusement park.
Hindi ko alam na huminto na pala ang pag-ikot ng carousel at hindi pa rin siya bumababa. Tinitigan ko siya at malalim itong bumuntong hininga at saka lamang siya bumaba. Pinauna ko siyang maglakad at nakamasid lamang ako sa kaniya. Kahit nakatalikod siya ay alam kong malungkot at itsura nito. Naisip ko naman bigla ang naging away nilang mag-ama sa pagitan nito. Naalala ko ang sinabi niya tungkol sa kaniyang ina at baka ito ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
Huminto siya sa kaniyang paglalakad at ganoon din ako. Pumihit siya sa’kin paharap at pinanliitan pa ako nito ng mga mata. Taka lang akong nakatitig sa kaniya at saka tipid naman siyang ngumiti. Sa kabila ng pagiging badboy image niya at pagiging playboy nito ay may itinatago rin pala itong lungkot. Lumapit siya sa’kin at bahagyang tumungo para magpantay kami. Wala akong naramdaman na kahit na ano at basta lamang akong nakatitig sa kaniya.
“You want to ask me something baby?” bulong nito sa’kin.
“Gusto mo ng cotton candy?” Umayos siya nang pagkakatayo niya at mataman lang akong tinitigan. “Let’s go.” Hinila ko na siya at at dinala kung saan may nagtitinda noon.
Nang makabili na kami ay umupo naman kami sa isang bench. Abala ako sa pagkain ng cotton candy at sinulyapan ko naman siya sa aking tabi. Hawak lang niya ito at hindi man lang kinakain. Inisip ko na lang na baka hindi siya kumakain noon at napilitan lang dahil sa’kin.
“You like sweets,” saad niya at nakatitig pa rin sa cotton candy na hawak niya.
“Ayaw mo ba? Akin na, ibibili na lang kita ng iba.” Kukunin ko na sana ito nang iniiwas niya ito at kumurot siya roon at saka niya kinain.
“Still sweet as ever,” nasabi na lang niya pagkatapos niyang tumikim. “This will remind me of my childhood, someone also gave me this.” Pagkasabi niyang iyon ay tumingin siya sa’kin na para bang may ibig sabihin.
“Sino? First love mo?” biro ko sa kaniya.
“Yes.” Walang alinlangan niyang sagot.
Wala siyang kakurap-kurap habang nakatitig sa’kin at ganoon din ako. Pero bakit parang may kung anong kumurot sa puso ko nang sabihin niya ‘yon? They say that first love is hard to forget. Siguro siya ang dahilan kung bakit siya malungkot kanina dahil naaalala niya ang first love niya. Pero bakit panay habol niya sa’kin at panay ang pangungulit niya kung hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito?
“A-ah.” Walang ibang katagang lumabas sa bibig ko kun’di iyon lang.
“I never forget her but sad to say, she forgets about me.” May halong lungkot nitong turan sa’kin.
Ano bang gustong iparating ng lalaking ito? Gusto niya bang magselos ako? O baka naman ginagawa niya akong panakip-butas para makalimutan ang first love niya? Tumunog namang bigla ang telepono niya kaya naputol ang pag-uusap namin. Kinuha niya ito sa bulsa ng kaniyang pantalon at tiningan niya kung sino ang tumatawag. Pinindot niya ang cancel button at saka niya ako muling binalingan. Maya-maya pa’y muli na namang tumunog ang telepono niya at pansin ko pa ang inis sa kaniyang mukha.
“Sagutin mo na baka ‘yan na ‘yong babaeng nanghingi ng number mo,” may diing sambit ko sa kaniya.
“You saw that?” takang tanong naman niya.
“Sagutin mo kasi, naririndi na ‘ko sa tunog ng telepono mo eh.” Padabog naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tatalikod na sana nang hawakan niya ang isang kamay ko. Nilingon ko siya at nakangisi na ito sa’kin na para bang nakakaloko. “A-ano bang problema mo?”
“You”
“What?” Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Pinakita niya pa sa’kin ang screen ng telepono niya at nabasa ko na si Macky ang kanina pang tumatawag sa kaniya. Pinindot niya kaagad ang answer button at saka pinindot naman niya ang speaker ng cellphone niya.
“Hoy Jer! Ano na naman ang kalokohang ginawa mo? Bakit may tumatawag sa’king babae at pilit na mag-date daw kami?!” sigaw nito sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata ko at gulat na tinitigan ang telepono niya na para bang nakikita ko si Macky doon.
Hindi na niya pinatapos pa kung ano pa ang sasabihin ng kaibigan niya at kaagad niya ring pinatay ang tawag. Binalingan niya ako at hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso. Nahihiya ako, at iisipin niya na may gusto na ako sa kaniya at nagseselos. Bakit ba kasi gano’n ang pinakita ko sa kaniya at nagmukha pa tuloy akong tanga?
“You’re cute.” Doon ko lamang siya sinulyapan at napagtanto ko na hawak pa rin niya ang kamay ko. Mabilis ko itong binawi at saka tumingin sa malayo. “You’re cute when you are jealous.” Mabilis ko siyang binalingan at nakangiti na ngayon ito, samantalang kanina ay hindi niya maipinta ang mukha niya dahil sa first love niya.
“Ano ka hilo? Of course not! There’s no reason to get jealous okay!”
“Yes you are, and I feel it.” Nakangiti pa siya habang sinasabi ‘yon.
“Hindi nga sabi eh! At saka hindi ako magkakagusto sa isang ipis ‘no”
“W-what? Sinong ipis? Is it me?” Tinuro niya pa ang sarili niya pagkasabing iyon.
“Sino pa nga ba?” Pansin ko ang paggalaw ng panga niya at maagap siyang lumapit sa’kin.
Nagulat pa ako nang akmang hahalikan niya ako kaya biglang namilog ang mga mata ko sa gulat. Sobrang lapit na ng labi niya sa labi ko at konti na lang ay maglalapat na ito. Nakita kong sumilay ang ngiti niya sa labi at tiningnan ako nito sa mata. Iyong puso ko parang malalaglag dahil sa kaba at hindi ko alam kung anong gagawin ko oras na gawin niya ang bagay na ‘yon.
“Don’t you ever call me that, or else I’m gonna bite you.” Banta naman niya sa’kin. Unti-unti siyang lumayo at doon ay parang nakahinga ako nang maluwag. “Scared?” Sinamaan ko pa siya nang tingin pagkasabi naman niya no’n.
“Pinagloloko mo ba ‘ko?!” Galit kong sigaw sa kaniya.
“Sorry, I’m just kidding”
“Puwes, hindi ako natutuwa sa biro mo and I hate that joke!”
“So, let’s make it real.” Inisang hakbang lang niya ang paglapit sa’kin at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko.
Mabilis niya akong hinalikan at parang may kuryenteng bumalot sa buong katawan ko. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil naging mabilis ang pangyayari. Gumalaw pa ang labi niya at humigpit naman ang hawak nito sa aking pisngi. Mas lalo akong hindi makagalaw at hindi alam kung ano ang aking gagawin. Her lips taste so sweet and soft. He got my first kiss at hindi ko inaasahan na siya ang makakakuha no’n.
Wala ako sa sarili kong naitulak siya at sinamaan ko pa siya nang tingin. Gusto kong magalit sa kaniya dahil sa nangyari pero hindi ko ito magawa. Tinalikuran ko na lang siya at maglalakad na sana palayo nang yakapin naman niya ako sa aking likuran. Ipinatong niya pa ang baba niya sa aking balikat at naramdaman ko na humigpit ang yakap nito sa’kin.
“Please like me back,” pagsusumamo niya. Isinubsob niya pa ang mukha niya sa aking leeg at napanganga na lang ako dahil sa gulat at kaba na nararamdaman ko.
Pagkatapos noon ay hindi ko na siya kinausap at hinatid na niya ako bahay. Medyo madilim na rin nang magyaya akong umuwi. Bumaba na ako sa motor niya at papasok na sana ako sa gate namin nang tawagin niya ako. Nakatalikod lang ako at hindi siya nilingon at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“Please Madeline, look at me.” Marahan akong pumihit sa kaniya paharap at tinitigan ako.
Lalapitan niya pa sana ako nang bumukas ang gate at sabay pa kaming napalingon. Tumambad si Ulysses at gulat siyang napatitig kay Jeremy. Sinulyapan ko pa si Jeremy at matalim ang titig niya kay Ulysses. Natuon lang ang tingin ko kay Ulysses nang hilahin niya ang braso ko palapit sa kaniya.
“Where have you been Mads?” tanong niya pero na kay Jeremy ang tingin niya.
“S-sa ano, doon sa__”
“We’ve been together since daytime, do you have any problem with that?” sarkastikong tanong naman ni Jeremy kay Ulysses.
Papalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa at parehong matalim ang titig nila sa isa’t-isa. Pansin ko pa ang paggalaw ng panga ni Jeremy at kinuyom pa niya ang isang kamao niya.
“S-sige na Jeremy umuwi ka na at salamat sa paghatid.” Doon lamang niya ako sinulyapan at luamambot na ang itsura nito kumpara kanina.
“Let’s get inside Mads, Tito Mazer is waiting for you.” Inakbayan na niya ako para pumasok naman sa loob at tinalikuran na namin si Jeremy.
Pareho pa kaming nagulat nang tanggalin ni Jeremy ang kamay ni Ulysses sa aking balikat. Salubong ang kilay nito and this is the first time that I saw him like this. He looks like a wild beast na manlalapa na lang ng tao.
“Don’t touch her,” may diing saad nito kay Ulysses.
“Sino ka para sabihin sa’kin ‘yan?”
“Jeremy please, bukas na lang tayo mag-usap. Kaya please lang umuwi ka na.” Sandali niya akong sinulyapan at pagkuwa'y binalingan naman si Ulysses na masama ang tingin sa kaniya.
Nilapitan niya pa ako at marahang hinaplos ang aking pisngi at bumaba ito sa aking mga labi. Alam ko ang ibig sabihin niya kaya gulat akong napatitig sa kaniya. Tumalikod na siya at sumakay na siya sa kaniyang motor. Hindi ko alam kung paano ko naman siya haharapin bukas dahil sa nangyari kanina. Si Ulysses pa ba ang gusto ko o si Jeremy na pilit kong itinatanggi? Pero iba ang sinasabi ng isip ko. Tiningnan ko si Ulysses na nasa aking tabi at tipid pa siyang ngumiti sa’kin.
I liked him, I really do.