“Madel, bakit ngayon ka lang? And where have you been?” My mom asked when I caught up with them in the living room talking to Papa Mazer and Mama Tin.
Humalik ako sa kaniyang pisngi at ganoon din kay daddy. Pumagitna naman ako kina Papa Mazer at Mama Tin na umupo sa kanila at iniangkla ko pa ang mga braso ko sa braso ni Papa Mazer. Till now ay ganoon pa rin ako kalambing sa tito ko at lalo na kay Mama Tin.
“You missed him that much huh,” wika naman ni daddy na halatang nagseselos ito.
“Of course dad! Ilang buwan ding nawala si Papa Mazer kaya sobra ko siyang na-miss.” Pang-aasar ko pa kay daddy. Pinag-krus pa nito ang kaniyang mga braso at kunwa’y tiningnan ako ng masama.
“Look at your dad baby, he’s mad already,” bulong pa sa’kin ni Papa Mazer.
Sabay naman kaming natawa at kaagad naman akong lumapit kay daddy at yumakap sa kaniya. “Dad, you’re started to get jealous again. Na-miss ko lang naman si Papa Mazer pero syempre ikaw pa rin ang favorite man ko”
“Seloso talaga ‘yang daddy mo kahit noon pa!” sabat naman ni mommy na nangingiti sa’min.
Umupo naman si Ulysses sa aming harapan at katabi naman niya ang kapatid kong si Jk na may kakaibang tingin sa’kin. Umayos ako sa aking pagkakaupo at pinandilatan pa siya ng mata senyales na nagtatanong ako kung bakit siya gano’n. Inirapan lang niya ako at tumingin sa ibang direksyon.
“Who’s that guy with you earlier baby?” biglang tanong sa’kin ni Papa Mazer. Natigilan akong bigla at napabaling ang tingin ko kay Jk na walang emosyon akong tinitigan.
“A-ah! S-si a-ano, he’s Jeremy Papa Mazer,” nauutal kong sagot.
Nakaramdam ako bigla nang panlalamig dahil tiyak pagagalitan niya ako. Ayaw niya pa kasi na may nanliligaw sa’kin dahil masyado pa raw akong bata. Mas mahigpit siya kay daddy at parati niya pang tinatawagan si mommy para lang kumustahin ako. Even his daughter Zadie ay bantay-sarado rin ito sa kaniya kahit na sobrang bata pa nito para magka-boyfriend. Parati ngang kinukuwento ni mommy na kung paano siya higpitan noon ni Papa Mazer noong nag-aaral pa lang siya. Naging boyfriend na lang niya si daddy when she’s 21 years old that time.
“He’s courting you?”
“No! I mean, I don’t know. I think?” Hindi ko alam kung ano ba talaga ang isasagot ko sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang ako at ninenerbyos na sa mga oras na ito at tiyak katakot-takot na sermon na naman ang matatamo ko nito gayong nandito pa si Ulysses. Napakagat labi na lang ako at yumuko, ramdam ko naman ang pamamawis ng aking mga kamay.
“I think he’s not the right guy for you Madel.” Nag-angat ako nang tingin at taka ko siyang tinitigan. “I didn’t like him”
“Why Papa Mazer? Is there something wrong?”
“He’s the Jeremy I knew?” Si daddy naman ang nagtanong kaya sa kaniya napabaling ang atensyon ko.
“Yes dad, Jeremy Villafuerte.” Napapikit pa siya at tumingin kay Papa Mazer. Wari ko naman ay may ibig silang sabihin na hindi ko alam. Para silang nag-uusap sa kanilang isipan nang tingnan ko naman sila.
“Why kuya? Saka hindi mo pa naman kilala ‘yong tao eh malay mo naman mabait na bata si Jeremy right Madel?” baling naman sa’kin ni mommy.
Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako kay Papa Mazer na matamang nakatingin din sa’kin. Why he’s acting like that noong makita niya si Jeremy? Kilala ba niya ang pamilya niya? May atraso ba ang pamilya ni Jeremy sa kaniya? Samo’t saring tanong naman ang pumapasok sa aking isipan.
“Madel? Is there something wrong?” Napatingin akong bigla kay mommy na takang nakatingin sa’kin.
“P-po?! N-nothing mom”
“Ayoko nang sumasama-sama ka pa sa lalaking iyon, do you understand Madel?” Mahinang sabi niya ngunit alam kong galit si Papa Mazer.
Hindi na ako nakapagsalita pa at marahang tumango sa kaniya. I want to ask him why, pero baka mas lalo siyang magalit at isipin niya pang gusto ko si Jeremy. Pero paano ko naman siya iiwasan kung nasa iisang school lang kami? Tama, I want to talk to him for once at sasabihin sa kaniya na may boyfriend na ako para sa gano’n ay tigilan na nga niya ako. Bigla ko namang naalala ang nangyari sa’min sa amusement park, I don’t know what I have to feel right now after what he did.
“My heart, give him a chance to prove himself that__”
“Hindi dapat siya makita ni__” putol ni Papa Mazer sa sasabihin ni Mama Tin at hindi na rin niya naituloy kung ano man ang kaniyang sasabihin.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit tutol siya kay Jeremy gayong kanina lang niya ito nakita? At sino ang hindi dapat makita siya? Matamang nakatingin naman si Papa Mazer kay mommy at napabaling din ang tingin ko sa kaniya. Si mommy ba ang tinutukoy ni Papa Mazer? But why?
“Okay ganito na lang, Madel introduce Jeremy to us para naman makilala namin siya at mali nang iniisip si Papa Mazer mo.” Nanlaki pa ang mga mata ko nang sabihin iyon ni mommy.
“Mace!” Sigaw pa ni Papa Mazer kay mommy na ikinagulat ko.
“Kuya, hindi na bata si Madel. Puwede naman siyang tumanggap ng mga manliligaw niya at isa pa alam na naman niya ang tama at mali at may tiwala kami sa kaniya right Madel?” baling sa’kin ni mommy.
Hindi kaagad ako nakasagot at tiningnan si Papa Mazer na nasa aking harapan. Sumandal na lang ito at napahilot sa kaniyang sentido. Sinulyapan ko pa si mommy at ngumiti lang siya sa’kin.
“Oo nga pala Madel, birthday niyo na ni Jk sa isang araw. Why don’t you invite him sa mismong birthday mo para makilala na namin siya?” Nakangiting turan sa’kin ni Mama Tin.
“But Mama Tin__”
“We want to meet him,” sagot naman ni daddy na ang tingin ay na kay Papa Mazer.
Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kun’di ang sumunod. Iniwan ko na sila sa salas at nagtungo naman kami ni Ulysses sa kusina. Kumuha ako ng isang malamig na bottled water sa ref at kaagad itong ininom. Para akong uhaw na uhaw dahil sa mainit na diskusyon nila kanina. Nakakatakot talaga si Papa Mazer at ipinagtataka ko pa kung bakit ganoon na lamang ang pagtutol niya kay Jeremy. Kung sabagay ay lalaki siya at alam na niya siguro ang ugali nito kaya kaagad niyang inayawan. Pero mas lalo kong ikinataka kung bakit ayaw niya makita ito ni mommy.
“Nagkakamabutihan na ba kayo ng Jeremy na ‘yon?” Muntikan ko pang maibuga ang iniinom ko dahil sa tanong ni Ulysses.
Nakasandal siya sa sink at pinagmamasdan naman ako. Napakurap-kurap pa ako sa kaniya dahil kakaiba ang tingin nito sa’kin. Medyo nailang naman ako at umiwas na lang sa kaniya nang tingin. Pero kapag si Jeremy ang tumitig sa’kin ng gano’n ay para namang bulate ang puso ko na hindi mapakali.
“A-ano bang sinasabi mo? Wala akong gusto sa kaniya at isa pa, hindi siya ang lalaking gugustuhin ko,” wika ko habang nilalaro ang nguso ng bottled water na hawak ko.
“Pero parang hindi ka naman sincere sa sinasabi mo eh.”
Hinarap ko siya at pinamey-awangan pa. “Hindi nga sabi eh! Saka iba ang gusto ko, ika__” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at mariin kong kinagat ang ibabang labi ko.
Kunot-noo naman siyang nakatingin sa’kin at tila hinihintay pa ang aking sasabihin. Magmumukhang tanga lang ako kapag ako ang unang nag-confess sa kaniya. Napailing na lang ako at muling nilagok ang tubig na hawak ko.
Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa’kin at parang batang ginulo niya pa ang buhok ko. Yumuko naman siya para magpantay kami at tinitigan ako nito sa mata. Napalunok na lang ako at halos hindi ko siya matingnan ng deretso. Ngumiti na lang siya sa’kin at pinisil ang isang pisngi ko at umayos na sa kaniyang pagkakatayo.
“Uuwi na rin ako Madz, see you on your birthday at may surprise ako sa’yo.” Kumindat pa siya sa’kin at saka umalis na sa aking harapan. Napatulala na lang ako sa kawalan at baka ang ibig niyang sabihin ay magtatapat na siya sa’kin. Lihim naman akong napangiti at hinawakan pa ang pisngi kong pinisil niya.
Aakyat na sana ako papunta sa aking kuwarto nang marinig ko naman ang tila boses ni daddy na nanggagaling sa kaniyang study room. Marahan akong pumunta roon at nakita kong medyo nakaawang ang pinto nito kaya rinig ko ang boses nila. Bahagya ko pang ibinukas ito at nakita kong si Papa Mazer pala ang kausap niya. Nakaupo sila sa couch at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Aaalis na sana ako nang marinig kong nagsalita si Papa Mazer na ikinahinto ko. Muli ko itong sinilip at nakayuko na siya at hawak pa nito ang kaniyang ulo. Parang may gumugulo sa isip niya at kanina ko pa ito napapansin simula nang makita niya si Jeremy.
“It can’t be Marco. I don’t know, but he looks like him.” Nakakunot naman ang noo ko habang nakikinig sa kanila at nagtataka kung sino ang tinutukoy niyang kamukha ni Jeremy.
“I know Mazer. What if makita siya ni Lyn? Alam kong okay na siya pero nando’n pa rin ang sakit na nararamdaman niya simula nang mawala siya.” Biglang kumabog ang dibdib ko nang sabihin iyon ni daddy.
Anong ibig sabihin ni daddy? Sino ba ang pinag-uusapan nila? Is it mom’s first love? But I thought si daddy ang una niyang minahal. Kaya pala ganoon na lamang ang pagka-gulat ni Papa Mazer nang makita niya si Jeremy kanina sa restaurant. So, kamukha ni Jeremy ang ex ni mommy ganoon ba?” Mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
“Hindi natin puwedeng hadlangan ‘yon Marco, maliit lang ang mundo at nararamdaman kong mahal ng lalaking iyon si Madeline.” Napaayos bigla nang upo si daddy at matamang nakatingin kay Papa Mazer. “Sana lang talaga wala silang ugnayan ni Jeremy at sana kamukha lang siya nito. Hindi puwedeng maging magkaano-ano sila dahil ikamamatay ni Mace ‘yon Marco”
“I know Mazer, malaki ang galit ng mama niya kay Mace at halos isumpa na siya nito,” seryosong sambit naman ni daddy at pinagsiklop naman nito ang kaniyang mga kamay.
Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila at sino ang galit kay mommy? Para matigil na ang mga isipin ko ay si mommy na lang ang tatanungin ko about doon at kung may iba pa bang minahal si mommy bukod kay daddy.
Nagmamadali akong umakyat para puntahan si mommy sa kanilang kuwarto. Kumatok muna ako at marahang binuksan ang pintuan at nakita kong mabilis na inilagay ni mommy sa drawer niya ang isang maliit na box. Ngumiti siya sa’kin at pinaupo naman niya ako sa kaniyang tabi sa gilid ng kama.
“Umuwi na ba si Ulysses anak?” saad niya.
“Opo mommy.” Natigilan muna ako at hindi alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin sa kaniya. Mukhang nahalata naman ito ni mommy at hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng aking hita. Nag-angat ako sa kaniya at tipid naman siyang ngumiti.
“May gusto ka bang sabihin hija?”
“Mom”
“Hmmn?”
“Si daddy po ba ang first love mo?” Napakunot siya ng noo at taka siyang nakatingin lang sa’kin. “Si daddy lang po ba ang lalaking minahal mo?” tanong kong muli sa kaniya.
Hindi naman ako magagalit kung sasabihin niya sa’kin ang totoo. Pero sa nakikita ko parang nasasaktan pati si daddy sa tuwing maaalala niya ang nakaraan. Siguro nga ay mas minahal niya ang tinutukoy nila Papa Mazer kaysa kay daddy kaya ganoon na lamang nito iiwas kay mommy dahil sa kamukha ni Jeremy ang tinutukoy nila.
“Of course anak, ang daddy mo lang talaga ang minahal ko at siya lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Bakit Madel, is there something bothering you?” Umiling ako sa kaniya at niyakap na lang siya nang mahigpit.
“I believe you mom, at hindi ko kaya makitang nasasaktan si daddy.” Kumalas ako sa kaniya nang pagkakayakap at kita ko sa mukha ni mommy ang pagtataka.
“What do you mean anak?”
“Nothing mom. Gusto ko parati ko kayong nakikita ni daddy na masaya at gusto ko rin kayong makita na sabay tumanda.” Naluluha ko namang turan sa kaniya.
Sapat na ang marinig ko mula sa kaniya na wala siyang ibang minahal kun’di si daddy lang at kung meron man ay alam kong parte na ‘yon ng nakaraan at wala akong dapat na ipag-alala pa. Habang lumalaki ako ay nakikita ko sa kanila kung paano nila mahalin ang isa’t-isa kaya nga gusto ko rin na katulad ni daddy ang makakasama ko habang buhay. Pero imbes na si Ulysses ang maisip ko ay si Jeremy ang biglang sumagi sa isipan ko. Pero paano ko malalaman kung si Jeremy na ba ang gusto ko o si Ulysses pa rin? Mahirap mang isipin pero siguro ay kailangan ko na ngang iwasan si Jeremy tulad ng sabi ni Papa Mazer.
Pabagsak naman akong nahiga sa aking kama at nanatiling nakatitig sa kisame. Nakapag desisyon na ‘ko, bukas na bukas ay kakausapin ko si Jeremy at sasabihin sa kaniya na may boyfriend na ‘ko para tigilan na niya ang pangungulit sa’kin. Ayoko na pati nararamdaman ko ay maguluhan ng dahil sa kaniya, ayoko nang magulo pa ang buhay ko at para matapos na rin kung ano man ang iniisip nila daddy at Papa Mazer tungkol sa kaniya at sa totoong pagkatao nito.
Napatingin naman ako sa maliit na calendar ko na nakapatong sa side table at inabot ito habang nakahiga pa rin ako. Tiningnan ko ang nakabilog doon at sa susunod na araw na nga ang birthday namin ni Jk. Wala akong balak sabihin pa ito sa kaniya at kakausapin ko na rin sina Nina at Ellaine na ‘wag nang banggitin pa ito kay Jeremy.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tatawagan ko na sana si Ellaine nang makita ko sa screen ang text ni Jeremy. Kaagad ko itong binasa at napatayo ako sa aking higaan dahil sa gulat. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at nakita ko na nasa labas si Jeremy. Nakatingala ito sa’kin at nakasandal sa kaniyang motor. Tiningnan kong muli ang telepono ko at nakita ko kung anong oras siya nagtext. Ibig sabihin nito ay dalawang oras na siyang naghihintay sa labas. Pero ano na naman ang pakay ng ipis na ito at bakit siya bumalik?
Napapitlag pa ako nang magvibrate ang telepono ko at nakita kong siya ang tumatawag. Napairap pa ako at sinagot naman ito habang nakatingin sa kaniya.
“Bakit hindi ka pa umuuwi?” May halong inis kong saad sa kaniya.
“I want to see you first before I go home”
“Pero nagkita naman tayo kanina”
“I can't sleep when I know you're with another guy.” Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang ako sa kaniya habang nasa tainga ko pa rin ang telepono. “Now I can sleep well because I already talked to you.” Pagkasabi niyang iyon ay kaagad siyang sumakay sa kaniyang motor at umalis.
Wala na siya sa labas pero ang cellphone ko ay sadyang nasa tainga ko pa rin na para bang kausap ko pa rin siya hanggang ngayon. Iyong normal na t***k ng puso ko ay nagiging abnormal kapag kaharap ko siya at para yatang magkakasakit na ako sa puso nito.
“May gusto akong sabihin sa’yo and I want to end this. Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko.” Pagkasabi ko namang iyon ay saka ko na lamang naibaba ang telepono ko at nahiga sa kama ko.