Wala ako sa sarili ko habang naglalakad ako papasok sa campus. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga binitawang salita ni daddy habang kausap niya si Papa Mazer. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Napahinto ako nang maalala ang isa pang sinabi ni Papa Mazer na ikamamatay ni mommy once na may ugnayan si Jeremy sa kung sino ang tinutukoy niya.
Napasinghap ako nang maramdaman ko na may umakbay sa’kin kaya bigla akong nag-angat nang tingin. May hawak siyang payong at hindi ko man lang namalayan na umuulan na pala. Nakatulala lang ako sa kaniya at siya nama’y matamang nakatingin sa’kin. How should I tell him what I want to say kung ngayon pa lang ay parang hinihipnotismo na niya ako?
Umiwas ako sa kaniya nang tingin at tumikhim pa na para bang nabilaukan ako dahil sa mga titig niya sa’kin. Nagmamadali naman akong maglakad habang pinapayungan niya ako at nahinto lang ako nang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko siya tiningnan at lihim akong napakuyom ng aking palad. I don’t want to feel confused, at hindi ko na alam kung si Ulysses pa rin ang gusto ko.
“Did I do something wrong?” tanong niya sa malamig na tono. Huminga muna ako nang malalim at marahang pumihit sa kaniya paharap. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso at naglulumikot lang ang aking mga mata para makaiwas sa titig niya.
“I have something to say and I want you to listen carefully and understand”
“If this is what happened yesterday, well I’m sorry. I just like you so much that’s why I did that.” Napapikit na lang ako nang mariin at saka mabilis na lang siyang tinalikuran. Kahit na malakas ang ulan ay sumugod ako para lang maiwasan siya.
Nang makapasok na ako sa loob ng building namin ay nagulat ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop pa ito. Nauna siyang maglakad at ako naman ay sumunod lang sa kaniya at nakatingalang nakatingin sa kaniya ngunit nasa harap naman ang tingin niya.
Dinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin at iyong iba naman ay matatalim ang titig sa’kin. Pilit ko namang kinukuha ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
“J-jeremy”
“Don’t mind them. I don’t care what they are thinking.” Hinaklit kong bigla ang kamay ko kaya doon lamang niya ako tiningnan.
Kunot-noo niya akong tiningnan at sinulyapan ko pa ang mga estudyante sa paligid namin. Nang balingan ko siya ay nakatitig pa rin siya at wari ko’y hinihintay lang akong magsalita. Lalakasan ko na ang loob ko at ayoko nang mag-isip pa ng kung anu-ano.
“I want you to stop Jeremy. Iba na lang ang gustuhin mo dahil__” Natigilan ako sa sasabihin ko at para bang hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya pero kailangan kong gawin ito. “Because I’m in love with someone else.” Wala akong narinig na ano mang salita sa kaniya at basta lamang siyang nakatitig sa’kin.
“So, is it him?” Napalunok ako at hindi makatingin sa kaniya ng deretso. Tumango lang ako nang nakayuko dahil hindi ko kayang tingnan siya. “You’re such a great liar Madeline”
“He’s now my boyfriend,” dagdag ko. Pansin ko ang pag-igting ng panga niya at halata rito ang galit. “Ngayong alam mo na siguro naman titigilan mo na ako?" Hindi siya makapagsalita at nagpakawala lang siya nang malakas na buntong hininga.
“Hoy Jeremy! Mamaya ka na makipaglandian d’yan may practice pa tayo!” Sabay kaming napalingon sa tawag ni Macky sa kaniya. Hindi na niya ako sinulyapan pa at naglakad na lang palayo.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang papalayo siya sa kinaroroonan ko at parang may tumusok sa aking puso. Ito naman talaga ang gusto ko ang lumayo na siya sa’kin ng tuluyan. Hindi ko na gusto pang may malaman tungkol sa kaniya kung sino ba siya at kung may kaugnayan ba siya sa taong sinasabi nila daddy. Ayokong masaktan si mommy at lalong-lalo na si daddy dahil mahal na mahal niya si mommy. Kung sino man ang taong iyon ay wala na akong pakialam basta sa ikabubuti ng pamilya ko.
Nasa canteen kami ng mga kaibigan ko dahil lunch break namin. Hindi ko sila pinapansin ang mga kinukuwento nila dahil simula kanina ay hindi na maalis sa isip ko kung ano ang mga sinabi ko kay Jeremy. Ayokong makasakit pero iyon lang ang paraan para lumayo na siya sa’kin.
“Mads ‘di ba tama ako?” Napatingin akong bigla kay Nina at sinulyapan naman niya ang pagkain ko na kanina ko pa hindi kinakain at tinititigan ko lamang ito.
“H-ha? May sinasabi ka ba Nina?”
“Mads, may problema ka ba? Kanina pa namin napapansin ni Ellaine na parang ang lalim ng iniisip mo eh. Pinagalitan ka ba ni Tito Marco dahil kasama mo si Jeremy?” Umiling ako sa kaniya at tipid lang na ngumiti.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol kay Jeremy at iyong mga narinig ko na pag-uusap nila daddy at Papa Mazer. Pero ayoko nang maglihim pa sa kanila at kung hindi ko sasabihin ay lalo lang akong mapapraning. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at gulat nila akong tinitigan.
“Madeline, kamukha lang niya siguro ‘yon at wala naman sigurong kinalaman si Jeremy sa nakaraan ng mommy mo eh. Just trust her Mads okay? Hindi nagsisinungaling si Tita Mace and I’m sure si Tito Marco lang ang minahal niya,” paliwanag naman ni Ellaine.
“If ever man na ex nga ni Tita Mace ‘yon, it’s part of her past at ano naman kung magkamag-anak si Jeremy at ‘yong past niya? Big deal ba ‘yon?” takang tanong naman sa’kin ni Nina.
“It’s not Nina pero, I don’t know how to explain”
“Mads, binasted mo si Jeremy ng hindi inaalam ang totoo? You think that’s the right thing to do?” Natahimik ako sa sinabi ni Nina at napasandal na lang sa aking kinauupuan. “Sabagay, hindi mo naman pala talaga gusto si Jeremy in the first place at masyado kang loyal sa Ulysses mo,” sabay duro niya pa sa’kin.
Tama, si Ulysses naman talaga ang gusto ko. Naalala kong bigla na may sorpresa raw siya sa’kin at ito na siguro ang hinihintay ko. Hindi si Jeremy ang para sa’kin at alam kong attracted lang ang nararamdaman ko sa kaniya ‘di tulad ng kay Ulysses na noon pa man ay gusto ko na.
Nang matapos na kaming kumain at nasa labas na kami ng canteen nang mapansin naman namin ang ilang estudyante na nagtatakbuhan at tila papunta sila sa gym. Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy lang ang paglalakad ko patungo sa susunod na klase namin.
“Miss, anong meron? Bakit lahat yata ng estudyante nagkakagulo?” tanong ni Ellaine sa nakasalubong naming dalawang estudyante at halatang doon din patungo.
“May laban ngayon ‘yong team ni Jeremy at team ni Jk. Dalawang star ng basketball team ang magkalaban ngayon!” kinikilig naman na wika ng isa.
“What?! Oh my God bakit hindi namin alam ‘yan? Let’s go Nina, Mads kailangan natin mag-cheer sa dalawang papabols!” Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin niya kami papunta sa gym.
Pagpasok naming tatlo ay narinig na kaagad namin ang malalakas na hiyawan ng mga taong nanunuod at pati ang mga prof ay nandirito rin. Nagulat pa ako dahil nandito rin ang sana’y prof namin sa susunod na subject. Halos mabingi naman ako dahil sa lakas ng mga sigaw nila at naghalo pa ang dagundong ng drum kapag isa sa kanila ay nakakapuntos.
Pumwesto naman kaming tatlo sa bandang gitna at tiningnan ko pa ang score sa board at lamang lang ng konti ang team ni Jeremy. Tulala lang akong pinapanuod siya at halata na rito ang pagod at puno ng pawis ang katawan. Sinulyapan ko naman ang kapatid kong si Jk at nang makapuntos ito ay mas lalong lumakas ang sigaw ng mga estudyante.
Nakita ko naman na binulungan ni Macky si Jeremy at pagkuwa’y tumingin sa aming kinaroroonan. Nang makita na niya ako ay mabilis siyang nagbawi nang tingin at nagpokus na lang sa kaniyang laro. Parang nakaramdam ako nang dissappointment at alam kong galit siya sa’kin. Pero mas okay na rin ito na hindi na niya ako ginugulo pa.
Bigla namang nagkaroon ng tie breaker at natawagan pa si Jk ng foul. Napabuntong-hininga na lang ako at nagrequest pa ng time-out ang coach nila. At nang magsisimula na ulit ay si Jeremy naman ang magsho-shoot pero bago niya pa gawin iyon ay kinuha niya ang mic habang hawak niya ang bola sa isang kamay niya.
“Madeline, when I shoot it twice, it means you're now my girlfriend. But when only one comes in, I won't bother you anymore.” Nanlaki pa ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at napalingon pa ako sa dalawang kaibigan ko na tila nagulat din.
Pumasok ang una at walang kahirap-hirap niya ‘yong ginawa. Alam kong magagawa niya ‘yon sa pangalawang pagkakataon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos noon. Pinagpapawisan na ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin na sana ay pumasok o sana ay hindi. Pumikit na lang ako at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Nagmulat na lang ako nang magsigawan ang mga tao at nakita kong tumalikod na si Jeremy.
“Mads,” mahinang tawag sa’kin ni Nina. Sinulyapan ko siya at halata sa mukha niya ang lungkot.
“W-what happened?” nauutal kong saad.
“Tapos na ang laro at panalo na sina Jeremy”
“And then?”
“You should be happy Mads dahil finally hindi ka na niya kukulitin,” sagot naman ni Ellaine.
Dapat nga ba talaga akong matuwa? Pero bakit parang kabaligtaran naman ang nararamdaman ko? Ito naman ang gusto ko ang tigilan na niya ako, at ngayong natupad na ay dapat ipagpasalamat ko pa ‘yon dahil sa wakas ay wala ng ipis na susunod-sunod sa’kin saan man ako magpunta.
Nauna nang umuwi sina Ellaine at Nina dahil may isa pa akong susunod na klase. Mag-gagabi na rin nang matapos ang huling klase ko at umuwi na rin si Jk. Papalabas na ako ng building namin nang mamataan ko naman si Jeremy kasama ang ibang team mates niya. Hindi ko alam kung saan ako liliko at kung tatalikod ba ako para lang iwasan siya.
Nang malapit na sila sa kinatatayuan ko ay nagyuko na lamang ako at kunwa’y hindi ko sila napansin. Napahinto ako nang lagpasan nila ako at narinig ko pa ang isang boses ng babae. Nilingon ko sila at nakita kong umangkla pa ang babae sa braso ni Jeremy. Alam kong nakita niya ako at sinadya niyang hindi pansinin.
“Congratulations bibi! Dapat mag-celebrate tayo.” Tumingin pa sa’kin ang babaeng kasama niya at saka inihilig pa niya ang ulo nito sa balikat ni Jeremy. Narinig ko pa ang sinabi ni Jeremy pero mabilis ko na rin silang iniwan.
Pabali-balikwas naman ako sa aking kama at kanina ko pa pinipilit matulog pero sadyang ayaw makisama ng mga mata ko. Tumayo ako sa kama at nagpasyang pumunta sa kusina at magtimpla ng gatas para naman makatulog na ako. Pagkatapos kong magtimpla ay nag-scroll muna ako sa cellphone ko at napailing na lang ako dahil nagpost na naman ng hugot lines si Nina. Nagpop-up naman sa screen ko ang pangalan ni Ellaine at binasa kong kaagad ang chat niya.
“Guess whom I saw here at the restaurant Mads”
“Who? Artista ba ‘yan?” reply ko naman sa kaniya.
“Something like that Mads at sikat siya.” Magrereply pa sana ako sa kaniya nang magpasa siya ng picture.
Napatulala na lang ako sa nakita ko at mahigpit ko pang nahawakan ang cellphone ko. Nakaakbay si Jeremy sa babaeng nakita ko kaninang kasama niya at mukhang sweet na sweet ang dalawa. That’s right, I forgot that he’s a playboy at kayang-kaya niyang kumuha ng babae kahit ilan pa ang gusto niya. Tama nga lang talaga ang naging desisyon kong iwasan na siya. Pero may mali, iba ang sinasabi ng puso ko sa sinasabi ng isip ko. Nasasaktan ba ako? Nagseselos o nagsisisi sa mga binitawan kong salita sa kaniya?
Hindi ko na ininom pa ang gatas ko at tinapon na lang ito sa lababo. Napapitlag pa ako sa gulat nang makita si Jk na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina. Mataman itong nakatingin sa’kin at naka-krus pa ang kaniyang mga braso. Alam kong alam na niya kung ano ang nangyari sa’min dahil balita na rin ito sa buong campus.
Lumapit pa siya sa’kin at bumuga sa hangin. “Sleep well, maaga pa tayo bukas”
“Saan tayo pupunta?” kunot-noo kong tanong sa kaniya.
“Malalaman mo rin bukas.” Tumingin pa siya sa kaniyang orasang pambisig at muli akong binalingan. “Happy birthday my twin sister.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at napaawang na lang ang aking mga labi.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at past twelve na pala. It’s our birthday and my eighteenth birthday. Sumagi namang bigla sa isip ko si Ulysses. Paano kung magtapat siyang bigla sa’kin? Tulad pa rin ba ng dati ang nararamdaman ko sa kaniya sakali mang magsabi siya sa’kin ng nararamdaman niya?
Muli kong binuksan ang cellphone ko at tiningnan ang pinasa sa’king picture ni Ellaine. Gusto kong malaman kung totoo na nga ba talaga ang nararamdaman ko kay Jeremy at hindi ito basta inis lang. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang bawat t***k nito.
“I-I t-think it’s him. He is the one that makes my heart beat faster,” nasabi ko na lang sa aking sarili.
Am I too late para bawiin pa sa kaniya ang sinabi ko?