Habang naglalakad naman ako sa kahabaan ng corridor ay nakahawak naman ako sa pader na animo’y matutumba ako. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mga katagang binitawan niya at parang isang iglap lang ay naglaho na kaagad ang pagmamahal niya sa’kin.
Kanina ko pa naririnig ang tunog ng telepono ko pero hindi ko ito pinapansin. Parang bigla akong nawala sa ulirat at ang gusto ko lamang ay makaalis na sa lugar na ito. I know he doesn’t want to see me anymore at hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay sa kaniya ‘yon. He gave up, what else can I do? Kailangan ko na rin bang tanggapin na wala na kaming pag-asa at iyon ay dahil sa kagagawan ko?
Paliko na sana ako sa may hagdan nang makita ko naman si Jeremy na nakatayo at tila may kausap pa ito. Humakbang ako patagilid para makita kung sino ang kausap niya at nagulat na lang ako nang mapagsino ito. Walang sabi-sabi niya itong isinandal sa pader at pagkuwa’y inilapit ang mukha niya rito. Alam ko kung anong posisyon iyon, kahit na hindi ko kita na magkalapat ang mga labi nila.
Dahil sa nakita ko ay kaagad akong tumalikod at nakakailang hakbang pa lang ako nang bumangga ako sa isang malapad na dibdib na kamuntikan ko nang ikatumba. Mabuti na lamang ay nahawakan niya ako sa aking kanang braso.
“P-pasensya ka na hindi ko__” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang mag-angat ako ng aking tingin at makilala ang lalaking nakabangga ko. “S-sir Toby?”
“You look terrible. Is there something wrong?” Yumuko ako para umiwas sa kaniyang nang tingin.
At ng hindi ko siya marinig na nagsalita ay nag-angat ako nang tingin at nakamasid siya sa aking likuran kung nasaan si Jeremy at ang babaeng iyon. Binalingan niya ako at tinuon ko ang tingin ko sa ibang direksyon. Maluha-luha na ako pero pinigilan kong bumagsak ang aking mga luha.
“Hindi lahat nang nakikita mo ay totoo. Be careful on your way out.” Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ako.
Nang lingunin ko siya ay wala na rin doon sina Jeremy. Anong ibig sabihin ni Sir Toby? Wala siyang alam and he doesn’t even know me. My head hurt, my heart hurt at kahit ang mata ko ay masakit na rin at ayaw pa ring tumigil sa kakaiyak. This is the last time that I cried for him. Pero paano ko naman siya maiiwasan kung patuloy ko pa rin siyang makikita?
Wala akong naabutan nang umuwi ako ng bahay. Sabi ni Manong Eddie ay lumabas daw si mommy at daddy dahil may aatenan daw itong isang event. Sina Mavy at Margaux naman ay may retreat daw sa Batangas at bukas naman daw ang uwi. Ang kakambal ko namang si Jk ay hindi ko pa rin nakikita at malamang ay busy siya sa kaniyang school activities.
Dumiretso ako sa aking kuwarto at kaagad na sinarado ang pinto. Sumandal ako sa pintuan at napabaling ang tingin ko sa stuff toy na binigay ni Jeremy. Lumapit ako roon at kinuha ang stuff toy at inilagay ito sa loob ng aking cabinet. Nakapagdesisyon na ako, I don’t want to see him anymore if that’s what he wants. Kaya pala gano’n siya dahil may iba na siyang kinakalantari. Kasalanan kong naniwala ako sa kaniya na mahal niya ako.
Naligo muna ako at nagpalit ng aking pantulog. Nasa harapan ako ng salamin at sinusuklay ang aking mahabang buhok nang mapansin ko ang medyo mugto kong mga mata. Napapikit na lang ako at malalim na napabuntong-hininga. Sa mga oras na ito siguro ay masaya nang naglalampungan ang dalawa at malamang ay nakakandong pa ang haliparot na babaeng iyon kay Jeremy.
Sa pag-iisip kong iyon ay walang sabi-sabing ibinato ko ang hawak kong suklay sa salamin. Nagkaroon ng konting lamat ito at nakatitig naman ako rito. Kaya ko namang tanggapin ang lahat. Kahit anong masasakit na salita ang sabihin niya ay balewala lang sa’kin. Pero ang makita ang hindi ko inaasahan ay para bang pinatay na niya ako.
Tatayo na sana ako nang tumunog naman ang aking telepono. Kinuha ko ito at nakita kong roaming number ang naka-register sa phone ko. Paniguradong si Brielle ito. Pamangkin siya ni Ninong Leonard at kasalukuyang nag-aaral sa States. Magkasing-edad lang kami at isa rin siya sa malalapit kong kaibigan.
Tumikhim muna ako bago ito sagutin. “Hello, Brielle! Kumusta ka na?” Pinasigla ko naman ang boses ko para maitago ang sakit at lungkot na nararamdaman ko.
“Thanks God sumagot ka na rin sa tawag ko! Kanina pa kaya kita tinatawagan.” Parang nakikita ko na ang mata nito na nakairap sa’kin.
“Sorry Brielle may klase kasi ako kanina eh.” Siya pala ang tumatawag kanina na hindi ko nasagot dahil kay Jeremy. “Bakit pala napatawag ka? May problema ba?”
“Wala naman namimiss lang kita. Wala kasi akong masyadong kaibigan dito eh. Mga babae rito mga ipokrita!” Napangiti na lang ako dahil sa reklamo niya. “Kung dito ka na lang kaya mag-aral? I’ll tell Tito Marco na kung puwede rito ka na lang para naman may bestfriend ako rito”
“Brielle, hindi puwede. Sayang naman kasi kung__” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin at may bigla akong naisip.
I think this is the right time para lumayo na ako sa kaniya. Mahirap, pero sa tuwing makikita ko siya ay lalo lang akong masasaktan at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang kalimutan siya. He made a decision, he doesn’t want me anymore and I think this is the only way to stay away from him and to forget about him.
Umayos ako sa aking pagkakaupo at pinasadahan ng dila ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba si mommy sa magiging desisiyon ko at kung paano ko sasabihin sa kaniya ang dahilan.
“Sige Brielle I’ll talk to mom tomorrow”
“Talaga Madie? Yehey! I love you na talaga!” Siya na ang nagbaba nang tawag at marahan ko namang ibinaba ang aking telepono.
Alam kong iisipin nila mommy na si Jeremy talaga ang dahilan kung bakit agad-agad akong lilipat ng school. Wala naman akong mahagilap na dahilan dahil alam nila noong una pa lang na ayoko talaga sa States mag-aral dahil mas gusto kong kasama sila rito.
Hihiga na sana ako nang kumatok naman ang kasambahay namin. Kaagad ko siyang pinagbuksan at nagulat pa ako nang makita ko sa tabi niya si Joaquin. Nakangisi ito sa’kin nang nakakaloko at pinagkrus ko naman ang aking mga braso.
“Anong ginagawa mo rito?” Nakataas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.
Pinaalis ko na ang kasambahay namin at kami na lang ni Joaquin ang naiwan. Nakasandal ako sa hamba ng pintuan at matamang nakatitig sa kaniya.
“I just want to check on you if you’re okay”
“Huh! At kailan ka pa naging concern aber?” sabay irap ko sa kaniya.
“Mom wants to see you. She misses you and also Aki. Kaso nga lang mukhang wrong timing yata ako ngayon.” Kumunot ang noo ko at nginusuan ko siya. “Until now hindi ka pa rin nagbabago, iyakin ka pa rin,” pang-aalaska niya pa sa’kin.
I know what he mean. Sino ba namang hindi magtataka dahil halata sa mga mata ko na namumugto ito. Kahit itago ko pa ito hindi mapagkakailang masyado na pala akong nasasaktan. Hindi maipagkukumpara ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa ipinaramdam kong sakit kay Jeremy kaya siguro naghanap siya ng kapalit. Alam kong hindi malabong mangyari ‘yon because he’s a f*****g playboy, no matter how many girls he like, he can easily get them.
“Wala ka na ro’n. Pakisabi na lang kay Tita Trinity and Aki that I’ll visit them one of these days kapag confirm na ‘yong pag__” Natigilan ako at taka namang nakatingin lang sa’kin si Joaquin. “I mean kapag hindi na ako masyadong busy”
Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako palabas ng kuwarto ko. Halos madapa naman ako sa pagbaba ng hagdan dahil sa mabilis naming pagbaba at malakas ko naman siyang pinalo sa kaniyang braso pero hindi lang niya ako pinansin.
Dinala niya ako sa isang malawak na parke malapit lang dito sa amin at umupo ako sa bench. Tumabi siya sa’kin at iniabot sa’kin ang cotton candy na nasa lalagyan. Iba-iba ang kulay nito na parang isang bahaghari. Alam niyang mahilig ako sa cotton candy kahit noong bata pa ako. Sa tuwing nalulungkot ako bibilhan lang ako ni daddy nito at maya-maya ay okay na ako. Naalala ko namang bigla si Jeremy. Hindi ko namalayang may tumulong luha na pala sa pisngi ko at kaagad ko naman itong pinunasan.
“I just made mommy an excuse to see you if you’re okay. I guess you’re not am I right?” Hindi ako kaagad nagsalita at tumingin lang sa malayo.
Noong una akala ko may gusto itong si Joaquin sa’kin dahil noong mga bata pa kami ay wala siyang ginawa kun’di ang asarin ako at paiyakin. And afterwards, susuyuin na niya ako at bibigyan ng mga candies para tumahan na ako. He’s like a brother to me at gano’n din ang iba niyang mga kapatid. At kaya alam na alam din niya ang magpapasaya sa’kin kapag ganitong nalulungkot ako.
“Sa tingin mo ba kapag lumayo ako makakalimutan ko siya? Mawawala ba kaagad ‘tong sakit na nararamdaman ko?” Marahan akong tumingin sa kaniya na may panunubig ang mga mata.
Hindi ko alam kung bakit sa kaniya ko sinasabi ang mga bagay na ito. Hindi naman niya ako maiintindihan dahil hindi niya pa nararanasan ang nararanasan ko. Gusto ko lang naman mailabas ang sama ng loob ko kahit na hindi na siya magsalita.
“At sa tingin mo ba gano’n kadali ‘yon? Ask your dad kung mayroong gamot para d’yan. Kung gusto mo naman magpa-brain transplant ka kung gusto mong makalimutan ang kulugong iyon.” Ewan ko kung matatawa ba ako sa huling sinabi niya. “Pero ito lang ang masasabi ko sa’yo, just follow your mind and not your heart. Kung sinasabi naman utak mo na kalimutan na siya, go on. Pero kung siya pa rin ang tinitibok ng puso mo, dapat handa kang masaktan nang paulit-ulit. Manhid ka dapat sa bagay na ‘yan.”
Nagtataka na lang ako kung si Joaquin ba itong kausap ko. Hindi ko lubos na maisip na isang Joaquin Montealegre ay magsasalita ng ganitong ka-seryoso. Alam kong isa siyang mainitin ang ulo at hindi pasensyoso at higit sa lahat kinatatakutan ng ibang mga estudyante dahil isa siyang Montealegre na walang sinasanto kahit sino.
“What if I want to forget him but my mind won’t?” Tumayo siya sa aking harapan at nakatingala naman ako sa kaniya.
“It means may problema ka sa pag-iisip. Hindi ko maintindihan kayong mga babae kayo, gusto niyong makalimot pero ayaw niyo. Gusto niyong magmahal pero ayaw niyo namang masaktan. Anong akala niyo sa sarili niyo__” Huminto siya sa kaniyang pagsasalita nang mahalata niyang matalim na ang titig ko sa kaniya.
Tumikhim siya saka nag-iwas sa’kin nang tingin. Kahit kailan talaga wala sa hulog kausap minsan ang lalaking ito. Pero iyong sinabi niya sa’kin kanina ay may katotohanan din naman. Gusto ko na siyang kalimutan pero paano ko naman gagawin ‘yon sa isang iglap lang? Kung puwede nga lang ay sa isang pitik lang ay nakalimutan ko na siya o ‘di kaya’y mauntog ako nang malakas at magkaroon ako ng amnesia para iyong sakit na pinaramdam niya ay nakalimutan ko na rin.
“Sige na aalis na ‘ko at hindi na kita maihahatid kaya mo na naman umuwi ‘di ba?” Mabilis akong napatayo at pinamey-awangan siya.
“Hoy Wakz! Pagkatapos mo ‘ko kaladkarin papunta rito iiwan mo ‘ko mag-isa? Inistorbo mo ‘ko tapos pauuwiin mo ‘ko mag-isa?!” sigaw ko sa kaniya.
“Mahirap na baka mabanatan akong bigla. At kapag pinatulan ko naman magalit ka pa sa’kin.” Tumaas bigla ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Huwag ka na mag-isip, and I’m sure wala mangyayari sa’yo rito kung sakaling iwan kita mag-isa rito. Kaysa naman masaksihan mo ang ayaw mong makita.” Ngumisi pa ito sa’kin at saka tumalikod na.
Malakas akong napabuga sa hangin at pinagmamasdan siyang papalayo sa kinaroroonan ko. Nakakagigil talaga ang lalaking iyon kahit kailan! Padabog naman akong naglakad pauwi at inis na inis pa rin kay Joaquin.
Nang malapit na ako sa bahay namin ay napahinto ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay tila may sumusunod sa’kin. Dahan-dahan pa akong lumingon kung may nakasunod ba sa akin pero ako na lang ang tanging tao rito wala ng iba. Dahil sa kaba ko ay lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating na ako sa bahay.
“Humanda ka talaga sa’kin Joaquin pupulbusin kita ng pino!” sabi ko sa aking sarili habang papasok ako sa loob ng aking kuwarto.
Parang wala akong kalatoy-latoy habang naglalakad ako at papunta sa first class ko. Iyong kabog ng dibdib ko ay mas malakas pa yata sa tambol ng drum. Paano na lang kung muli kaming magkaharap ni Jeremy? Kailangan ko na ba magpanggap na hindi ko na rin siya kilala na parang walang nangyari o iiwas ba ako sa kaniya?
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at idinial ang number ni Brielle. Habang nagriring ito ay napatingin ako sa aking wrist watch at kasalukuyang gabi naman doon. Siguro naman ay gising pa ito.
“Hello Madie! Napatawag ka?” Masiglang sagot niya sa’kin.
“Puwede bang malaman ‘yong mga requirements para makalipat ako kaagad diyan? I need it as soon as possible Brielle”
“May problema ka ‘no?” Napalunok ako sa tanong niyang iyon.
“W-wala ah, gusto ko rin naman kasi ma-experience mag-aral diyan. Akala ko ba gusto mo ‘ko makasama? Nagbago na ba ang isip mo?” Kunwa’y nagtatampo ako.
“Hindi naman Madie. It’s not like you eh. Dati kinukulit kita na dito ka na lang mag-aral para naman may close friend ako kaso ayaw mo dahil ayaw mong iwan sina Tita Mace at Tito Marco. Kagabi pa lang tayo nag-usap pero heto nagmamadali ka nang makaalis. Tell me Madie, is there something wrong? Nag-away ba kayo ng daddy mo or ni Tita Mace?” Umiling lang ako na animo’y nakikita niya.
Tama na siguro na wala siyang alam dahil ayoko na rin namang pag-usapan pa si Jeremy. Dahil sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya o ‘di kaya’y maaalala ang sandaling pinagsamahan namin ay mas lalo lang bumibigat ang sakit na nararamdaman ko.
“Basta sabihan mo ‘ko kaagad kung ano ‘yong mga requirements na puwede kong kunin para makalipat na ‘ko riyan sa States. I want to go there with my own__” Napapitlag ako ng biglang may humablot ng telepono ko.
Pagtingala ko ay nakita ko ang galit na mukha ni Jeremy at saka nito pinatay ang tawag. Binalingan niya ako at kung kanina ay sing lakas ng tambol ng drum ang pagdagundong ng puso ko, ngayon naman ay parang isang tunog ng makina ng barko sa sobrang lakas nang t***k nito.
Habang nakikita ko pa rin siya ay siya pa rin talaga ang sinisigaw nitong puso ko. Kahit na sobrang sakit na ay siya pa rin talaga. Kung puwede rin nga lang ay pati puso ko palitan ko na rin para makalimutan nito na si Jeremy ang minahal ng pusong ito.
“Give back my phone.” Kukunin ko na sana ito nang iiwas niya ito sa’kin.
“So ‘you’re getting away from me huh? Is that all you can do?”
“Oo bakit? Hindi ba ayaw mo na sa’kin? You said that you gave up, what else should I do? Gusto mo bang habulin pa kita kahit na hindi na ako ang mahal mo gano’n ba?!” Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sigawan siya.
Sobrang sakit, napaka-sakit. Pero ang mas masakit ‘yong sa’kin mismo manggaling ang salitang hindi na niya ako mahal. Humakbang siya sa’kin palapit pero umatras naman ako palayo sa kaniya. Nakarinig kami ng ilang mga estudyante na nag-uusap at hinila niya ako palayo. Pumasok kami sa bakanteng classroom at kaagad kong hinaklit ang aking kamay. Sinamaan ko siya nang tingin pero masuyo lang siyang nakatitig sa’kin.
“Aalis na ‘ko baka malate pa ‘ko sa first class ko.” Hahawakan ko na sana ang pintuan nang humarang siya roon. “Ano ba kasing problema mo? Hindi na kita maintindihan!”
“Ikaw ang hindi ko maintindihan Madeline!” Napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya. “You said you love me? But you didn’t do anything to make me feel that. I just gave you a chance pero matigas ka pa rin. Kahit na gano’n, kahit na hindi ako ang taong espesyal sa’yo mahal pa rin kita.” Doon na tuluyang nagsibagsakan ang mga luha ko.
Alam kong hindi ako bingi at rinig ko ang bawat salitang sinabi niya. Hindi rin ito isang panaginip dahil ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko at iyon ay dahil sa kaniya.
“But you said you gave up. And I already saw you and that b***h kissing! Paano mo maipapaliwanag ‘yon? Hindi ako bulag Jeremy at ayokong maniwala sa kung ano pang sasabihin mo.” Umarko pa ang kilay niya na tila nagtataka sa sinabi ko.
“Who did I kiss? And who’s bitch.” Natigilan siya sa muli niyang sasabihin na para bang may napagtanto siya.
Napapikit pa siya at pagkuwan ay bumuga nang malakas sa hangin. Unti-unting sumilay ang ngisi niya sa mga labi na ikinataka ko. Para bang natuwa pa siya sa sinabi ko na mas lalo kong ikinainis.
“Ano?! Masaya ka kasi masarap siyang humalik?”
“What?”
“Puwede ba Jeremy naiinis na ‘ko sa’yo ah!”
Mabilis niya akong hinapit sa aking baywang at isinandal sa may dingding. Bahagya niyang itinaas ang kanang kamay ko at inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. Napasinghap ako at halos hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa niya. Nakailang lunok pa ako at saka umiwas sa kaniya nang tingin.
“Now tell me my wife, ganitong ayos ba ‘yong nakita mo?” Kinagat ko ang ibabang labi ko pero nasa ibang direksyon pa rin ako nakatingin. “Please look at me kung ayaw mong dito pa kita kainin.” Mabilis akong napabaling sa kaniya nang tingin dahil sa takot na baka totohanin niya ang sinabi niya. Marahan akong tumango sa kaniya pero hindi pa rin siya lumalayo sa’kin at hindi pa rin niya ako binibitawan. “Nakita mo bang magkalapat ang mga labi namin?” Umiling ako sa kaniya. “Do you want to know what I did to that b***h and what did I tell her?”
“H-ha? A-ano?” nauutal kong tanong sa kaniya.
Hinawakan niya ang leeg ko at inilapit ang bibig niya sa aking tainga. Nakaramdam ako nang kiliti at bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa aking batok at braso.
“If you hurt my wife, I’ll bury you alive. Don’t you f*****g dare me.” Unti-unti siyang lumayo sa’kin at binitawan na ang aking kamay.
All this time he knew what she did to me. Iisa lang ang ibig sabihin nito. But how? Lumapit siyang muli sa’kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit niya ang aming mga noo. I miss his scent, his touch and everything about him. I’m totally addicted to him. I just want to kiss him non-stop that there’s no tomorrow.
“Ang ibig kong sabihing sumusuko na ‘ko, sumusuko na ‘ko na tiisin ang pagpapahirap sa’yo. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan. I’m sorry about that, gusto ko lang naman na marinig mula sa’yo kung gaano mo ‘ko kamahal at gusto ko rin naman na maranasang habulin mo ‘ko. I already ask you kung iyon lang ba ang sasabihin mo. But you didn’t even talk that’s why I left. Akala ko wala talaga akong halaga sa’yo at akala ko hindi mo na ‘ko pakikinggan. I’m willing to tell you everything I know, everything Madeline.”
Iyong simpleng pagluha ko lang ay napalitan nang hagulgol. This time ay hindi na ito sa sakit na nararamdaman ko kun’di masaya ako dahil lahat ng iyon ay hindi totoo. Bahagya siyang lumayo sa’kin at masuyong pinunasan ang mga luha ko na dumaloy sa aking pisngi. I love this man, I love his badboy era dahil sa kabila ng lahat kapakanan ko ang iniisip niya. I want to feel him the way I feel. I want to express my love for him every single day.
“Now Madeline, I want to hear from you what you shouted the last time we talked.” Tinitigan ko lang siya at bumaba pa ang tingin ko sa kaniyang mga labi.
Parang bigla akong nauhaw at gusto ko na lang sunggaban siya nang halik. Bakit ba kasi nakakaadik siya? Iyong galit at inis ko sa kaniya ay napalitan naman nang pagnanasa. Siguro ay namiss ko lang talaga ang mga halik niya kaya nagiging ganito ako. Nang muli ko siyang tingnan ay tila hinihintay niya ang aking sasabihin.
“But before that can I make a request?” Ipinilig niya ang kaniyang ulo at saka marahang tumango.
“Okay my wife, what is it?”
“I want to do this to you.” Hinawakan ko siya sa kaniyang batok at pagkuwa’y walang pag-aalinlangang siniil ko siya nang halik.
Naramdaman ko na lang ang mga palad niya na humihimas sa aking baywang. Marahan ko pang kinagat-kagat ang ibabang labi niya at sinipsip ito. Para akong isang bampira na uhaw sa kaniyang mga halik. I feel his manhood in my abdomen and I can also feel his hardness. Humiwalay ako sa kaniya at pareho naming habol ang aming paghinga.
“Mad__”
“Mahal na mahal kita sobra, Hindi ko kayang mawala ka sa’kin Jeremy. So please stay with me.” Hindi ko siya narinig na magsalita at basta lamang siyang nakatitig sa’kin.
Pero imbes na sagutin niya ako ay muli niya akong hinagkan. Binuhat niya ako paharap at inilapag sa ibabaw ng lamesa. We kissed passionately and this is what I missed about him. Idiniin niya pa ang sarili niya sa’kin at mas lalong naging mapusok ang bawat paghalik niya sa’kin. Nang muling maghiwalay ang mga labi namin ay hindi ko napansing binuksan ko na pala ang ilang butones ng kaniyang polo at kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan niya.
“Let’s take it slow my baby.” Namulang bigla ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya.
Paano ba naman kasi nagmukhang manyakis tuloy ako at para bang gustong-gusto ko siyang gahasain ngayon. Yumuko na lang ako at bahagya kong naitakip ang buhok ko sa aking mukha. Nakakahiya talaga baka kung ano pang isipin niya sa’kin. Inangat niya ang mukha ko at hinawi ang buhok ko na nakatakip sa aking mukha. Hinalikan niya ang aking noo at pagkuwan ay ang tungki ng aking ilong.
“You didn’t answer me yet,” nakangusong wika ko sa kaniya.
“Answer you what?” Sinamaan ko siya nang tingin na ikinatawa naman niya. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at tinitigan ako. “Hindi na kita kailangang sagutin dahil una pa lang alam mo na kung ano ang isasagot ko ‘di ba?” Malapad akong ngumiti at saka niyakap ko naman siya nang mahigpit.
Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib at hinahagod naman niya ang aking buhok. Sana ay parati na lang kaming ganito. Sana ay parati na lang kaming masaya at higit sa lahat ay sana hindi na kami magkahiwalay pa. I’ll do better and love him more than he loves me.
Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at inalalayan niya akong makababa sa lamesa. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at saka niya hinalikan ang likod ng aking palad. Parang tila kuryente ang naramdaman ko sa mga oras na ito dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon.
“Let’s go, my wife”
“Saan tayo pupunta? Saka may klase pa ‘ko eh,” takang tanong ko sa kaniya.
“Ituloy mo kung ano ‘yong ginawa mo sa’kin mahirap na patulugin itong Agila ko.” Napamaang ako dahil sa sinabi nito. “I want to feel you again my lovely wife at sisiguraduhin kong hindi mo na gugustuhin pang pumunta ng States para iwan ako dahil alam kong hahanap-hanapin mo ‘yong Agila ko.” Gusto kong matawa dahil sa mga sinasabi niya.
Naitikom ko na lang ang aking bibig sa pagpipigil at hindi na ako nagprotesta pa nang hilahin na niya ako palabas ng classroom. Sasama ako kahit saan basta siya ang kasama ko.