CHAPTER 16

4152 Words
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha. Kinuha ko ang unan na nasa aking tabi at pinangsaklob ito sa aking mukha. Tamad pa akong bumangon dahil napuyat lang naman ako kagabi. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog at medyo masakit din ang ulo ko sa puyat. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at kaagad na yumakap sa’kin ang dalawang kambal kong kapatid na si Mavi at Margaux kahit na nakatakip ang mga unan sa aking mukha ay alam kong sila ‘yon dahil sa tuwing sasapit ang birthday namin ni Jk ay gusto nilang sila ang unang babati sa’min. “Happy birthday Ate pangit!” Kaagad na bungad sa’kin ni Margaux. Mabilis kong tinanggal ang unan sa aking mukha at tumayo sa aking pagkakahiga at mariing pinisil ang matambok niyang pisngi. Chubby kasi siya at gustong-gusto kong pinipisil ang mala-siopao niyang pisngi. “Kailan mo ba ‘ko tatawaging Ate ganda?” Sabay irap ko pa sa kaniya. “Pangit ka ate kasi walang nanliligaw sa’yo!” Pang-aalaska naman ni Mavi na nasa kabilang side ng kama ko. “Meron kaya ‘no! Hindi niyo lang alam. Saka maraming nagkakagusto sa’kin sa school” “Sus ate style mo bulok!” Tumawa pa siya pagkasabing iyon ni Mavi. Kunwa’y padabog akong tumayo sa kama at ipinusod ko naman ang mahaba kong buhok. Kinuha ko naman sa side table ang cellphone ko at napangiti na lang ako nang mabasa ang mga birthday message ng ilang mga kaibigan ko. Maya-maya’y bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kulang. Napansin naman ito ni Margaux at kaagad na lumapit sa aking tabi. “Ate are you okay?” Sinulyapan ko siya at may pag-aalala niya akong tinitigan. Tumango lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Pero ang totoo ay nalulungkot talaga ako at alam kong siya ang dahilan no’n kung bakit ako nagkakaganito. Ayaw ko man aminin sa sarili ko at pilit na itinatanggi na unti-unti na rin akong nagkakagusto kay Jeremy. Pero ngayon wala na, huli na at nailayo ko na siya sa’kin. I thought he likes me so much, pero bakit ang bilis naman yata niya akong palitan? Halos ilang oras lang nang bastedin ko siya at may kapalit na kaagad ako. Siguro ay pinaglalaruan niyang talaga ako o baka naman sinusubukan niya lang ako kung katulad din ako ng ibang mga babae na nakarelasyon niya. Playboy is always a playboy at hindi na magbabago pa ‘yon. Pero nasasaktan ako, sobrang sakit ang isipin na gano’n ang ginawa niya sa’kin. Pero malalagpasan ko rin ito at mabuti na lang ay hindi akong bumigay ng tuluyan sa kaniya. “Nalulungkot ka ba ate kasi binasted ka na ni Kuya Ulysses?” Napamulagat naman ako sa sinabi ni Mavi. Nakaupo siya sa gilid ng kama at may kakaibang ngiti itong tumitig sa’kin. Napabuga pa ako sa hangin at pinamey-awangan siya. Wala siyang pinagkaiba sa kuya niyang si Jk, gano’n na gano’n siya kung mang-asar. “W-what?!” Napakurap-kurap pa ako sa kaniya. “Ate Madie, halata namang matagal ka ng may gusto kay Kuya Ulysses eh. Sa tuwing pupunta siya rito o kaya magkasama kayo kulang na lang lumabas ‘yang utak mo sa sobrang kilig” “Hindi kaya! Saka ang bata-bata mo pa kung anu-ano na ‘yang pinagsasabi mo,” sermon ko pa kay Mavi na ngingiti-ngiti lang sa’kin. Kung alam lang nila na hindi na si Ulysses ang tinitibok nitong puso ko. Paano ko naman iiwasan ang ipis na ‘yon kung halos araw-araw kaming nagkikita at kahit na malaki ang school namin ay sadyang pinagtatagpo pa rin kami. Lalo na siguro kung makita ko siyang parating kasama ang haliparot na babaeng ‘yon. Pero ang pinagtataka ko na hindi naman sa Southville nag-aaral ang babaeng ‘yon. Ibig bang sabihin ay dalawa kaming nililigawan ng ipis na ‘yon? Naibagsak ko ang telepono ko sa side table na ikinagulat ng dalawang kapatid ko. “Ate galit ka ba? Sorry na binibiro lang naman kita eh.” Napatingin ako kay Mavi at nakalabi na ito sa’kin. “I’m not mad Mavi may naalala lang ako,” malungkot kong sambit sa kaniya. “Teka nga muna bakit nakabihis kayo? Saan ang lakad niyo?” Doon ko lamang napansin na nakapang-lakad sila at papalit-palit naman ang tingin ko sa kambal. “Remember ate na birthday mo ngayon and we’re going to eat outside.” May halong excitement namang turan ni Margaux at taas-baba pa ang kilay nito. Napatapik pa ako sa aking noo dahil wala namang sinasabi sa’kin si mommy at daddy tungkol sa plano nila. I thought na tulad din last year na maghahanda lang kami rito sa bahay at salu-salo kaming kakain. Oo nga pala at eighteen na ako at syempre mas espesyal ang araw na ito kumpara sa ibang dumaang birthday ko. They always asked me if I want a debut party, pero mas gusto ko ang simple lang at kasama ang pamilya ko. Alam kong parehong busy si mommy at daddy sa kani-kanilang mga propesyon pero hindi sila nagkulang sa aming magkakapatid lalo na sa mga mahahalagang okasyon tulad nito. Tumingin ako sa wall clock at pasado alas-siyete na ng umaga. Ang totoo niyan ay wala akong ganang lumabas ngayon at parang ang bigat ng katawan ko. Medyo masakit din ang ulo ko dahil sa puyat at pinilit ko lang talagang makatulog. “By the way, where’s mom and dad?” tanong ko sa dalawa. “Nauna na sila sa hotel ate dahil may aasikasuhin pa raw sila at__” Kita ko naman na pinandilatan ng mata ni Mavi si Margaux kaya hindi na nito naituloy ang kaniyang sasabihin. Pinanliitan ko naman sila ng mga mata at pinag-krus ko pa ang aking mga braso. Marahan namang tumayo si Mavi mula sa kaniyang pagkakaupo sa gilid ng kama at akmang tatalikod na ang dalawa ng kaagad akong humarang sa kanilang harapan at nanatili pa ring naka-krus ang aking mga braso. “Now tell me, what are you planning guys?” “Ate, ayaw ipasabi ni daddy na sa hotel tayo mag-stay at kasama sina Papa Mazer at Mama Tin and also Daddy Lo and Mommy La.” Napanganga na lang ako sa sinabi ni Margaux at kunwa’y inirapan pa ako nito. “Iyon lang ba?” “Oo ate at bilisan mo na riyan dahil hinihintay na nila tayo roon. At huwag ka ng masyado magpaganda dahil wala ka namang boyfriend.” Pagkasabing iyon ni Margaux ay kaagad na silang tumakbo palabas ng aking kuwarto. Mariin na lang akong napapikit at ginulo ko pa ang buhok ko dahil sa kakulitan ng mga ‘yon. Naligo na muna ako at pagkatapos ay tinungo ko naman ang walk-in closet do’n at naghagilap ng isusuot ko. Magje-jean sana ako kaso naisip kong sa hotel nga pala kami pupunta at tiyak magagalit sa’kin si Mommy La kapag nakita niyang napaka-simple ng suot ko. Hindi naman istrikto si Mommy La dahil noong bata pa ako ay gustong-gusto niya na binibihisan ako at siya pa mismo ang bumubili ng mga damit ko. May-ari kasi siya ng isang malaking boutique sa U.S at karamihan doon ay mga design ni Mama Tin. Pinili ko ang isang mint green dress na labas ang likod at tinernuhan ko ito ng two inches heels na may ribbon sa gilid. Napangiti na lang ako nang makita ang aking kabuuan sa salamin at marahan pa akong umikot. Kinuha ko na ang hand bag ko at ilalagay ko na sana roon ang cellphone ko nang tumunog ito at nakita ko sa screen na nagchat si Ulysses. “Happy birthday Madeline and see you later.” Napangiti ako at inilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko. Pagkarating namin sa hotel ay iginiya naman kami ng staff ng hotel kung saan naroroon sina daddy. Nasa lobby sila kasama sina Papa Mazer, Mama Tin at ganoon din sina Daddy Lo at Mommy La. Masaya nilang sinalubong kami at binati naman nila kami ni Jk. “Mommy hindi mo naman ako ininform na rito pala tayo magcecelebrate ng birthday namin ni Jk,” nakalabi kong saad sa kaniya. Hinalikan niya ako sa aking noo at tipid na ngumiti. “Because it’s a surprise and I want to make your birthday memorable” “Yes baby, and we want you to enjoy your special day.” Sabay lapit naman sa’kin ni daddy at hinalikan naman ako nito sa tuktok. “Thanks dad.” Pumunta kami sa isang restaurant na nasa loob lang nitong hotel. Marami silang inorder at halos ay mga paborito namin ni Jk. Jk and I were happy today because we were with the important people in our lives. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo naman ako sa inokupang kuwarto nila daddy. Ako lang mag-isa sa kuwarto na siyang ikinataka ko. Hindi na rin ako nagtanong at in-enjoy ko na lang ang magandang tanawin na nakikita ko sa labas ng bintana. Inirelax ko muna ang aking sarili at pinagmasdan ang mga tanawin. Kinuha ko ang aking telepono at kinunan ko ito ng mga larawan, lihim naman akong napangiti. Nang makaramdam ako nang antok ay nahiga na ako sa kama at mabilis naman akong nakatulog. Nakakarinig naman ako ng ilang taong nag-uusap sa 'di kalayuan sa'kin pero sadyang nakapikit pa rin ako. Narinig ko pa ang isang sinabi ng babae at hindi ko alam kung sino iyon kaya bigla na lamang akong napabalikwas at gulat ko naman silang pinagmasdan na abala sa kanilang ginagawa. “W-who are you? At saka a-anong ginagawa niyo sa kuwarto ko?” May halong takot kong tanong sa kanila. Lumapit naman sa’kin ang babaeng nakasalamin at may hawak itong isang malaking box na wari ko’y make-up kit ang laman noon. Ngumiti ito sa’kin at nagpakurap-kurap ko pa siyang tinitigan. “Tamang-tama at gising ka na hija. Halika na at aayusan na kita” “P-po? Teka lang po baka nagkakamali lang po kayo ng kuwarto na pinasukan.” Tumingin pa ako sa aking gilid at nakita ko ang isang pink gown kaya mas lalo akong nagtaka. “Ikaw si Madeline Mendez ‘di ba?” “A-ako nga po.” Ngumiti siya sa’kin. “Ako nga pala ang mag-aayos sa’yo and my name is Shiela at sila naman ang organizer nitong birthday mo.” Turo nito sa kaniyang mga kasama. Mas lalo akong naguluhan dahil ang alam ko ay simpleng birthday lang ito para sa’min ni Jk. Hinila na niya ako at pinaupo sa tapat ng salamin. Inilabas na niya ang kaniyang mga gamit at sinimulan na akong ayusan. Hindi na ako nakatanggi pa at magtatanong pa sana ako ngunit hinayaan ko na lang siya. Mamaya ko na kokomprontahin ang mga magulang ko pagkatapos nito. At nang matapos na niya akong ayusan ay ipinasuot na nila sa’kin ang isang pink gown. Simple lamang ito ngunit elegante. May mga beads din ito pababa at kitang-kita ito lalo na kung nasisinagan ng liwanag. Iniharap nila ako sa isang malaking salamin at namangha sa aking sarili. Lihim akong napangiti at hindi ko maalis ang tingin ko sa salamin. “Perfect! Ang ganda mo Madeline. Tiyak akong mahuhumaling lalo sa’yo ang manliligaw mo.” Napayuko na lang ako at pagkuwa’y hinarap si Ate Shiela na siyang nag-ayos sa’kin. “Siyanga po pala, nasaan sina daddy at mommy?” “Naku nauna na sila sa hall at doon ka na lang daw nila hihintayin.” Tumango lamang ako sa kaniya. Napalingon kaming pareho sa may pintuan nang pumasok si Jk at nakasuot ito ng tuxedo. Napatulala na lang ako sa kaniya dahil napaka-guwapo niya sa suot niyang iyon. Kung tutuusin ay kamukha niya si daddy noong kabataan niya at namana rin nito ang ugali niyang seryoso at pagiging masungit. Lumapit siya sa’kin at sinuri ang aking kabuuan. “You’re now a lady Madel,” seryosong wika niya. “So, alam mo na pala ang planong ito nila daddy at mommy?” nakaismid ko namang tanong. Nagkibit-balikat lang siya at inilagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. “Are you ready?” “I’m not yet ready Jk at hindi ako prepared.” Umikot pa ang mga mata ko sa ere at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Are you expecting him to come here?” Mabilis akong napabaling sa kaniya nang tingin at hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Alam kong nababasa niya ang mga nasa isip ko at alam na alam niya ang mga kilos ko kaya hindi ako puwedeng magkaila sa kaniya. Kahit naman sabihin ko sa kaniya ang totoo ay wala na rin naman siyang magagawa. Ayoko na siyang tanungin tungkol kay Jeremy dahil tiyak alam na niya na may iba na itong kinakalantari. Pero imbes na magalit siya kay Jeremy ay mukhang balewale lang ito sa kaniya. “I’m not! Saka isa pa hindi naman niya alam na birthday ko ngayon as if Nina and Ellaine told him about that” “What if he knew?” Tinitigan ko lang siya at hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at naramdaman ko ang paglapit niya sa aking gilid. Kinuha niya ang braso ko at ikinawit niya ito sa kaniyang braso. Napatingala ako sa kaniya at doon lamang sumilay ang ngiti niya sa mga labi. Pero napansin ko naman na parang may sugat ang ibabang labi nito at wari ko’y pumutok pa ito. Nangunot ang noo ko at muli siyang tinitigan. “What happened to that?” sabay turo ko sa ibabang labi niya. “Nothing. Nakagat ko lang kanina at saka malayo sa bituka ‘to. So, let’s go dahil kanina pa nila tayo hinihintay.” Hindi na ‘ko nagsalita at lumabas na kami ng kuwarto na tinutuluyan ko. Pagkarating namin sa mismong party hall ay iniwan na niya akong mag-isa sa tapat ng pintuan. Magtatanong pa sana ako ng bigla na lamang itong bumukas at bumungad ang ilang mga bisita na naroroon. Kita ko naman na nakatayo si daddy sa gitna at katabi naman nito si mommy. Marahan akong naglakad papunta sa kanila at halata ang ngiti nila habang papalapit ako sa kanilang kinaroroonan. Nang makalapit na ako ay kaagad akong niyakap ni mommy at hinalikan sa magkabilang pisngi ko. “Happy birthday my baby. Hope you like our surprise for you,” mangiyak-ngiyak na saad ni mommy. “Thank you mommy and I love you so much.” Niyakap ko naman siya at ganoon din siya. Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at binalingan ko naman si daddy. Napaka-guwapo pa rin niya sa edad niyang ito at bagay na bagay sa kaniya ang suot niya. Niyakap ko siya at hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol. Hindi kami humihiling ng mga materyal na bagay ni Jk pero sadyang sila lang ang makulit at binibigay ang lahat sa amin. Kumalas siya nang pagkakayakap at pinunasan naman ang mga luha ko na dumaloy sa aking pisngi. “Anak, magdedebut ka lang at hindi ka pa ikakasal. Mas lalo na siguro kung ikakasal ka na baka hindi na kita ibigay sa kaniya,” biro naman niya sa’kin. Narinig ko naman ang ilang tawanan ng mga tao na nandirito at natawa na rin ako. Si daddy ang una kong isinayaw. Yeah, I’m a daddy’s girl at hindi ko maipagkakaila ‘yon. Iniisip ko pa lang na darating ako sa puntong magkaka-asawa ako ay nalulungkot na ako. Naalala kong bigla ang mga pinag-usapan nila ni Papa Mazer noong nakaraan. What if tama nga ‘yong hinala nila? Pero hindi ko na kailangan pang isipin ‘yon dahil kakalimutan ko na si Jeremy. Kakalimutan ko na nagkakilala kami. Pagkatapos ay sunod ko namang isinayaw ang kambal kong si Jk at sumunod ang kapatid kong si Mavi. Kabilang din ang mga Montealegre brothers na naggaguwapuhan sa kanilang mga suot. Matagal ng magkaibigan ang daddy ko at mga Montealegre kaya napalapit na rin ako sa mga ito. Nagulat ako nang sumulpot sa gilid ko si Ulysses at siya ang escort ko ngayong gabi. Siya ang huli kong naisayaw at napailing na lang ako dahil mukhang pati siya ay kasama sa mga plano ng mga magulang ko. Dati kapag nakikita ko siya o kaya’y nadidikit sa kaniya ay nagkukumahog na kaagad itong puso ko at hindi mapigilang kiligin. Pero ngayon ay parang wala na lang ito sa’kin at normal na lang ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan at paano, naramdaman ko na lang na kay Jeremy na pala tumitibok ang puso ko. Sa tuwing makikita ko siya naiinis ako, nabubuwisit ako na parati na lang niya akong kinukulit. Pero ang hindi ko alam ay may kakaiba na pala akong nararamdaman para sa kaniya na hindi ko man lang namamalayan. “Madie, are you okay?” Napapitlag ako nang magsalita si Ulysses habang nagsasayaw kami. “O-okay lang ako.” Ngumiti ako sa kaniya ng pilit. “Kanina ko pa napapansin na parang tulala ka eh. May problema ba?” Umiling ako sa kaniya at tumingin sa malayo. Na-estatwa akong bigla na parang nakita ko si Jeremy na nakatayo malapit sa pinto. Matagal ko itong tinitigan at sinisipat kung siya nga ang nakita ko. Ilang sandali pa ay tumalikod na ito at akmang hahabulin ko pa siya nang hawakan ako ni Ulysses sa aking braso kaya napabaling ang atensyon ko sa kaniya at taka niya akong tinitigan. “May problema ba Madeline?” May pag-aalala niyang wika. “Sorry may nakita lang ako. Pero kamukha lang niya siguro ‘yon.” Nang tingnan ko kung saan siya nakapuwesto ay wala na ito roon. Medyo matagal ding natapos ang birthday party ko at nagtungo ako sa dressing room para magpalit ng damit ko. Naupo ako sa couch at isinandal ang aking likod at saka pumikit. Unti-unti kong nararamdaman ang pagod pero masaya naman ako sa ginanap na party. “Madz! Happy birthday!” Napadilat ako ng mata at nakita kong papalapit si Ellaine at Nina. Kunwa’y inirapan ko pa sila at sinamaan nang tingin. Alam kong isa rin sila sa may pakana nitong lahat dahil sila ang malalapit kong mga kaibigan at kinutyaba ng mga magulang ko. Pinagigitnaan naman nila akong dalawa at niyakap ako nang makaupo na sila sa tabi ko. “Alam kong may kasalanan kami sa’yo pero sorry na agad.” Natawa na lang ako sa sinabi ni Nina. Umayos sila sa kanilang pagkakaupo at hinarap ako. “Salamat sa inyo. Alam kong kayo ang punong-abala para maganap itong birthday ko.” Inihilig ko pa ang ulo ko sa balikat ni Ellaine. “Hindi lang kami, syempre lalo na si Tita Mace at higit sa lahat ang kuya mong si Jk.” Napatayo akong bigla at gulat na tinitigan si Ellaine. “Si Jk?” “Hmmn. Mahigpit niya pang binilinan ang mga cook na huwag na huwag silang magseserve na wala sa menu. At take note ha! Bago i-serve ang mga pagkain siniguro niya na walang bawal na pagkain sa’yo ang i-seserve nila. Mas mukhang nagkaroon pa ng trauma iyong kuya mo kaysa sa’yo eh.” Naiiling na paliwanag ni Ellaine sa’kin. Natahimik akong bigla at hindi alam kung ano ang mararamdaman ko. He is cold as ice but at the same time ay ginagampanan naman niya ang pagiging panganay niya sa’ming magkakapatid. Napayuko na lang ako at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. “Hoy Madz anong nangyayari sa’yo? May masakit ba sa’yo? Teka lang tatawagin ko si Tito Marco.” Tatayo na sana si Nina nang magsalita naman ako. “Nasasaktan ako Nina. Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Sobrang sakit na parang sinasaksak itong puso ko. Alam kong kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan.” Hindi ko na napigilang mapahagulgol at naitakip ko na lang ang mga palad ko sa aking mukha. “Ano bang sinasabi mo Madz? Sinaktan ka ba ni Ulysses?” Hinarap ko naman si Ellaine at halata sa itsura nito ang labis na pag-aalala. “I liked him Ellaine, I really do! Ang tanga ko dahil mas inisip ko pa ang sarili ko at sa mga narinig ko kaysa sa nararamdaman niya. Anong gagawin ko? It’s my fault!” Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang sinasabi ko ang bawat katagang iyon. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang masaktan, sana pala ay noon ko pa siya pinalayo sa’kin at hindi ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa kaniya. Ilang minuto kaming nasa ganoong sitwasyon nang may biglang kumatok. Kaagad kong inayos ang sarili ko at baka si daddy o si mommy ang kumakatok. Ayoko silang mag-alala pa at tiyak hindi nila ako titigilan hangga’t hindi ako nagkukuwento sa kanila. Si Ellaine na ang nagbukas ng pinto at bumungad naman si Ulysses na ngayo’y naka-white long sleeve na lang. Pinapasok na siya ni Ellaine sa loob at sabay namang nagpaalam ang dalawa kong kaibigan kaya kami na lang ni Ulysses ang naiwan sa dressing room. “Ano palang ginagawa mo rito Ulysses? May kailangan ka ba?” Umupo siya sa tabi ko at pagkuwa’y may kinuha sa kaniyang bulsa. Inabot niya sa’kin ang isang maliit na box na may pulang ribbon pa sa gitna. Napangiti ako at tinanggap naman ito mula sa kaniya. Kaagad ko itong binuksan at nakita kong isa itong silver bracelet at simple lamang ang design nito. “Pasensiya ka na kung iyan lang ang nakayanan ko ah?” May himig na lungkot sa kaniyang tinig. “Ano ka ba Ulysses parang hindi mo naman ako kilala. Hindi naman ako mahilig sa mga materyal na bagay eh.” Napangiti naman siya at pansin ko ang malalim na biloy nito. Kinuha niya sa’kin ang box at siya na rin ang nagsuot ng bracelet sa’kin. “May sasabihin pala ako sa’yo at gusto kong ikaw ang unang makaalam.” Kung dati ay excited ako sa tuwing may sasabihin siya ngayon ay normal na lang sa’kin. Paano nga kaya kung ito ‘yong iniisip ko noon pa? Paano ko sasabihin sa kaniya na may iba akong gusto? May masasaktan na naman ba ako? Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga saka ako nagsalita at pilit na ngumiti sa kaniya. “Ano ‘yon?” Tinitigan niya ako sa mata at medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang. “I already have a girlfriend.” Napataas bigla ang mga kilay ko at napamaang sa aking narinig. So, ito pala ang gusto niyang sabihin sa’kin noon pa na sa pag-aakala kong may gusto rin siya sa’kin. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil masyado akong naging assuming at hindi naman pala ako ang gusto niya. Kung nagkataon siguro na siya pa rin ang gusto ko baka doble ang sakit na maranasan ko dahil matagal ko rin naman siyang naging crush at sa isang iglap lang ay nawala ito at kay Jeremy ko naramdaman ang hindi ko naramdaman kay Ulysses ngayon. “Talaga? Well, congrats! Kasama mo ba siya ngayon?” “She’s not with me, actually kasama ko siya dapat kaso may biglang lakad siya kaya sabi ko next time ipapakilala ko siya sa inyo.” Halata naman sa mga mata niya na masaya siya sa girlfriend niya at masaya rin ako para sa kaniya. Nagtagal din ang kuwentuhan namin at parati niyang ikinukuwento ang girlfriend niya. Sinabi niya pang kilala raw namin ito at naging school mate sa dati naming pinapasukang school. Na-excite naman akong bigla and I’m sure na mabait din ito tulad ni Ulysses dahil kita ko sa kaniya kung paano niya purihin ang kasintahan niya. Nagsisimula na ang night party at lahat ng mga bisita ko ay nag-eenjoy. Hinanap ko muna sina mommy at daddy at sabi ni Ellaine ay kasama raw nito sina Papa Mazer at ang ilan nilang mga kaibigan na nagtungo sa roof top nitong hotel. Nagpasya naman akong lumabas ng hall at pumunta sa kuwarto ko para makapagpahinga na. Iniwan ko na ang dalawang kaibigan ko sa party at hinayaan ko na lang silang mag-enjoy. Naglalakad na ‘ko sa hallway at nakita ko naman sa may ibaba ang isang lalaki na nakatayo malapit sa information at tila may hinihintay kaya bigla akong napahinto. Hindi ako sure pero parang si Jeremy siya kung pumorma at ganoon din ang tindig niya. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil mukhang namamalik-mata lang ako at epekto na rin siguro ito ng puyat. Akmang maglalakad na ‘ko nang humarap siyang bigla at ngumiti pa ito. Nagulat ako nang makilala siya. Ito na naman ang dibdib ko na animo’y karera at nag-uunahan sa finish line. Nanlumo ako ng may babaeng yumakap sa kaniya at ito rin ‘yong babaeng nakita ko sa school. Mabilis na lang akong tumalikod at naglakad palayo. Imbes na sa kuwarto ko ako magtungo ay dinala ako ng mga paa ko sa hall kung saan nagpaparty pa ang mga bisita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD